Direk Jerry Sineneng sees another Judy Ann Santos in Kathryn Bernardo and Claudine Barretto in Julia Montes

According to Direk Jerry Sineneng: "Nakikita ko talaga na si Julia ang sumusunod sa yapak ni Claudine Barretto at si Kathryn naman sa kategorya ni Judy Ann Santos."


Si Direk Jerry Sineneng ang direktor nang isapelikula noong 1996 ang Mara Clara na nagtampok kina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.

Ngayon namang 2011, si Direk Jerry ang nagdirek ng unang pelikulang pagsasamahan ng bagong Mara Clara na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes na Way Back Home.

Hindi man masasabing movie version ng Mara Clara na nagpasikat din kina Kathryn Bernardo at Julia Montes, ang Way Back Home naman ang puwedeng maging sukatan ng kasikatan ng dalawa in terms of box-office appeal gaya nina Juday at Gladys noon.

Sa press conference ng movie sa Dolphy Theater noong Miyerkules ng gabi, August 3, tahasang sinabi ni Direk Jerry na nakikita niyang sina Kathryn at Julia na magiging next Judy Ann at Claudine Barretto.

Ayon nga sa direktor, "Sila talaga ang bagong Judy Ann at Claudine."

Isa rin si Direk Jerry sa nakapagdirek noong nagsisimula pa lamang sina Juday at Claudine.

Nakita rin niya kung paano naging matagumpay sa kani-kanilang careers sina Juday at Claudine na ngayon ay maituturing nang important stars of today’s generation.

Nakikita raw talaga ni Direk Jerry sa dalawang bida niya ngayon ang mga nakita niya rin noon kina Juday at Claudine.

"Opo, yes, deep in my heart talaga. Bilang fan din ako nina Juday at Claudine.

"Nakikita ko talaga na si Julia ang sumusunod sa yapak ni Claudine Barretto at si Kathryn naman sa kategorya ni Judy Ann Santos.

"Nandiyan pong pareho silang magaling. Pareho silang professional. Pareho rin ang passion about work.

"Yung charisma rin sa dalawa, makikita rin sa dalawang batang ito."

Naniniwala raw si Direk Jerry sa combined formula ng attitude at talents. At parehong mero’n daw ng mga ito sina Kathryn at Julia.

"Sa akin po, it’s a perfect balance of talent and attitude. Sa akin po, wala po akong masasabi sa dalawa, napaka-professional, napakagalang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although siguro sa edad ko, lolo na ang tingin nila sa akin. Pero napakagalang, napaka-professional. Magaling talaga sila."

On the other hand, naniniwala rin si Direk Jerry na perfect choice din, or replacement sa kanilang roles bilang mga leading men nina Kathryn at Julia sina Enrique Gil at Sam Concepcion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN