Krista Ranillo says husband Niño Lim wants another baby next year

"Well, sabi nila suwerte raw ang ’Dragon’ baby. Si Niño, he was saying na sana, next year, we can have one na girl naman," says Krista Ranillo about husband Niño wanting another baby.


Nakapanayam ng The Buzz U.S. correspondent na si Monet Lu si Krista Ranillo sa Amerika sa mismong araw ng binyag ng anak nila ni Niño Lim na si Nate Jacob.

Two months na ang baby ni Krista nang pabinyagan ito.

"Sobrang saya kasi grabe yung turnout ng guests," ayon kay Krista.

"Hindi namin ine-expect. Our friends and family [are here].

"So, talagang masaya kami na ang daming pumunta at nakibahagi sa baptism ni Nate. So we’re happy."

May mga pagbabago nga raw kay Krista simula nang maging isa na siyang ganap na ina.

"Marami. Siyempre, it’s a very fulfilling life. Iba sa buhay showbiz.

"Yung makita ko lang every milestone ni Nate [masaya na ako].

"First time siyang nag-i-smile. First time siyang nagro-roll. Roll over na siya.

"Yung nandoon ako for every milestone of his life, it’s very fulfilling in itself.

"Simple ang buhay, pero masaya."

Ano ang difference ng fulfillment as an actress compared to being a mom?

"Malaki. Malaki ang difference. Kapag artista kasi, siyempre we strive to get good roles. Gusto natin manalo tayo ng award.

"Pero siyempre, being a mother, it’s like receiving an award every day.

"Yung makita mo lang ang anak mo everyday [at] very healthy. Tapos ako, very hands-on and breastfeeding him.

"At nakikita mo na lumalaki siya with your tender loving care. It’s like receiving an award already."

Paano kung paglaki ni Nate ay gustuhin nitong mag-artista?

"Ayaw ng daddy niya," sabi ni Krista.

"Siyempre, we want him to be, you know, a businessman. Or, whatever he wants in life.

"Pero, nakikita ko na as young as he is now, mas ma-PR na bata, e. Talagang tumatawa siya, he likes to be around people.

"Kahit maingay, hindi siya naiingayan. Talagang masaya siya.

"Feeling ko, baka in the future [puwede sigurong mag-artista]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEXT BABY? Plano na nga ba nilang sundan ng asawa ang kanilang anak?

"Well, sabi nila suwerte raw ang ’Dragon’ baby.

"Si Niño, he was saying na sana, next year, we can have one na girl naman.

"Pero yun nga, I just wanna enjoy the baby.

"Siyempre, first baby si Nate. Ayokong ma-neglect siya or anything.

"Pero, tingnan natin, di ba?

"Parang ngayon naman, nami-miss kong maging pregnant. Nami-miss kong magkaroon ng belly, di ba?"

MESSAGE FOR NATE. May message pa si Krista kay baby Nate na malay nga natin ay mapanood ng bata paglaki niya.

"Hi Nate. Love of my life. I’m really thankful na dumating ka sa buhay ko. Sa buhay namin ng daddy mo.

"Parang feeling ko, lahat ng pinagdaanan namin sa buhay, it’s worth it kasi you’re there.

"You’re worth everything. Happiness and sorrow [that I went through], [if] you weren’t here. You’re just really worth it.

"And I love you so much. Just be a good boy," pahayag ni Krista kay Nate Jacob.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN