Actress-politician Cita Astals gets treatment for bipolar disorder; she’s back on her feet and wants to return to acting

Cita Astals has been diagnosed with bipolar disorder. Nagsimula nga raw ang matinding depression niya nang matalo siya sa election bilang vice mayor ng Manila noong 2007.

"Yung bipolar, moody. It’s like when I get mad, I’m really mad. Kapag malungkot ako, sobrang lungkot. And it changes frequently and it was triggered by my depression," Cita says.



"I am happy to say that I am recovering and getting back on my feet!"


Ito ang masayang pahayag ng film, TV and stage actress and former Manila Councilor na si Cita Astals pagkatapos niyang dumaan sa isang matinding pagsubok noong nakaraang taon.


March of 2010 nang mabalitaan nga na pagala-gala na lang sa kunsaan-saang lugar sa siyudad ang dating konsehal ng Maynila na si Cita Astals. Marami ang nagsabi na isa na raw siyang baliw dahil madalas daw itong nag-iisa lang at kinakausap ang sarili.


Nang aming siyang makapanayam noong isang taon sa isang maliit na Internet cafe sa Malate, nag-deny si Cita sa mga nangyayari sa kanya that time. Para sa kanya, normal daw ang ginagawa niya at gusto lang daw niyang mapag-isa, at hangga’t maaari ay ayaw niyang may kinakausap siya.


"Yes I was sort of denying what my life was then. I’ve been like that for almost three years. I didn’t know what was really happening. Basta ang gusto ko lang noon was to get away from a lot of people.


"Feeling ko kasi these people are ganging up on me. I just wanted to be alone noong mga panahon na iyon," pahayag ni Cita.


Ngayon ay malusog at maayos na Cita nang humarap sa amin. Maayos na ang pamumuhay niya nang bisitahin namin siya sa tinitirhan niyang condo unit sa may Parañaque City.


Two months daw siyang nagpa-rehab sa isang center sa Pasig City.

DIAGNOSIS. Na-diagnose siyang may bipolar disorder at nagsimula nga raw ang matinding depression niya nang matalo siya sa election bilang vice mayor ng Manila noong 2007.

According to webmd.com, "Bipolar is a complex illness... The primary symptoms of the disorder are dramatic and unpredictable mood swings. The various types of bipolar disorder range from mild to severe."



Paliwanag ni Cita: "It all started there [when I lost the elections in 2007] and it really hit me that hard. Since then parang ayokong makipag-usap sa ibang tao. I kept all my emotions to myself. Kaya nga siguro tumindi ang depression ko kasi wala akong mahingahan ng sama ng loob at mga frustrations ko.


"The reason ako nagpagala-gala sa Manila was because ayokong nasa bahay lang ako. My house was being robbed every day at binabatu-bato pa ng mga bata roon. Kapag sinusumbong ko sa pulis, hindi sila naniniwala sa akin. Sinasabi nila na nababaliw lang daw ako. Kaya that added sa mga nararamdaman ko.


"I was always that person na very vocal and masayahin. Napakaprangka kong tao. I always spoke my mind. Pero noong na-depress ako, nag-iba bigla lahat. Parang bumaligtad ang buhay ko ng 360 degrees.


GETTING BETTER. "But now, I am glad to say that I am getting better. I am taking medication para ma-balanse ang sistema ko. Malaking tulong ang mga gamot ko to really put me in the right place," ang sabi ni Cita.


Tinulungan siya ng mga kaibigan at ng kanyang sister para maiayos ulit ang buhay niya. Noong December 30, 2010 ay dinala siya sa isang rehab center para matingnan ng doctor.


"I was literally picked up by three big men doon sa Internet cafe na pinupuntahan ko. I was dragged inside this van. Akala ko pinapa-salvage na ako ng kung sino," tawa pa niya.


"They explained naman to me that my sister Fatima was the one who told them to bring me to the rehab facility. I didn’t believe it at first pero noong may doctor na sa harapan ko, doon na ako naniwala.


"They did all these tests on me. Blood test, drug test at pati AIDS test! But [they] all came out negative. What they diagnosed was that I was bipolar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung bipolar, moody. It’s like when I get mad, I’m really mad. Kapag malungkot ako, sobrang lungkot. And it changes frequently and it as triggered by my depression.


"I decided to enter the rehab facility because I wanted to get well. Hindi na nga joke itong nangyayari sa akin.

"It wasn’t funny anymore. I was left with almost nothing. Mga gamit ko sa bahay, ninakaw na at sinira pa. Masakit para sa akin but I had to face it. Mas masakit ang sabihing baliw ka," diin pa niya.


Nakahanap nga ng magandang refuge si Cita sa rehab center in Pasig City. Doon nga raw unti-unting gumaling ang dating public servant.


"The rehab facility looks like a hospital. We’re about 50 to 60 patients. Nasa second floor yung pinaka-rehab nila. May iba’t ibang mga classes of patients doon. Ang sa akin naman, hindi ako yung tipong tinatali sa kama kasi hindi naman ako nagwawala or nagpi-freakout. They just wanted me to get back to socializing again with people.


"The center did a lot of good things for me. Hindi nila kami ginugutom. Parati kaming may pagkain. I gained so much weight noong nandoon ako for two months. Unti-unti rin akong nakipag-socialize sa ibang tao. Yung mga patients na kasama ko naging mga kaibigan ko. Nagiging makuwento na ulit ako.

"May ilang activities din kami roon. May dance classes if you want to take up dancing. May swimming pool din if you want to do some exercises sa pool. It was like taking vacation," ngiti niya.

After two months, the doctors saw the improvement kay Cita at nabigyan nga siya ng permit na makalabas na sa facility.


"They gave me their blessing na puwede na akong lumabas, basta huwag kong kaligtaan to consult with my doctor and take my medication. I was released March of this year and I have been calling up my doctor every other week to report on my [progress]."


HELP FROM FAMILY AND FRIENDS. Bukod sa kapatid niya, ilang mga kaibigan ni Cita ang nag-ayos ng magiging buhay niya dahil muli na naman siyang nagsisimula. Inayos nila ang finances niya, binenta ang anumang puwedeng maibenta sa mga ari-arian niya at inasikaso nila ang pagpapa-rehab sa kanya.


Nakatira si Cita ngayon sa condo unit ng kanyang kaibigan na si Aslee at nabigyan siya ng part-time job bilang community organizer sa isang water distribution company sa Laguna. May part-time job din siya sa MBC.


"I am so grateful to my friends who really came together para matulungan ako," maluha-luhang kuwento niya.


"These are my friends who rarely see each other but they came together and did this for me. May nag-asikaso ng pagbenta sa kung ano ang madi-dispose nila sa bahay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Someone talked with the bank regarding my house. May nag-asikaso rin ng mga natitira kong pera. And may nakatoka sa kung kanino ako titira at anong trabaho ang papasukin ko.


"It’s nice to have real friends at utang ko sa kanila ang buhay ko ngayon. If it wasn’t for them at sa pamilya ko, hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin. The more I think about it, the more I am thankful for my new life," aniya.


Sa kanyang pagsimula muli, aminado si Cita na hindi madali pero kailangan niyang gawin dahil ito na ang pagbabago na magaganap sa buhay niya.


"Yes, it’s hard to start all over again. For so many years, I made something out of myself. But if this is God’s will, then Thy will be done. Alam ko na hindi ito madali but little by little, everyday, may pagbabago. Alam ko that I will get through this."


May routine nga araw-araw si Cita para mabalanse ulit ang buhay niya. Isang bilin sa kanya ng doctor ay hindi siya dapat madalas na mag-isa. Kailangan ay may social activity siya. Kaya every weekend ay nakikipagkita siya sa kanyang mga kaibigan.


"Aside nga sa nakikipag-interact ako with people at work, I meet with my friends para ma-report ko sa kanila ang mga nangyayari sa akin. Sometimes I go out by myself para mag-grocery or mamasyal lang."


Isang hindi nga malilimutang experience ni Cita ay kapag may nakakakilala sa kanya sa mall ay naririnig niya ang mga bulungan ng mga ito.


"Before, masakit para sa akin na marinig ko from these people na baliw ako. Kasi nga I can hear them talk behind my back. That is very painful to me or to anyone going through what has happened to me.


"But slowly, I am beginning to just take it as a joke na lang. I’m trying to accept those things in the most pleasant manner," aniya.


BACK TO ACTING. Isang wish nga ni Cita ay ang makabalik siya ulit sa pag-arte dahil iyon raw ang pinakahilig niya. Kung hindi naman sa showbiz, gusto niyang balikan ang public service.


"Sa totoo lang, nami-miss ko ang paglabas ko sa TV at pelikula. The last time I was on TV, I was being tagged as a crazy woman!" tawa pa niya.


"I’d like to get back to acting again. That’s been my passion ever since. Sana mabigyan lang tayo ulit ng pagkakataon. Acting has been my world for so many years and if an acting job comes, I will be very happy.


"With regards to public service, what I am doing now as a community organizer in Laguna is like public service na rin. I want to interact with people again tulad ng naging trabaho ko as councilor. I pray that people will see me in a different light now that I am slowly getting better," pagtatapos ni Cita Astals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN