BB Gandanghari is very "happy" and "blooming" in New York, according to friend Samantha Lopez

"Napaka-ano niya ngayon, ibang-iba ang aura niya talaga, blooming, as in! Ay, ang haba na ng hair niya... basta, maganda talaga siya ngayon! As in sumeksi siya, siguro may mga five to seven percent body fat na lang siya," says Samantha Lopez about BB Gandanghari (in photo).


Marami ang nagtatanong kung nasaan na si BB Gandanghari, ang dating aktor na nakilala sa pangalang Rustom Padilla.

Maraming mga kuwento ang umiikot tungkol sa kanya, tulad na lamang ng diumano’y sex change issue. Pero nananatiling tahimik ang kampo ni BB.

Kinumusta ng Showbiz Central ang close friend at naging kasa-kasama ni BB sa Amerika—ang nagbabalik-showbiz na si Samantha Lopez, na kasali sa cast ng danserye ng GMA-7 na Time Of My Life.

"Mabuting-mabuti siya, gumaganda, sumeseksi, umaariba!

"Nasa New York siya ngayon preparing for Fashion Week," kuwento ni Samantha, na unang nakilala bilang Gracia sa Eat Bulaga!.

At para sa mga curious, Samantha adds more details about BB.

"Sobrang happy niya, haping-happy siya!" sambit niya.

"Napaka-ano niya ngayon, ibang-iba ang aura niya talaga, blooming, as in!

"Ay, ang haba na ng hair niya... basta, maganda talaga siya ngayon!

"As in sumeksi siya, siguro may mga five to seven percent body fat na lang siya.

"Healthy, healthy na pagka-seksi, ha!"

Nagpakita pa ang Showbiz Central ng exclusive photos ni BB sa isang recent photo shoot nito sa Amerika, patunay na maayos ang buhay niya ngayon.

Pero sa tanong kung bakit tila nagtatago sa publiko si BB, mabilis ang depensa ni Samantha.

"Hindi naman sa itinatago niya, e... No, don’t get me wrong, ha?

"Pero nirerespeto ko yung ano niya na gusto niya ng ganun.

"Ibigay na lang natin sa kanya yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN