Nora Aunor becomes center of attraction as she makes her way back home

These are some photos taken at the Tom Bradley International Airport in Los Angeles during Nora Aunor’s departure back to the Philippines.

Top: Nora (third from left) with entertainment writer Cora Pastrana, Suzette Ranillo, and John Rendez; (below, left) Nora signs an autograph for some PAL employees; the Superstar with Tim Evans.


Pabalik na si Nora Aunor sa Pilipinas sa mga oras na ito at kabilang siya sa mga pasahero ng PR103 ng Philippine Airlines na inaasahan na lalapag sa Centennial Airport ngayong madaling-araw, 4:16 a.m.

Walong taon na namalagi si Nora sa California kaya sabik na sabik na siya na makauwi sa sariling bansa.

Inihatid si Nora sa Tom Bradley International Airport ng kanyang mga kaibigan at tagahanga.

Kasama sa mga naghatid sa aktres si John Rendez at ang veteran entertainment writer na si Cora Pastrana. Pamilyar ang pangalan ni Cora dahil siya ang babae na pinakasalan ni Raymond Bagatsing sa U.S. noong December 2008.

Napagkamalan na uuwi na rin ng Pilipinas si John dahil magkasama sila ni Nora sa international airport ng Los Angeles, pero kinumpirma ng isang source na susunod siya kay Nora, makalipas ang tatlong araw. (CLICK HERE to read related story.)

Ang kasama ni Nora sa pag-uwi sa Pilipinas ay si Suzette Ranillo dahil ito ang sumundo sa kanya sa Amerika.

Naging sentro ng atensiyon si Nora nang dumating siya sa LAX dahil sa mga TV camera na nag-cover ng pag-alis niya at sa mga Pilipino na nagpalitrato na kasama siya.

Nagpapasalamat ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Tim Evans dahil ito ang nagpahiram ng mga larawan ng departure ni Nora sa Amerika na nakikita sa taas.

Mamamayang hapon, August 1, ay magkakaroon ng isang malaking press conference sa isang 5-star hotel para sa pagbabalik ng Superstar sa Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN