Kathryn Bernardo misses Mara Clara leading man Albie Casiño

Kathryn Bernardo says her acting in the upcoming Star Cinema movie Way Back Home is different from her performance in the defunct drama series Mara Clara. She relates, "’Yong pag-arte namin, talagang iniba namin sa Mara Clara. Dito naman po kasi sa movie, hindi naman parang Mara Clara na sampalan, sabunutan. Iba po siya. Wala pong sakitan dito, mor


Hindi ikinaila ng young actress na si Kathryn Bernardo na nami-miss niya ring makatrabaho ang kapwa Star Magic talent na si Albie Casiño.

Kaya naman nang magkita silang muli sa nakaraang Star Magic Games, ikinalugod ni Kathryn ang muli nilang pagkikita ni Albie. (CLICK HERE to read related article.)

"Noong nagkita kami sa sportsfest [ng Star Magic] kami nina Julia, sobrang na-miss ko si Albie.

"Kasi, si Albie ’yong parang kuya na namin. Siya ’yong nagbibigay ng advice," kuwento ng 15-year-old actress sa entertainment press sa ginanap na press conference para sa pelikula kagabi, Agosto 3, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, Quezon City.

Matatandaan na tumatak sa publiko ang kanilang onscreen partnership sa nakaraang proyekto nila sa telebisyon, ang remake ng Mara Clara.

Dapat ay si Albie rin ang magiging kapareha ni Kathryn sa upcoming movie ng Star Cinema na Way Back Home.

Subalit nitong Abril ay napagdesisyunan ng management na baguhin ang magiging leading man ni Kathryn—humalili kay Albie ang Good Vibes actor na si Enrique Gil. (CLICK HERE to read related article.)

Ayon sa official statement ng ABS-CBN film outfit, "The change in the lineup is prompted by their desire to experiment with different combinations for Kathryn and Julia [Montes]."

Hindi ba nanibago si Kathryn dahil naiba na ang kanyang naging kapareha pagdating sa pelikula?

Sagot ng young actress, "Siyempre po, si Albie, gamay na namin kasi po matagal kaming nagsama sa Mara Clara.

"At first po, naiilang po ako kay Enrique.

"Pero noong tumagal kasi, dahil sobrang bait naman niya, parang masaya rin talaga na kasama sila ni Sam [Concepcion].

"So, kapag nagte-take na, okay na kami.

"Sa mga takes, binigay na namin ang best namin kasi, okay na, comfortable na kami sa isa’t isa."

DIFFERENCE WITH MARA CLARA. Samantala, habang pinapakita ang trailer ng Way Back Home sa mga miyembro ng media, marami ang nakaalala sa dating teleserye nina Kathryn at Julia na Mara Clara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit, ayon sa direktor ng pelikula na si Jerry Sineneng, malaki ang pagkakaiba nito kaysa sa natapos na TV series ng ABS-CBN.

Isang halimbawang nasabi niya, "Mas lamang ang sakitan lang ng emosyon, walang pisikalan."

Nabanggit din ni Kathryn, "’Yong pag-arte namin, talagang iniba namin sa Mara Clara.

"Dito naman po kasi sa movie, hindi naman parang Mara Clara na sampalan, sabunutan. Iba po siya.

"Wala pong sakitan dito, more on dialogue lang."

Kung mayroon mang hindi nabago sa pelikula, ito ay ang mga role nina Kathryn. Nanatiling kontrabida si Julia samantalang si Kathryn pa rin ang naaapi sa Way Back Home, na ipalalabas sa sinehan simula Agosto 17.

Hindi ba nababahala si Kathryn na baka makagisnan na siya ng mga manonood bilang palaging api sa mga susunod pa niyang proyekto?

Tugon niya, "Sa akin po, hindi po ako natatakot na ma-typecast na palaging api.

"Pero kung bibigyan po sana ako ng chance [gumawa ng ibang role], puwede rin po naman. Depende rin po ’yon sa management."

Bagamat ganito madalas na naaapi ni Julia si Kathryn sa harap ng camera, siniguro naman ng dalawa na hindi ito makakaapekto sa personal nilang pagsasamahan.

Paliwanag ni Kathryn, "Kasi, kapag work, work lang po talaga. Wala naman pong personalan sa amin ni Julia.

"Effective lang po si Julia kapag sa take kaya nakakaiyak lang din ako ng tama."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN