Sam Concepcion hopes to be worthy replacing his late friend AJ Perez in Way Back Home

"Siyempre, ibinigay ko rin lahat yung kaya kong gawin kung paano niya [AJ Perez] sana gagawin itong project na ito. Well, just trying to do my best to make him proud in a way and siyempre not to let him down and his family down," says Sam Concepcion (in photo) about replacing the late AJ Perez as leading man of Julia Montes in Way Back Home.


Pagkatapos magbida sa hit primetime series na Mara Clara, sa pelikula naman ngayon magbibida sina Kathryn Bernardo at Julia Montes via Way Back Home.

Si Jerry Lopez Sineneng ang direktor ng pelikula na ito mula sa Star Cinema na magbubukas sa August 17.

Si Sam Concepcion ang kapareha ni Julia, habang si Enrique Gil naman ang kay Kathryn.

Masaya si Sam na nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho sina Julia at Kathryn.

"Sobrang excited po talaga to work with Julia and Kathryn, kasi siyempre they’re very successful umpisa pa lang ng Mara Clara.

"And it’s a big role rin yung pinortray namin ni Enrique. We just give our all po and did our best for this movie.

"Hopefully magustuhan ng mga tao," sabi ni Sam nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Way Back Home sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kagabi, August 2.


JULIA MONTES. Bago ang Way Back Home ay nakasama na ni Sam si Julia sa defunct youth-oriented show ng ABS-CBN na Shoutout.

Pero hindi sila nagkaroon ng chance na maging close dahil once a week lang naman silang nagkikita para sa taping.

Ngayon lang talaga masasabi ni Sam na close na sila ni Julia dahil madalas silang nagkikita sa shooting ng kanilang pelikula.

"With Julia po, magka-vibes na kami talaga," sabi ni Sam.

"We get along well. We like the same things. Pareho po kaming mahilig mag-Counter-Strike...

"And naging mas madali po ang trabaho because of that."

SECOND CHOICE. Ang namayapang young actor na si AJ Perez ang original choice para sa role na napunta kay Sam.

Pero hindi big deal para kay Sam kahit pa replacement or second choice lang siya para sa role.

"Yun pong second choice, para na rin naman pong first choice.

"Kasi nga po sa dami naman ng mga artista ng ABS-CBN ay sa akin ipinagkatiwala ng Star Cinema ang role na para sana sa kaibigan kong AJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ang name ko po sa movie ay AJ din as a tribute to him.

"Si AJ kasi is very hardworking. Kaya niyang gawin kahit ano that he sets his mind to.

"And I wanted to do the same for this movie.

"Siyempre, ibinigay ko rin lahat yung kaya kong gawin kung paano niya [AJ Perez] sana gagawin itong project na ito.

"Well, just trying to do my best to make him proud in a way and siyempre not to let him down and his family down," saad ni Sam.

SINGER-ACTOR. Hindi lang isang aktor si Sam kundi isa rin siyang magaling na singer. Saan ba siya mas nag-e-enjoy—sa pagiging singer or pagiging aktor?

"Parehas lang kasi parang gusto ko lahat gawin, e," sagot niya.

"So, gusto kong kumanta, gusto kong sumayaw, gusto ko ring umarte.

"Thankful lang ako na nagagawa ko lahat yun ngayon.

"I should say this year, parang nagawa ko lahat... sort of.

"Kasi siyempre nag-movie ako, ito ngang Way Back Home. Tapos may Good Vibes pa ako.

"Nakakanta rin ako sa ASAP Rocks. Tapos may Peter Pan ako.

"Nagri-rehearse na kami, so nakakapag-theather pa ako."

Maraming nakakapansin na mas guwapo ngayon si Sam. Siguro raw ay in love siya ngayon.

Sabi naman niya, "I’m in love with my work.

"Katulad nga po ng sinasabi ko before, mahirap humanap ng oras para sa isang relasyon.

"Kasi siyempre, I’m doing so many things.

"Ayokong pumasok sa isang relasyon na hindi ko maha-handle, na wala namang mapupuntahan dahil sa trabaho."

Pero kung sakaling handa na siyang pumasok sa isang relasyon, ano ang mas preferred niya—showbiz or non-showbiz?

"Hindi ko po masasabi kasi depende talaga ’yan, e, kung tama yung time at kung tama yung person," sagot ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN