Mikael Daez denies avoiding interviews because of nude photo scandal

"Ang pagkakaintindi ko sa job ko is I’m an actor. And as an actor, hinahatulan ka sa acting mo, hindi sa dami ng intriga mo, hindi sa laki ng intriga mo. So what you have to focus on, kung saan ako dyina-judge, sa acting," says Mikael Daez.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang model turned actor na si Mikael Daez sa taping ng Amaya sa Pagsanjan, Laguna, last Monday, August 1.

Ang unang tanong namin kay Mikael ay kung ano ang pinakagusto niya sa karakter niyang Lumad sa Amaya at kung saan siya pinaka-nahirapan?

"Pinakagusto kong eksena? Well, actually yung pinakagusto kong eksena yung mahihirap, e.

"Well, two scenes come to mind. Yung una yung flashback scene, yung kasama si Sarah [Lahbati].

"And the other one, yung scene na away kay Vice Gov [Daniel Fernando], who plays Atubang.

"Kasi ’yon yung unang scene ko na sobrang bigat, so very challenging siya.

"Ang dami kong natutunan before and after, so alam mo yung parang ’yon yung mga eksena kung saan maggu-grow ako as an actor and as a person.

"Kasi madami kang matututunan and these are the things na parang nagiging memorable sa character mo, e.

"Ito yung mapapansin ng audience, so siyempre sa akin, I want to improve all the time.

"So, pagkatapos ng mga eksenang yun, kinakausap ko yung mga acting coach, si Miss Camille [Gomba-Montaño, Amaya’s executive producer], sina Direk [Mac Alejandre], of course.

"And yun, tinatanong ko sila kung paano pa ako mag-i-improve," kuwento ni Mikael.

Sino ang mga kadikit o ka-close niyang co-actors sa Amaya?

"Well, yung nakaka-tent ko lang lagi si Dion [Ignacio], si Tito Roy [Alvarez], si Pancho [Magno].

"Si Sheena [Halili], hindi kami magka-tent, pero lagi kaming magkasama sa eksena. So, sila yung naging close kami.

"Of course, sina Sid [Lucero], Marian [Rivera], lagi kong nakakausap before each take.

"So, ’yon, naging close talaga ako sa kanila.

"Ang laki kasi ng cast namin, so yung iba, hindi namin nakakausap, e."

MIKAEL’S LOVELIFE. Successful ang TV career at maging ang movie career ni Mikael after his debut movie Temptation Island. Pero kumusta naman ang kanyang lovelife?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, me and the set of Amaya, kami yung magka-lovelife!" ang natatawa niyang sagot.

Bakit nali-link siya sa Kapamilya star na si Megan Young? Nabalita pa ngang nag-date daw sila sa Greenbelt.

"A, talaga?

"Si Megan, si Sarah [Lahbati], si Lauren Young... ang dami n’yo namang inaano sa akin!" at muling natawa si Mikael.

Pero aniya, "Actually, kilala ko silang lahat because of this one friend from college, so may common friend talaga kami.

"So, pag lumalabas kami, ayun, nagkikita kami."

Nililigawan ba niya si Megan?

"No, we’re friends," mabilis niyang sagot.

Paano yung nakuhanan sila ni Megan ng litrato sa Greenbelt na silang dalawa lang?

"Wala, lokohan lang yun. We’re friends lang actually.

"Mahirap rin kasi for me to date someone now kasi M-W-F-S, taping kami.

"And siyempre pagbalik mo Tuesday morning sa bahay, tutulog ka na.

"Pagkagising mo, naghahanda ka na, nagbabasa ka na ng script for Wednesday.

"So, you know, work lang, trabaho lang. Especially ngayon na nag-uumpisa pa lang ako, kailangang mag-focus ako sa mga ginagawa ko.

"So, mahirap rin. Parang hindi fair sa opportunity na ibinigay sa akin, kay Miss Camille, na ibinigay sa akin itong opportunity na ’to, tapos hindi ko gagalingan, hindi 100 percent yung attention ko.

"So, for me, okay lang rin na wala munang girlfriend or kung anu-ano.

"Just try to work on your job first, on your career," saad ni Mikael.

MARIAN RIVERA. Ano naman ang feeling niya na first TV show niya ay isang Marian Rivera na agad ang naipareha sa kanya—sa Spooky Nights at dito sa Amaya?

"Siyempre, I feel very blessed and ’yon ang dumating, e, so nagpapasalamat na lang ako.

"Kaya sinabi ko, 100 percent bigay talaga. Buhos na kasi minsan lang ito nangyayari.

"Alam ko sinusuwerte naman ako ngayon, so kukunin ko na. And everything I’ve got with all my heart and soul, go lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Being with Marian, ano ang masasabi niya sa negative issues na ipinupukol sa aktres? Nakikita ba niya iyon?

"Well, lagi kong sinasabi sa mga tao pag tinatanong ako about Marian...

"Siyempre, lagi akong tinatanong, ’How’s Marian?’ ganyan, everything.

"Yung sinasabi ko, you know from my experience, from day one nung unang-una ko siyang nakausap, which was the storycon of Spooky Nights, napakabait niya, as in!

"The first thing na sinabi niya sa akin, sinabi niya, ’Huwag kang kabahan, Mikael, okay lang ’yan. Tutulungan ka naman namin.’

"The whole storycon, binubulungan lang niya ako. Sinasabi niya, ’Okay lang ’yan, ganito ang dapat gawin mo kung tatatanungin ka ng ganito. Ito ang dapat gawin mo pag nasa set ka na.’

"Very supportive talaga siya and she’s a big reason na, alam mo yun, naging kumportable ka na sa bago mong environment. Malaking dahilan siya dun."

Kahit daw ngayong magkatrabaho na sila sa Amaya, walang ipinagbago si Marian.

"Until now, tinutulungan pa rin niya ako. Sinasabi niya, ’Kung may problema ka sa eksena natin, tanungin mo lang ako.’

"Yung mabibigat naming eksena lalo, tinutulungan niya ako," lahad niya.

Nang nababalitaan niya ang negative intrigues about Marian, ano ang reaksiyon niya?

"Well, unang-una, ako, yung ano ko dun, yung tingin ko dun, it’s showbiz, di ba?

"I mean people are bound to misinterpret things kasi siyempre nakikita lang nila one part lang, e.

"Ako, nakikita ko... nakikilala ko talaga siya so...

"Hindi naman sa... Actually hindi ko naman siya pinapansin, kasi ako, based on my personal experience lang lagi.

"I mean, I don’t judge a person on what I hear. I judge a person kung paano ko siya nakikilala.

"And the way I know Marian and everybody else on the set, oh my God, we’re one big fighting team!" at muling tumawa si Mikael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COPING WITH INTRIGUES. Fighter ba si Mikael kapag may intriga?

"In terms of intriga, hindi!" bulalas niya.

"Kasi in terms of intriga, like hindi ko masyadong pinapansin kasi...

"Ang pagkakaintindi ko sa job ko is I’m an actor. And as an actor, hinahatulan ka sa acting mo, hindi sa dami ng intriga mo, hindi sa laki ng intriga mo.

"So what you have to focus on, kung saan ako dyina-judge, sa acting.

"Titingnan naman ng GMA management kung kaya kong mag-act, kung kaya kong mag-perform, iyon yung inaasikaso ko."

Meaning, hindi niya pinapansin ang intriga at hindi niya nilalabanan?

"Oo. Like nandiyan lang siya, and I know it’s a side effect of what I’m doing coz I’m in showbiz.

"Iyon yung industriya natin, so okay lang naman sa akin.

"I know it’s part of it, of what I’m doing.

"Pero kailangang mag-focus on what really matters, and what matters para sa akin is yung acting talaga.

"Kasi ’yon talaga ang titingnan at the end of the day.

"Iyon ang pinakaimportante para sa akin."

AVOIDING INTERVIEWS. Baguhan pa lang si Mikael, pero sinalubong na agad siya ng intriga noon, partikular na ang diumano’y nude photo scandal niya na kumalat sa Internet.

Nagka-trauma o na-shock ba siya dun?

"Well, of course, shocking kasi... of course anything, lahat ng pinasukan ko dito sa showbiz, lahat naman shocking.

"Yung pagkakakilala ko lang kay Marian, shocking na rin yun e, di ba?

"Pleasant ’yon, of course. May pleasant and unpleasant experiences.

"Pero the thing is, yun nga, talagang I made sure na yung mindset ko is going to be very, very focused, focused on acting and trying to be the best actor that I can be, right?

"Kasi a lot of people know na I don’t have a lot of acting experiences prior to this, so super focused lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then everything else, just put it aside first and then focus on this one thing that will help me become successful in my career."

Noong bago pa lang siya, dahil na rin sa intriga, nagkaroon ng impression ang marami, lalo na ang press, na umiiwas siya sa interviews dahil sa isyung ito.

Kadalasan ay bigla na lang siya nawawala sa mga presscon, gaya noong Amaya at Temptation Island, kapag may one-on-one interviews na.

"Well, if ever umiwas ako, sorry. Pero now we’re all talking!" tumatawang sabi ni Mikael.

"Nag-uusap na tayo ngayon."

Umiwas ba siya talaga noon sa interviews?

"Hindi naman, hindi naman.

"Siguro... I remember I had somewhere to go noon after the presscon [of Amaya and Temptation Island].

"So, for me, right now... I’m very open, I’m answering your questions, so okay naman."

So, walang katotohanan na umiiwas siya dati sa interviews?

"Wala, you talk to me and I’ll talk to you.

"Sobrang hilig kong magsalita, sobrang ingay ko, sobrang ingay ko. Madaldal ako," sabi ni Mikael.

100 MOST BEAUTIFUL STARS. Ano naman ang feeling ni Mikael na kasama na siya agad sa list ng 100 Most Beautiful Stars ng YES! magazine this year kahit halos kakasimula pa lang niya?

"Hindi ko alam nung una," sabi niya.

"May nagsabi lang sa akin, may nag-text lang sa akin. Hindi ko alam kung bakit.

"Well, thank you, it’s very flattering."

In-expect ba niyang mapasali sa list?

"I guess hindi, hindi ko naman kasi alam na may ganun, e."

Kino-consider ba niya ang sarili niya na guwapo?

"Well, I’d like to think that I’m not pangit!" tawa ni Mikael.

"No... I don’t really think about that.

"I mean I think beauty is very subjective...very, very subjective."

Ano ang tingin niya sa sarili niya—guwapo or sexy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hmmm, I don’t’ know, it’s for the people to judge.

"I don’t really judge myself. I don’t judge myself when it comes to that,

"I judge myself in terms of being happy or not.

"Right now, I’m happy, very happy," sabi ni Mikael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN