Gardo Versoza recovering well from typhoid fever

Actor Gardo Versoza is still cofined at St. Luke’s Hospital in Quezon City after being afflicted with typhoid fever.


Mabilis na nag-i-improve ang kundisyon ni Gardo Versoza sa unang araw ng pagkaka-confine niya kahapon, August 1, sa St. Luke’s Medical Center sa in Quezon City dahil sa typhoid fever.

Na-admit ang aktor sa nasabing ospital noong Linggo ng gabi, July 31. Agad itong naipaalam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng girlfriend at manager ni Gardo na si Ivy Vicencio.

Pero noong Linggo, ayon din kay Ivy, "Mahinang-mahina pa siya, hindi pa bumababa ang lagnat at walang ganang kumain. Nagsuka nga siya kanina."

Worried si Ivy sa ipinadalang text message sa PEP.

Sa unang araw din ng confinement ay maraming tests na isinagawa kay Gardo: urinalysis, fecalysis, X-ray, series of blood tests, among others.

Tinawagan din ng PEP si Ivy kahapon ng umaga, August 1, sa room ng ospital kung saan naka-confine ngayon ang aktor at sinabi niyang wala pang mga resulta ang isinagawang tests.

Pero umaasa si Ivy na bubuti ang kalagayan ni Gardo sa lalong madaling panahon.

"Naku, si Ms. Camille [Montaño], palaging naka-monitor," ayon pa kay Ivy.

Ang tinutukoy niya ay ang executive producer ng Amaya, ang teleserye sa GMA-7 kung saan mainstay si Gardo bilang si Rajah Mangubat.

WELL-WISHERS. Maraming well-wishers si Gardo matapos mabalitaang naka-confine siya sa ospital.

Lunes ng gabi, dakong alas-siete, nang magpunta ang PEP sa St. Luke’s Medical Center para personal na alamin ang kalagayan ngayon ni Gardo.

Nadatnan ng PEP ang ilan sa mga bisita ni Gardo—mga malapit na kamag-anak nila, sa side ng kanyang yumaong inang si Gng. Purisima Luchangco Torres Polintan.

Sa hospital room ay nanood pa ang mga ito ng Amaya episode aired on Monday night.

Ayon kay Ivy, ang mga eksenang ginawa ni Gardo na isinahimpapawid ay mula sa huling pagte-taping nila noong Miyerkules, July 27.

"Wala nang reserve, kaya kailangan niyang mag-taping sa Biyernes [August 5], yun ang inabiso sa amin ng EP. Kailangan niyang gumaling agad. Sana naman," wika pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa 24 Oras, isinahimpapawid naman ang mensahe mismo ni Direk Mac Alejandre, direktor ng Amaya, wishing Gardo speedy recovery.

Ang ilan sa co-stars ni Gardo ay tumawag na kay Ivy bilang pangungumusta; ang ilan pa ay nagpasabing dadalaw anytime soon.

RECOVERY. Mas mabuti na ang lagay ni Gardo sa puntong ito, kumpara sa unang gabi ng confinement.

"Awa ng Diyos, nakakain na siya," sabi ni Ivy. "Kailangan, para lumakas siya agad.

"Five days kasi siya nilagnat, hindi bumababa, kaya nung Sunday afternoon, talagang napasugod na kami dito [St. Luke’s]."

Nabanggit ni Ivy ang dahilan ng pagkakaroon ng lagnat ng actor-boyfriend.

Kuwento niya, "Nagsimula ’yon sa pagkain, e. After niyang kumain yata nung isdang tulingan, yun, sumakit ang tiyan, nilagnat siya. Pero trabaho pa rin siya.

"Hindi naman siguro kaso ng food poisoning, pero yun ding iba na kumain nun sa set, nasira ang tiyan nila. Yun ang narinig ko."

PEP later asked Gardo about said primary reason and he confirmed yun din ang malamang na naging ugat ng kanyang karamdaman.

"Pero hindi ko kinain yung isda, may kasamang kangkong yun.

"Yun lang ang kinain ko, tapos parang nasira nga ang tiyan ko, tapos nilagnat na ako.

"E, pang-limang araw na, hindi bumababa ang lagnat ko. Nung Sunday, sabi ko hindi ko na kaya, kaya dumiretso na kami dito."

Partly due to overfatigue ang sanhi ng pagkakasakit ni Gardo, dahil sa tila sagad-sagaran ding pagte-taping back and forth, sa malalayong location tulad ng Pangasinan, Laguna, at Bulacan.

But which he can’t help dahil malaki ang role at mahalaga ang participation ni Gardo sa Amaya.

Good thing, though, as of 10 p.m. last night, August 1, nakikita na rin ang magandang resulta ng medical check-up ni Gardo.

Bumaba na ang kanyang lagnat, ayon sa latest body temperature niya, at ang kanyang blood pressure ay normal na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero umaasa pa rin sina Gardo at Ivy na hindi na babalik ang lagnat ng aktor para sa tuluyan nitong paggaling.

AJ DEE. Kabilang din sa early well-wishers ni Gardo si AJ Dee, ang isa sa mga aktor ng Amaya na madalas kaeksena at kasa-kasama ng aktor sa mga gimik matapos ang kanilang tapings.

Bumisita si AJ kagabi at nagdala ng ilang pagkain kaya naulit ang dinner ni Gardo. Pero hindi heavy ang kinain niya, bowl of noodles lang kasabay si Ivy.

After dinner, masayang nagkuwentuhan ang dalawa.

AJ was telling Gardo about his last taping, na hindi nakasama ang aktor dahil sa pagkakasakit nito.

AJ also informed PEP about the friendship he, Gardo, and character actor Rob Sy, among others, have developed on the set of Amaya sa loob ng limang buwang pagte-taping at dalawang buwang pagsasahimpapawid ng teleserye.

"Oo, kami-kami ang magkakasama, madalas," sabi ni AJ.

Kabilang din sa grupo nila si Mon Confiado.

Ayon pa kay AJ, sa set ay madalas silang nagtatawanan.

"Maski take na, tawanan pa rin... tinginan, tapos tatawa, pero hindi ipapahalata. Kanya-kanyang tago na lang."

Sa kanyang hospital bed, natatawa ring nag-share ng kuwento niya si Gardo.

"Parang yung sa eksena kanina," sabi niya, referring to the just-viewed episode of Amaya, kung saan ipinakitang galit na galit si Rajah Mangubat, na ang huling eksena’y itinakwil niya ang anak na si Bagani (Sid Lucero) matapos nitong magsinungaling sa kanya.

"Yung character ko, galing sa pagkagalit. Nung e-exit na ako, magkatabi sila [AJ at Rob], kita ko, pasimpleng nagtatawanan.

"E, nakapuwesto sa dadaanan ko. So, hinawi ko sila. Si Rob, natumba! Nakita ’yon, e, slowmo nga lang."

At pigil na tumawa si Gardo, iniiwasan lang na mapuwersa ang katawan sa masayang kuwentuhan nila ng kasamang aktor.

Samantala, sa eksena ay puwersado ang aktor sa ipinapakitang emosyon ng labis na pagkagalit, na nagsisisigaw sa eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahilan din para lalong sumama ang pisikal niyang kalagayan na humantong sa pagkaka-ospital.

"Nilalagnat na siya nun, hindi lang halata," banggit ni Ivy.

MESSAGE OF THANKS. Hindi nakalimot magparating ng mensahe ng pasasalamat niya si Gardo.

"Salamat sa lahat ng mga well-wishers," sabi niya.

"Sa PEP, na nagbalita [thru PEP Alerts], maraming salamat. Sa lahat ng mga tumawag, nag-text... nagpakita ng concern.

"Salamat po sa inyong lahat. Babalik na po si Rajah Mangubat!"’


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN