Enchong Dee surprised by his multiple kissing scenes with Erich Gonzales

"Di ko alam. Parang kissing scene. Kissing scene. Yun pala no’n binuo na, ang dami na pala. May [halikan sa] sampayan. May [halikan sa] kitchen. Gano’n," says Enchong Dee about his multiple kissing scenes with Erich Gonzales in Maria la del Barrio.


Sa poolside ng Colegio de San Agustin, venue ng second Star Magic Games, namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong Dee bago magsimula ang palaro noong Linggo, July 31.

Nakatingin lang sa tubig ang young actor na parang gustong mag-dive at lumangoy. Patunay na isa siyang champion swimmer, pero mas pinili ang pag-aartista.

Ipalalabas na ang Maria la del Barrio na pinagbibidahan nila ni Erich Gonzales. Mukhang na-move nang na-move ang pag-air nito, pero this August 15 ay mapapanood na rin daw ito, finally.

"Oo nga, e. May mga dahilan kung bakit minsan nadi-delay [ang airing]. Minsan biglang naeere," paliwanag ni Enchong.

"Unang-una, kasi kailangan naming i-consult yung script sa Televisa from Mexico. So, kailangang i-approve.

"Tapos it will take time. Tapos kapag naaprubahan, minsan kailangan pa dagdagan [ang pagkakasulat ng script]. Tapos, ipapa-approve na naman.

"Kumbaga, di lang naman tayo yung puwedeng gumawa dahil original yung story [from Televisa sa Mexico]. May pagbabasehan pa rin tayo [dapat]."

Anu-ano ba yung mga binago nila sa telenovela na pinagbidahan ni Thalia?

"Filipinize. Modernize. ’Tsaka, sisiguraduhin namin na makaka-relate yung mga tao. Para kumbaga, ma-rating pa rin. He-he," kuwento pa niya.

KISSING SCENES. Kapansin-pansin sa teaser ng Maria la del Barrio na ang dami-dami nilang halikan ni Erich.

"Oo, nga. Di ko nga alam. Sabi ko nga, ’Totoo ba yun?’" medyo nagtataka niyang tanong.

Kung noon ay parang puro pa-cute lang ang ginagawa niya, ngayon parang bigla siyang nag-mature. Binatang-binata na siya kumbaga.

"Oo, nga, e. Biglaan [ang pagbinata], " palokong sagot ni Enchong.

"Di ko nga alam, ang dami na palang kissing scenes na nangyayari."

Ilang beses ba sila naghalikan ng kanyang leading lady?

"Actually, di ko nabilang. Kasi, kumbaga... kasi per script matagal yung time frame.

"So, di ko alam. Parang kissing scene. Kissing scene. Yun pala no’n binuo na, ang dami na pala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May [halikan sa] sampayan. May [halikan sa] kitchen. Gano’n."

May magseselos ba sa part ni Erich sa kissing scenes nila?

"Wala, siyempre," matipid niyang sagot.

Sa part niya, may magagalit ba kay Erich?

"Wala din. Unang-una, trabaho lang naman ’to, e, di ba?"

THE SWIMMER. Nami-miss din ba niya ang paglangoy? Or kinalimutan na niya ang sports na nagbigay rin sa kanya ng maraming medals?

"Nakakapag-swim ako. Kasi may mga times na minsan napa-pack up [ang taping] kami kaya pupunta na lang ako ng pool.

"Kesa naman walang ginagawa, di ba?

"’Tsaka siyempre, parte pa rin naman yun ng buhay ko. Kaya bumabalik-balik pa din."

Wala na siyang balak mag-compete sa swimming?

"Ibang klaseng training yun. Kailangang i-give up yung career," sabi niya.

At di nga raw niya kayang isantabi rin ang pag-aartista sa ngayon kung siya ang tatanungin.

"Hindi naman. Kasi ang dami-daming nangangarap kung nasaan ka ngayon, di ba?

"’Tsaka mabilis magpalit [ng mga artsita] kaya ingatan mo na lang kung ano ang nasa ’yo."

Unang nag-artista ang kuya niyang si AJ Dee, pero siya ang mas sumikat. Wala bang selosan sa kanilang magkapatid?

"Wala. Sa totoo nga, sobrang busy niya ngayon, e. Ako yung palaging nasa bahay.

"Siya, palaging may taping. Kasi siyempre, nagte-taping din siya do’n sa kabilang network ng Amaya, kaya sobrang busy nila," pagtatanggol pa niyang pahabol bago siya tawagin para maglaro sa unang game na sasalihan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN