Edgar Allan Guzman signs five-year, ten-picture contract with Regal; wants to do movie with Eugene Domingo

Edgar Allan Guzman feels euphoric after signing contract with Regal Films: "Childhood dream ko ito. And isang pangarap ko na naman ang natupad. Ang feeling ay parang kapareho noong nanalo ako sa Mr. Pogi at nung manalo ako ng best actor award sa Cinemalaya two weeks ago. "


Indie prince Edgar Allan Guzman is now a certified Regal baby pagkatapos niyang pumirma ng kontrata sa film outfit ni Mother Lily Monteverde kagabi, August 3, sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Five-year, ten-picture contract ang pinirmahan ni Edgar.

Kung masusunod ang kanyang wish, malamang kasali siya sa isang episode ng Shake, Rattle and Roll XIII na entry ng Regal Entertainment sa 2011 Metro Manila Film Festival.

"Ang sarap ng pakiramdam," wika ni Edgar nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang kanyang naramdaman sa kanyang pagpirma ng kontrata sa Regal Films.

"Childhood dream ko ito. And isang pangarap ko na naman ang natupad.

"Ang feeling ay parang kapareho noong nanalo ako sa Mr. Pogi at nung manalo ako ng best actor award sa Cinemalaya two weeks ago.

"Hindi naman ito inasahan ni Tito Noel [Ferrer, his manager]. Hindi rin namin ini-expect na dito pala sa pelikulang ito [Ligo Na U, Lapit Na Me] ay mapapansin ako at magiging Regal baby ako.

"Nakaka-overwhelm talaga. Hindi ako makapaniwala.

"Lutang pa rin ang isip ko," nakangiting wika ng Cinemalaya best actor for 2011. (CLICK HERE to read the complete list of winners)


Ang Ligo Na U, Lapit na Me na pinagbibidahan ni Edgar at Mercedes Cabral ay binigyan ng rating na R-13 without cuts ng Movie and Television Review and Classification Board. Ito ay ipapalabas sa mga sinehan simula September 7.

CHILDHOOD DREAM. Ikinuwento pa ni Edgar na noong manalo siya ng best actor award sa Cinemalaya noong July 24 ay ilang araw rin siyang lutang ang isip sa sobrang saya.

Nakatulog naman daw siya after the awards night, pero hindi pa rin siya makapaniwala that he won an award.

"Parang ang sarap lalo magtrabaho pag may nakuha kang ganoon.

"So, gaya rin ng pagiging isang Regal baby, ang sarap din magtrabaho at nakaka-inspire.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, parang nasa isip mo ’yon araw-araw na isa na akong Regal baby," pahayag ng tinaguriang bagong indie prince.

Dagdag pa niya, "Isang malaking karangalan na mapabilang ako sa roster of stars ng Regal.

"Bata pa po ako, pangarap ko na talagang makagawa ng maraming magagandang pelikula.

"Kaya naman nang malaman ko that I am signing up with Regal, malaki ang pasasalamat ko.

"Dahil mas marami na akong pagkakataon na gumawa ng mga magagandang pelikula."

LIGO NA U, LAPIT NA ME. Ano naman ang reaction niya sa mga comments ng mga tao na maganda ang Ligo Na U, Lapit Na Me, na siyang dahilan kung bakit nagkainteres si Mother Lily na i-sign up siya bilang Regal baby at i-distribute ang indie film na idinirek ni Erick Salud?

"Natutuwa ako sa comments nila. Pero siyempre, gusto ko rin patunayan sa aking sarili na magaling ako doon.

"Kasi during the Cinemalaya, di ko pa napanood ang movie. Gusto ko muna panoorin bago ako totally maniwala na maganda ang movie.

"Naniniwala naman ako na maganda ang movie. Pero siyempre, kailangan mapanood ko muna ang movie.

"Para masabi ko sa sarili ko na magaling nga ako sa movie tulad ng sinasabi ng mga nakapanood.

"Noong napanood ko naman ang Ligo na U, Lapit Na Me noong July 18, kasabay pa namin nanood si Mother Lily.

"Nilapitan ko si Mother Lily at sabi ko sana mag-enjoy siya sa movie at magustuhan sana niya.

"After no’n, di ko na siya nakausap. Si Sir Noel na lang ang nagsabi sa akin na gusto raw ako i-sign up ni Mother Lily sa Regal.

"Balak rin ng Regal na sila ang mag-handle ng commercial release ng movie.

"Doon pa lang, parang di na ako makapaniwala. Sabi ko, parang dapat mangyari muna ito bago ako maniwala talaga.

"Kaya after kanina, nung pumipirma na ako sa contract, sabi ko, ’eto na. Totoo na talaga. Yeah. Yes, ito na talaga.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakalutang ng feeling. Ang sarap!

"I signed for two movies a year for five years. Ang sarap!

"Sana nga po sa entry ng Regal for this year’s MMFF, sana makasali na ako," wika ni Edgar.

May binanggit na bang project na gagawin niya?

"Wala pa po. Pero sabi ko nga po na gusto kong makasali sa Shake, Rattle and Roll. Siyempre, kasi di ba doon sila [Regal Films] tumatak, e.

"At saka horror film na lang ang di ko nagagawa.

"Kahit sa TV ay di pa ako nakagawa ng horror kaya ang gusto ko po ay makasali sa cast ng Shake, Rattle and Roll," pahayag ng young actor who’s turning 21 on November 20.

HIS CHOICE IS UGE. Nang tanungin kung sino ang gusto niyang makatrabaho sa Regal, sinabi ni Edgar na si Eugene Domingo (Cinemalaya best actress for Ang Babae sa Septic Tank) ang feel niyang makasama sa isang project.

"Unang-una, nanood po siya ng gala ng Ligo Na U, Lapit Na Me tapos binati po niya ako.

"Tapos noong ako naman ang sumuporta sa screening ng Ang Babae sa Septic Tank when it was shown in UP, lumapit naman ako sa kanya.

"Pero pareho na po kaming winners sa Cinemalaya that time.

"Lumapit po ako kanya tapos I congratulated her. She also congratulated me.

"And I was humbled kasi sabi po niya sa akin, ’Proud ako sa iyo. Sana marami ka pang gawin maganda.’

"Natuwa po talaga ako. Kaya kung bibigyan ng chance, gusto ko po na si Ate Uge ang makasama ko sa first movie ko sa Regal.

"Wala pa po akong project sa Regal kasi kapipirma lang namin.

"Pero sabi ni Mother Lily, puwede naman daw po ako sa teenybopper, o kaya sa pang-adult role.

"Wala pa po akong idea kung ano ang magiging first project ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang sabi ni Mother Lily sa contract signing ninyo?

"Lagi po niyang binabanggit ang mga mata ko. Sabi niya kasi kirat daw ang mata ko," nakangiting wika ni Edgar.

"Maganda raw ang mga mata ko. Hindi pa raw ako nagsasalita, pero parang may sinasabi na raw ang mga mata ko."

MOTHER LILY SAYS. Ito naman ang naging pahayag ni Mother Lily during the contract signing:

"Edgar Allan is a natural talent. Magaling siyang gumalaw at mero’n siyang napaka-expressive na mga mata.

"Kaya madaling makaka-identify sa kanya ang mga kabataan ngayon.

"Noong mapanood ko siya and makilala ko siya, ang sabi ko sa manager niyang si Noel Ferrer, ’Gusto ko siyang tulungan at i-build him up sa Regal as one of the best actors of his generation.

"I loved Edgar Allan’s Cinemalaya film—Ligo Na U, Lapit Na Me. Hindi katulad ng ibang indie film na nakakatulog ako.

"The audience were laughing and crying at scenes that are really so touching and real.

"This is a film for everyone who wants to understand how the young people of today live and love.

"A film that every youth, adult, and parent should watch," pagdidiin ni Mother Lily.

Sinabi rin ni Edgar na happy si Mother Lily na papirmahin siya ng kontrata sa Regal.

Winika rin ng indie prince na pinag-uusapan na raw nila ng kanyang manager ang project niya for Cinemalaya next year.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN