Gardo Versoza to leave hospital on Tuesday

Puwede na daw bumalik sa pagta-trabaho si Gardo Versoza (above) sa Tuesday, August 9, with prescribed oral medicines. The actor was diagnosed with typhoid fever and has been confined in hospital since July 31.

"May test uling ginawa," pagtukoy ng manager ng aktor na si Ivy Vicencio. "Kaya hindi pa rin siguradong makakapag-taping siya by Tuesday next week."



Hindi natuloy ang naturang scheduled discharge ni Gardo Versoza sa St. Luke’s Medical Center in Quezon City kahapon, August 5.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kahapon ng umaga ang girlfriend at manager ni Gardo na si Ivy Vicencio, at kinumpirma nito ang pagkaka-confine pa rin ng aktor sa nasabing ospital.



Noong Linggo ng hapon, July 31, na-admit si Gardo sa ospital; nagpa-confine na siya dahil sa limang araw na pagkakaroon ng lagnat, mula noong July 27. Ang medical finding: typhoid fever ang naging karamdaman ni Gardo.



"Hindi kami pinayagang lumabas, kasi may mga tests pa na kailangang gawin ang doktor," sabi ni Ivy.



Wala namang matinding pag-aalala sa boses ni Ivy. In fact, nagpapasalamat pa rin siya na gumaling na ang lagnat ni Gardo, matapos ang dalawang araw pa lang na pagkaka-confine, at pag-inom ng antibiotics.



Pero may mga tests na masusing inaantabayanan ng hospital staff ang resulta.



"Inoobserbahan pa nila," ayon din kay Ivy. "May tests sa kidney at liver, pati sa abdomen. Yun kasi ang simula, noong sumakit yung tiyan niya. May nakita yatang bacteria pa, na kailangan maagapan din.



"Isi-citiscan pa rin daw ang abdomen niya," dagdag ni Ivy.



Nag-aalala man, hopeful si Ivy na mabilis na gagaling ang karamdaman ng aktor, para sa nabinbin nitong trabaho sa Amaya, ng GMA-7.



Madalas ngang nagbibiro si Gardo sa mga dumadalaw sa kanyang hospital room, tulad nang huling dumalaw ang PEP.



"Malapit nang dumating si Rajah Mangubat," aniya, referring to his village warrior chieftain role, sa epicserye.



WORK SCHEDULE CHANGES. Noong August 2, agad binigyan ng taping schedule si Gardo V. ng mga namamahala sa Amaya. Supposedly kahapon, August 5.



The following day, August 3, sinabi ng medical staff sa St. Luke’s na hindi pa puwedeng lumabas si Gardo, by Friday, August 5.



Instead, puwede siyang mai-discharge, as a patient, by Tuesday, next week, August 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Natuwa na si Ivy dahil puwede na raw pahintulutan ang aktor na bumalik sa pagta-trabaho, sa nasabing araw (Tuesday) with prescribed oral medicines.



Kaya kinumusta uli ng PEP ang kalagayan ng aktor.



"Naiba, e. May test uling ginawa," pagtukoy nga ni Ivy. "Kaya hindi pa rin siguradong makakapag-taping siya by Tuesday next week."



Still, hopeful ang couple. Hindi na rin naman bumalik ang lagnat ni Gardo, at normal na rin ang pag-function ng kanyang vital organs. Magana na rin siyang kumain.



Kailangan na lang munang magpalakas ni Gardo, matapos gumaling sa limang araw na pagkakaroon ng mataas na lagnat.



At patuloy na nagdarasal si Ivy, para kay Gardo. Nagpapasalamat din silang muli sa mga kamag-anak at kaibigan (including co-actors and production people); mga well-wishers who continuously give them, especially Gardo, moral support.



"Maraming, marami pong salamat," simpleng sambit ni Gardo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN