Judy Ann Santos confirms movie with Coco Martin; enjoys her first hosting experience

"Nae-enjoy ko ang pagiging host. Ito pala ang part ng industriya na akala ko hindi ko kayang tawirin. It’s a path worth trying," says Judy Ann Santos after she hosted a show for the first time.


Lubos ang tuwa ni Judy Ann Santos sa pagbabalik ni Superstar Nora Aunor sa ating bansa.

Sa panayam sa kanya ng Showbiz News Ngayon (SNN) kagabi, August 1, sinabi niyang isang "legend" nang maituturing si Nora.

"Isa ako sa mga taong sobrang magiging masaya kasi talagang totoo nag-iisa lang ang isang Nora Aunor," saad ng aktres.

"Walang puwedeng pumalit sa trono niya.

"Nora Aunor is a legend already.

"Kumbaga, bookmark siya ng pagiging artista at ako maligaya ako at proud akong sabihin na nakasama ko siya sa isang proyekto."

Matatandaang noong 1988 ay kasama si Juday sa pelikulang Sana Mahalin Mo Ako, na pinagbidahan nila Nora Aunor at Tirso Cruz III.

MOVIE WITH COCO. Kaugnay sa paggawa niya ng pelikula, kinumpirma na ng aktres na may gagawin nga siyang pelikula kasama ang aktor na si Coco Martin.

Ang pelikulang ito ang unang proyektong gagawin ni Juday para sa susunod na taon.

Aniya, gustong-gusto niya ang kuwento ng pelikula kaya hiniling niyang huwag ibigay ang proyektong ito sa iba.

"Nabasa ko ang script, sinabi ko agad sa producer namin na ’Please huwag mo ibibigay sa iba ’yang istoryang ’yan. Akin ’yan.’"

Pero sa ngayon, abala siya sa pelikulang pagsasamahan nila ng asawa niyang si Ryan Agoncillo.

Ilalahok ang pelikulang My House Husband sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre. (CLICK HERE for related article)

JUNIOR MASTER CHEF. Bukod sa pagiging abala sa pelikula, naghahanda na rin si Juday sa pag-host ng bagong show ng Kapamilya network, ang Junior Master Chef.

Nabanggit na noon ng aktres na nagsimula na silang magpa-audition para sa mga posibleng kalahok sa nasabing palabas. (CLICK HERE for related article)

Ito ang first time na magho-host si Juday. Nakilala kasi siya sa paggawa ng mga soap operas, at pelikula.

Bagaman kabado siya noon, ngayon daw ay nage-enjoy na siya sa bagong experience, at challenge na ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nae-enjoy ko ang pagiging host.," bulalas niya.

"Ito pala ang part ng industriya na akala ko hindi ko kayang tawirin.

"It’s a path worth trying."

Kahit busy sa kanyang schedules ngayon, sinisgurado daw ni Juday na hindi siya nawawalan ng oras para sa kanyang pamilya, partikular sa kanyang mga anak.

Kuwento niya, "Napapatulog ko pa sila. Napapakain ko pa sila ng breakfast.

"Maaga ako natatapos, may time pa ako sa mga bata.

"Masyadong komportable ang schedule sa akin," nakangiting sinabi ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN