Joshua Dionisio says giving Barbie Forteza diamond earrings does not mean they’re on; denies courting Julie Anne San Jose

"Marami talaga po akong crush sa showbiz, e, pero wala naman po akong sineseryoso o niloloko. Ganun po yung playboy, di ba?" says Joshua Dionisio on being tagged as a young playboy.


At 16, napapabalita nang playboy ang tween star na si Joshua Dionisio.

"Sino daw po ang mga na-link sa akin?" balik-tanong naman ni Joshua nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Marami talaga po akong crush sa showbiz, e, pero wala naman po akong sineseryoso o niloloko.

"Ganun po yung playboy, di ba?"

Sino ang pinaka-crush niya bukod kay Barbie Forteza na ka-loveteam niya?

"Si Sam Pinto!" mabilis niyang sagot.

Pareho sila ni Alden Richards?

"Hindi, ako po talaga ang original, ginaya lang nila ako! Joke lang!

"Ewan ko kay Alden, hindi kasi siya nagse-share dati ng mga ano niya, e.

"Ngayon nga lang po, sinasabi na niya."

Bumoto ba siya kay Sam sa FHM Sexiest Women poll?

"One time. E kasi po, wala lang, gusto ko lang mag-vote," sabi ng binata.

May kopya ba siya FHM magazine na si Sam ang cover?

"Wala po. Hindi naman po ako talaga mahilig sa FHM.

"Ano lang po, para lang support lang kasi dahil nga nakasama ko siya sa movie, susuportahan ko siya.

"Hindi naman kailangang bumili ng magazine pa."

Ang movie na tinutukoy ni Joshua ay ang Tween Academy: Class of 2012 ng GMA Films na ipalalabas sa August 24.

Sa December ay magse-seventeen na si Joshua. May nararamdaman na ba siyang pagbabago sa pagbibinata niya?

"Oo naman!" mabilis niyang tugon.

May mga pinapantasya na ba siyang mga babae?

"Hindi naman, walang masyadong ganun."

Sino ang pantasya niya?

"Wala po. Kahit si Ate Sam, hindi."

JULIE ANNE & BARBIE. Nilinaw naman ni Joshua ang balitang niligawan niya ang young singer na si Julie Anne San Jose.

"Isyu lang po iyon, hindi ko nga alam kung saan nanggaling.

"Bigla na lang tinanong sa akin yun, hindi ko rin po alam kung saan galing," sabi niya.

Hindi niya nililigawan si Julie Anne?

"Hindi naman po talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

E, sila ni Barbie? Sila na ba?

"Hindi po," tanggi ni Joshua.

Kahit nagbigay siya ng diamond earrings noong birthday ni Barbie last July 31?

"Hindi naman po porke nagbigay ng diamond earrings, e, kami na.

"Ganun po ba yun, pag nagbigay ng earrings, kayo na?" sabi niya.

So, loveteam lang talaga sila?

"Opo."

TWEEN ACADEMY. Sa Tween Academy: Class Of 2012, ang mga bida ay ang tween stars ng GMA na sina Barbie at Joshua, Alden at Louise delos Reyes, Elmo Magalona at Julie Anne San Jose, Derrick Monasterio at Lexi Fernandez, Kristoffer Martin at Joyce Ching, at sina Bea Binene at Jhake Vargas.

Ayon sa iba, sina Joshua at Barbie ang magdadala ng pelikula bilang pinakasikat na tandem sa grupo.

May pressure ba na kapag ipinalabas ang movie ay sa kanila ni Barbie nakasalalay ang tagumpay nito sa box-office?

"Iyon naman po talaga ang mahirap sa movie, kasi siyempre hindi dahil sa artista lang kaya nabebenta ang movie.

"Kasi madalas dahil sa istorya talaga, so kailangan po talaga maganda yung istorya," sabi niya.

Ano ba meron ang Tween Academy: Class of 2012 para panoorin ng tao?

"Kasi pinilit ng mga writiers namin, ’tsaka with the help of Ms. Annette [Gozon-Abrogar] and Direk Mark Reyes, pinilit nilang i-revise yung script para maging iba sa Tween Hearts sa TV.

"Kasi siyempre po pag pinanood nila yung movie, tapos nakita nilang tulad lang ng Tween Hearts [TV series], e, di parang puwede na lang silang manood sa bahay.

"So, pinilit nila na ibahin yung Tween Academy: Class of 2012 from the series para pag nakita ng mga tao, kakaiba ang istorya, kakaiba yung characters, kakaiba ang lahat."

Sa pelikula raw, walang naughty scene si Joshua.

"Wala po sa akin, kay Elmo, grabe!" sabi niya.

"Pinanood namin yung eksena ni Elmo, lahat ng lalaki talaga, as in lahat, nagreklamo kami kay Ms. Annette ’tsaka kay Direk Mark."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano yung eksena?

"Kini-kiss ni Elmo si Sam!"

Tawa lang ang isinagot ni Joshua nang banggitin naming nagreklamo sila dahil gusto rin nilang makahalik kay Sam.

Sino ba ang gusto niyang maging kaeksena sa first kissing scene niya?

"Meron na po, si Michelle Madrigal sa First Time," pagtukoy ni Joshua sa dati nilang show ni Barbie.

Lips to lips daw iyon.

Ano ang naramdaman niya?

"Wala po, peck lang, mabilis lang po, e. Kinakabahan ako nun, e."

Bakit nag-react silang mga boys na wala silang kissing scene with Sam?

"Hindi siyempre, parang ano lang, pampagulo lang."

Given a chance, ide-date din ba niya si Sam?

"Opo!" sagot niya.

Sino ang sexiest women para sa kanya bukod kay Sam?

"Si Ate Rhian [Ramos], ’tsaka si Marian [Rivera]."

NAUGHTY BOY. Mabait daw ang role ni Joshua sa Tween Academy.

"Ang role ko dito, tahimik lang ako ’tsaka mabait lang ako, hindi ako masyadong pasaway."

Hindi naman naman porke tahimik ay hindi na naughty, di ba?

"Nasa loob ang kulo!" at tumawa si Joshua.

Nasa loob ba ang kulo niya?

"Hindi, joke lang!"

Pero umamin si Joshua na naughty siya.

Ano ang pinaka-naughty na nagawa na niya?

"Mahilig akong mang-prank. Madalas sa mga co-stars ko pero tinigil ko na."

Tulad ng?

"Tulad ng kunyari itatago ko yung mga gamit nila, as in mga ilang araw bago nila makita.

"Sa kamag-anak ko po, itinago ko po yung cell phone niya.

"Muntik na siyang bumili ng bagong cell phone, tapos binigay ko na ulit yung cell phone niya!" natatawang kuwento ni Joshua.

Sa mga co-stars niya?

"Sa kanila, nagbibigay lang ako ng parang yung mga ipis-ipis na laruan, madalas babae yung inaano namin nina Derrick."

Nabanggit din ni Joshua na maraming nag-cameo sa Tween Academy, gaya nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Sarah Lahbati, ang Azkals, at ang buong "Sayaw Pilipinas" crew ng Party Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magtatatlong taon na si Joshua sa GMA-7 at exclusive ang contract niya sa GMA Artist Center for three years, hanggang December 2012.

"Nakaka-eight or seven shows na po ako," banggit niya.

RIVALRY. Pagkatapos nina Joshua at Barbie, magkakasolo show na rin sina Jhake Vargas at Bea Binene via the afternoon soap Pahiram ng Isang Ina.

Ano ang masasabi ni Joshua rito?

"Excited, siyempre, and I’m happy for them," sabi niya.

Walang fear na baka masapawan ng JhaBea ang JoshBie?

"Hindi naman po. Meron naman kaming sari-sarili naming, kumbaga...

"Yung loveteam po namin siyempre, iba yung... Yung package namin, iba sa kanila, so hindi kami natatakot na masapawan.

"Kasi we will always do naman our best sa lahat ng shows namin kahit na Tween series na once a week lang, pinipilit naming ibigay lahat, lalo na dito sa movie."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN