Leni Robredo laughs off 'Plan B' theory of Bongbong Marcos

May 11, 2016
<p>May isang Facebook user na parang isinumpa si vice-presidential candidate Leni Robredo na sana raw ay siya na lang ang sakay ng eroplanong bumagsak noong 2012, na ikinasawi ng kanyang asawa na si Jesse Robredo. Gusto na raw sana itong sagutin ni Leni,

Kahit sanay na sa local politics, aminado si Liberal Party vice-presidential candidate Leni Robredo na iba talaga ang pulitika pagdating sa national level.

Madami na raw ibinato sa kanyang isyu, pero hindi na lamang niya ito pinapansin.

Una na nga rito ang kama niya sa bahay na nagkakahalaga diumano ng P700,000.

Tinawanan lang ito ni Robredo at sinabing hindi pa nga nila pag-aari ang bahay na kanilang tinitirhan, paano pa sila makakabili ng ganun kamahal na higaan.

Tanong pa niya noon, mayroon ba talagang ganun kamahal na kama?

Ngayon naman, ang akusasyon ng pandaraya ang ibinabato sa kanya.

Sa programang State of the Nation ng GMA News TV kagabi, May 10, ikinuwento ni Leni na matapos niyang maungusan si Bongbong Marcos sa unofficial and partial results, may isang basher sa Facebook na isinumpa siya.

“Nung nanalo na ako, may nag post sa Facebook, ‘Napaka-evil mo. Sana ikaw na lang yung nasa eroplanong bumagsak, hindi yung asawa mo.’”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ng basher ay ang masaklap na sinapit ng asawa ni Leni na si former Department of Interior and Local Government (DILG) secretary na si Jesse Robredo, na nasawi sa isang plane crash noong 2012.

Patuloy niya, “Ako, na-tempt na ako na sagutin na, 'Hindi mo lang alam na nung bumagsak yung eroplano ng asawa ko, every day, every night, wini-wish ko na sana ako na lang yung nasa eroplanong yun.’

“Pero siyempre, pipigilan mo yung sarili mo. Kasi bakit mo naman papatulan?

“Pero napaka-vicious, napaka-vicoius ng ibang tao. Pero iti-train mo lang yung sarili mo.

“Ano yung bigger picture? Hahayaan mo bang parang ma-drag down ka nung mga hindi mabubuti?”

Ngayon, ayaw raw niyang paapekto sa mga ito para hindi siya mawala sa focus.

“Siyempre kailangan yung focus mo hindi nawawala kasi andito ka naman para makapanilbihan sa tao.”

NO BASIS. Bago pa ang eleksyon nitong nakaraang May 9, pinalutang na ni Bongbong na may plano diumano ang Liberal Party (LP) sakaling manalo si Rodrigo Duterte sa pagka-presidente at si Leni sa pagka-bise presidente.

Continue reading below ↓

Nasa Plan B daw ng administrasyon na kapag nakaupo na pareho ang dalawa, gagawin diumano ni Leni ang lahat para ma-impeach sa panguluhan si Duterte upang siya na ang hahalili rito.

Pinagtawanan lang ito ni Robredo.

Saad niya, “Nakakatawa yung accusation na yun.

“Galing lang naman yun kay Senator Marcos at hindi ko alam kung anong basis niya.

“Unang-una, imposible namang galing sa LP, kasi within the LP, wala namang plano.

“At kahit pa meron, never akong maging parte sa ganung plano.

“Hindi ako maniwala na may karapatan akong manungkulan kung hindi naman ako nakatanggap ng mandato ng tao.

“Pangalawa, kung ako yung makalabas [manalo sa bilangan], si Mayor Duterte yung maging pangulo, obligasyon kong ibigay kay Mayor Duterte yung aking hundred percent na cooperation at support.

“Pag pag-iisipan ko siya behind his back, kauupo lang namin, pag-iisipan ko na yung impeachment na kahit naman wala namang grounds, yun yung aatupagin ko, tingin ko, nagiging unfair ako niyan sa bayan.

Continue reading below ↓

“Ngayon, grabe yung healing na kailangan ng ating bansa na pagkatapos ng eleksyon na ‘to, na kapag nag-assume kami ng office, kailangan yung utmost na support at cooperation namin sa bawat isa.

“Kung ako, ang aatupagin ko impeachment, parang napaka-traydor ko sa ating bansa.”

Iginiit din ni Leni noon pa man ay wala siyang balak maging presidente ng bansa.

“Wala naman akong ambisyon maging pangulo.

“Between sa aming dalawa ni Senator Marcos, siguro siya yung may ambisyong maging pangulo.

“Ako, walang-wala talaga.”

Sakaling palarin at manalo, tututukan daw ni Leni ang anti-poverty programs, na kanyang naging plataporma nitong kampanya, na ihango sa kahirapan ang mga taong nasa laylayan.

Read Next
Read More Stories About
leni robredo
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>May isang Facebook user na parang isinumpa si vice-presidential candidate Leni Robredo na sana raw ay siya na lang ang sakay ng eroplanong bumagsak noong 2012, na ikinasawi ng kanyang asawa na si Jesse Robredo. Gusto na raw sana itong sagutin ni Leni,
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results