Edgar Allan Guzman ends live-in setup with former Sexbomb dancer Johlan Veluz after six months

On why Edgar Allan Guzman and Johlan Veluz agreed to stop living in together: "Kasi alam naming mali. Kumbaga, bata pa kami. Bata pa ako. Hindi pa tamang magsama kami."


Nakatakdang pumirma sa Huwebes, August 4, ng exclusive movie contract ang TV5 talent na si Edgar Allan Guzman sa Regal Entertainment.

Wala pang detalye kung ilang taon at ilang pelikula ang gagawin ng young actor sa Regal. Pero dahil dito, sigurado nang magkakaroon ng katuparan ang pangarap niyang maging mainstream movie star.

"Ang sarap ng feeling," sambit ni Edgar sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

"Gaya nga ng sinabi ko, ang sarap pong magtrabaho.

"Kasi kumbaga, yung mga pangarap ko na hindi ko naman ini-expect na matutupad, unti-unti ko nang nakukuha.

"And hindi ko na siya palalagpasin talaga.

"Sana sa first movie ko sa Regal, mangyari na agad.

"Hindi ko naman bibigyan ng doubt or pagsisisi sina Mother Lily [Monteverde] na kinuha nila ako.

"Dahil pag nandoon na po ako sa set ng ginagawa naming pelikula, gagalingan ko naman at ibibigay ko lahat."

Sa pagkakaalam ni Edgar, base na rin sa sinabi sa kanya ng manager niyang si Noel Ferrer, isasama siya sa pelikula ng Regal na entry sa Metro Manila Film Festival 2011.

Hindi pa lang kumpirmado, pero makakasama raw niya si Eugene Domingo sa nasabing project.

LIVING IN WITH JOHLAN. May Regal movie at best actor award mula sa kakatapos na Cinemalaya para sa pagganap niya sa indie film na Ligo Na U, Lapit Na Me, walang dudang maganda ang takbo ng career ni Edgar ngayon.

Pero gano’n din kaya kaganda ang takbo ng lovelife niya with Sexbomb dancer Johlan Veluz?

"Kami pa rin," sagot niya.

"Yun nga lang, bumalik nga lang ako sa pamilya ko.

"Alam ko namang mali. Pinag-usapan naman namin.

"Kami pa rin."

Diretsahang inamin ni Edgar na nag-live in sila ni Johlan.

"Siguro nag-start po kaming mag-live in no’ng last January lang po. Mga six or seven months rin po kami nagsama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po sinasadya. Parang sinamahan ko lang po siya sa bahay [niya].

"Yun nga rin ang problema, yung parking sa bahay [namin]. So, yun.

"Nagpaalam naman ako sa mommy ko and yun na. Maayos naman po lahat.

"Okey naman kay Johlan. Okey rin naman sa parents niya.

"Hindi po niya kasama yung parents sa bahay niya. Kami lang po ang magkasama, bukod din siya," kuwento pa niya.

Bakit nagdesisyon siyang bumalik na lang sa kanyang parents?

"Kasi alam naming mali. Kumbaga, bata pa kami. Bata pa ako.

"Hindi pa tamang magsama kami.

"Napansin rin namin na parang magulo rin lang din.

"Kumbaga, mas magiging kumplikado lang ang relasyon namin kung mag-i-stay kami [together] nang maaga," paliwanag niya.

Hindi ba siya natakot na baka mabuntis niya si Jolan at magkaroon siya ng maagang responsibilidad?

"A, hindi naman po. Hindi naman. Wala naman," sunud-sunod niyang tanggi.

Nililinaw lang ni Edgar na hindi career move ang rason ng pag-alis niya sa live-in set-up nila ni Jolan.

"Bago pa po ako manalo ng best actor, bumalik na po ako sa bahay ko.

"Bago rin ako mag-sign ng Regal contract, bumalik na po ako sa parents ko," sabi niya.

Mutual daw ang naging agreement nila ni Johlan na magkanya-kanya muna ng tirahan.

"Sinabi namin lahat yung mga hindi nagiging magandang bagay. Yung mga hindi magagandang bagay or issue sa amin.

"So, napansin namin, yung pagsasama, parang hindi magandang ginawa namin. So, okey naman po.

"May mga maliliit na bagay na napag-aawayan na hindi naman dapat napag-awayan. Pero, naayos naman namin."

LIKE COCO MARTIN. Nabansagang "Indie Prince" si Edgar dahil sa mga sunud-sunod na indie projects niya.

Sinasabi ngang siya na ang susunod sa yapak ni Coco Martin na nakilala sa indie films at ngayon ay sikat na bilang mainstream actor.

"Idol ko si Coco," sambit ni Edgar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit sino naman gustong masundan ang narating niya ngayon.

"Sana maging ganon rin ang kahihitnan ng karera ko sa showbiz.

"Na yun nga, napansin sa indie [films] tapos nagtuluy-tuloy na at napansin rin sa mainstream. At nagkaroon rin ng maraming awards.

"So, sana maging ganun din. Pero, iba rin si Coco. Iba rin siya talaga."

Ang siguradong mapapansing kaibahan niya kay Coco ay ang pagiging mapangahas na aktor nito. Para sa isang magandang project handang mag-frontal nudity si Coco gaya ng ginawa niya sa Serbis.

Pero si Edgar, sinabi nito sa isang interview na hanggang sexy lang daw ang kaya niyang gawin. Gaya ng pagpapakita ng kanyang behind sa indie film niyang Ligo Na U, Lapit na Me.

"Hindi lang butt exposure ang ginawa ko sa latest indie film ko. May love scenes na rin ako na kakaiba sa ginawa kong previous movie na Magdamag.

"Siguro, yun na yun. Hindi ko lang po masasabi kung hanggang saan yung limitation ko.

"Nakita ko rin yung pelikula [Serbis] na yun ni Coco. Pero, hindi ko talaga masasabi. Darating rin tayo sa time na yun.

"Hindi ko isinasara yung possibility na gumawa ako ng mas matapang na role.

"Nasa istorya naman siguro ng indie na gagawin ko," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN