Three loveteams of Time of My Life undergo lie-detector test in Showbiz Central—who’s lying, who’s telling the truth?

Time of My Life stars: (Top, from left) Steven Silva, Rocco Nacino, and Enzo Pineda; (bottom, from left) Sarah Lahbati, Kris Bernal, and Diva Montelaba.

Who’s dating who? Who’s courting who? Who almost became lovers among the loveteams of Time Of My Life?


Anim sa young cast members ng danseryeng Time Of My Life ng GMA-7 ang sumalang last Sunday, July 31, sa Don’t Lie To Me segment ng Showbiz Central hosted by John "Sweet" Lapus.

Sila ay sina Kris Bernal, Rocco Nacino, Sarah Lahbati, Enzo Pineda, Diva Montelaba, at Steven Silva.

ENZO AND SARAH. Ang unang pares na nagtanungan ay sina Enzo at Sarah. Binanggit muna ni Enzo na nagkaroon ng possibility na maging sila noon dahil inamin ni Enzo na special si Sarah kay Enzo.

Ngayon ay nililigawan na ni Enzo si Louise delos Reyes.

Ang tanong ni Enzo kay Sarah ay kung nagkaroon ba ever ang dalaga ng feelings para sa kanya.

"Oo naman. Siyempre magkaibigan tayo. ’Tsaka sa tagal ng samahan mula ng StarStruck, siyempre naging close tayong lahat. So, naging friends," ang sagot ni Sarah.

"Truth" ang naging resulta sa lie-detector machine sa sinabi ni Sarah.

"Siguro nung times na yun, pareho kaming confused," ang pahayag pa ni Sarah sa comment ni Sweet na dati ay parang type ni Enzo si Sarah, pero tila hindi type ni Sarah si Enzo.

Parang hindi pa ready noon si Sarah na makipagrelasyon kay Enzo.

Tinanong naman ni Sweet si Enzo na baka kaya niya niligawan si Louise dahil nabasted ito kay Sarah noon.

"Ay, hindi po! First of all, gusto kong i-clarify na kami naman ni Sarah, magkaibigan kami ever since.


"And ngayon, alam ninyo naman na nililigawan ko si Louise and siya ang gusto ko," saad ni Enzo.

Baling ni Sweet kay Sarah kung ano ang naging reaksiyon ng dalaga nang nalaman nitong nililigawan na ng binata si Louise.

"Siyempre, napapansin ko po na happy din si Enzo. Laging naka-smile.

"So, as long as he’s happy, I’m happy for you din," sabi naman ni Sarah.

Pero ayon kay Enzo, hindi pa siya talaga sinasagot ni Louise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KRIS AND ROCCO. Ang sumunod na pares ay sina Kris at Rocco.

Tinanong ni Kris si Rocco kung hindi ba sumama ang loob nito, na kahit nag-click ang tambalan nila sa Koreana ay sinabi pa rin ng dalaga na mas gamay niya si Aljur Abrenica.

Ito rin ang reason ni Kris kaya mas pinili niya si Aljur Abrenica para muling makatambal sa Machete?

"No," ang sagot ni Rocco. At "Lie" ang naging resulta nito sa lie-detector machine.

Paliwanag naman ni Rocco, "Well, kung sasabihin ninyo po AlKris [tawag sa tambalang Aljur at Kris], talagang iba ang tama sa mga tao.

"So, alam ko na iba yung pinagsamahan nila ni Aljur.

"At when you pair Kris with Aljur, talagang makikilig talaga yung mga tao. So, I respect that. I respect that.

"Masaya po ako na naging loveteam kami. Pero, I respect [also] that mas pipiliin niya si Aljur dahil mas matagal ang pinagsamahan nila."

Hindi rin naman daw magtatampo si Kris kapag pinagtambal sina Rocco at Sheena Halili. Balita kasing exclusively dating ngayon sina Rocco at Sheena.

"Ay, wala, support ko siya [Rocco], sila ni Sheena," sinabi naman ni Kris.

DIVA AND STEVEN. Ang huling pair na nagtanungan ay sina Diva at Steven.

Tanong ni Steven kay Diva, since special friends daw ang turingan nila noon pang StarStruck days, if ever ma-develop si Steven kay Diva at manligaw siya, posible bang maging totoong lovers sila?

"Yes," ang sagot ni Diva. Pero, "Lie" ang naging resulta nito.

"Hindi ko alam bakit lie!" ang bulalas ni Diva.

Sinabi naman ni Steven na hindi pa naman siya nanliligaw kay Diva nang tanungin ni Sweet kung nanliligaw na nga ba siya sa dalaga.

"Sa StarStruck pa kami. We’ve always been really close friends," pahayag ng binata.

"Kahit naman po hindi si Steven ’yon," sabi naman ni Diva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos magkakaroon ako ng sobrang strong na friendship, tulad nung sa StarStruck, siguro one year na kaming friends, tapos liligawan ako, siguro naman malaki ang possibility.

"Na, we’ll commit to each other as [a couple dating] romantically. Alam mo yun?

"Pero for now, kasi hindi ko naman po dini-deny, na kung papipiliin ako ng lalaki na pinaka-close ko ngayon, that would be Steven.

"Pero sana ligawan muna niya ako bago mangyari ang lahat ng yun!" ang natatawang sabi pa ni Diva.

Kaya tinanong ni Sweet si Steven kung kailan nito balak ligawan si Diva.

"Hindi ko alam, e. Mag-usap tayo mamaya," ang birong sabi ni Steven kay Diva.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN