Derrick Monasterio denies rumor that his father is a politician: "Yung tatay ko po ano e, foreigner."

Isang American/Jamaican/Italian ang tatay ni Derrick Monasterio na based ngayon sa Miami, Florida. Hindi kasal ang ama at ina ni Derrick, ang dating aktres na si Tina Monasterio.

"Nagsama po sila for... siguro po six months. Bumibisita po siya, sobrang bihira, siguro once every four years. Huli ko pong kita sa kanya 11 years old pa lang po ako," he says.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang baguhang tween male star na si Derrick Monasterio sa presscon ng GMA Films offering na Tween Academy: Class Of 2012 na ipapalabas na sa mga sinehan sa August 24.

Ang una naming binanggit sa guwapong newcomer ay ang tungkol sa sinabihan daw siya ni Bea Binene na medyo dumistansiya muna dahil priority ang "loveteams" nilang dalawa.

Ang magkaka-loveteam kasi, na siya ring mga bida sa pelikula ay sina Bea at Jhake Vargas, sina Derrick at Lexi Fernandez, Louise delos Reyes at Alden Richards, Kristoffer Martin at Joyce Ching, Elmo Magalona at Julie Anne San Jose, at ang tandem nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio.

Pero ang nali-link ay sina Derrick at Bea.

"Tama naman po siya kasi may loveteam nga po kami. Para rin makapag-focus ako sa loveteam ko, makapag focus siya sa loveteam niya and mag-bloom yung careers namin, ang maging established kami," pahayag ni Derrick.

Mahal ba niya ang career niya?

"Opo."

Bakit hindi na lang si Lexi ang ligawan niya?

"Ano po, best friend ko po si Lexi and nagkakaintindihan naman po kami na for work lang po yung sa amin."

Mas mahal ba niya ang career niya kaysa kay Bea?

"Siyempre po mahal ko yung career ko.

"Yung crush po na iyon, inspiration lang po yun."

Crush lang niya si Bea?

"Opo. Crush lang."

Binigyan ni Derrick ng Lacoste bag si Bea nitong nakaraang June kahit walang okasyon. Nakita raw kasi niya na favorite color ni Bea ang violet kaya nang nakakita siya ng violet na bag ay binili niya ito para kay Bea.

Si Lexi ay binigyan rin niya ng gifts noong Christmas, kuwintas at stuffed toy.

"Siyempre naman po kasi kailangan ng spark sa loveteam e. "Tsaka sobrang close kami ni Lexi, kaya ayun."

FAVORITE. Marami ang nagsasabing malaki ang potensyal ni Derrick na sumikat nang husto among the male newcomers ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talaga po? Siyempre po nakaka-flatter kasi ang dami po naming gusto yung top spot, tapos ako yung parang nakikita nilang... kaya siyempre nakaka-flatter, nakakatuwa."


Paborito siya ng mga bading, attractive siya para sa mga bading.

"Talaga po? Nakakatuwa naman po. Para sa akin plus factor po yun kasi siyempre ang bading parang babae yan, e. May pagtingin sa lalaki. E, kung may pagtingin yung bading sa lalaki, ibig sabihin parang ano na rin yun, positive thing."

Pero hindi pa raw siya naligawan ng bading.

"Sa school maraming bading, pag lumalabas ako ng classroom, nakasunod sila sa akin. Nakasunod lang po."

Wala pang nag-text or sinabihan siya na gusto siya?

"Ay meron sa FB, umamin sila na ’Uy Derrick, ang guwapu-guwapo mo,’ ganyan.

"Nakaka-flatter po, nakakatuwa po."

Ano ang pinaka-diretsong approach sa kanya ng isang gay?

"Lalapit sa akin, hahalikan ako."

Hindi raw siya nahalikan ng naturang bading.

"Hindi po, siyempre po, iiwas ako."

Naganap daw iyon sa school nila, at schoolmate daw niya ang naturang gay na hahalikan sana siya.

CRUSHES. Si Derrick, ang mga crushes niya, bukod nga kay Bea, ay sina...

"Si Rhian [Ramos], si Isabelle Daza. Tsaka si Erich Gonzales.

"Siguro po mahilig ako sa long-legged."

Sino ang gusto niyang sundan ang mga yapak among our local male stars?

"Mala-ano, gusto ko pong maging Richard Gutierrez! Kasi parang siya po yung ano ng network e, sa tingin ko. Sila ni Dingdong [Dantes].

"Sila yung parang poste, parang sila yung talagang inaalagaan ng network. Sila pong dalawa."

Ang dream role niya...

"Mala-bad boy na sweet lover, mala-Robin Padilla."

FATHER ISSUES. Baguhan pa lang si Derrick sa showbiz, pero sinalubong na agad siya ng intriga; may isyu kasing pinagdududahan ang tunay niyang ama, na may tsismis na hindi iyon ang tunay niyang ama.

"Hindi ko po alam kung saan nanggaling yan, e. As in hindi ko po alam, sobrang hindi ko po talaga alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung tatay ko po ano e, foreigner."

Isang American/Jamaican/Italian ang tatay ni Derrick na based ngayon sa Miami, Florida. Hindi kasal ang ama at ina ni Derrick, ang dating aktres na si Tina Monasterio.

"Nagsama po sila for... siguro po six months. Bumibisita po siya, sobrang bihira, siguro once every four years. Huli ko pong kita sa kanya 11 years old pa lang po ako.

Pero pinadadalhan naman raw si Derrick ng pera ng kanyang ama at hindi nagpapabaya financially.

"Iyon po yung talagang ... kung hindi po ako showbiz, yun po talaga ang bumubuhay sa amin, e. Ngayon bonus na lang yung kinikita ko sa showbiz."

"Crimarco" ang apelyido ng ama ni Derrick at iyon ang gamit niyang apelyido sa kanyang blue passport, pero sa birth certificate niya ay Monasterio ang apelyido niya.

Kaya hindi daw totoong isang sikat na pulitiko ang tunay niyang ama.

Kilala naman raw ni Derrick ang naturang pulitiko pero hindi pa niya na-meet.

Ang reaksyon ni Derrick sa tsismis?

"Unang-una, ano siguro ano, ah nakakahiya para sa tatay ko kasi siyempre basta ano po... no comment, yun. Basta hindi po totoo yun."

Tinanong niya ang nanay niya?

"No!"

Never daw siyang nagduda...

"Hindi kasi ano po e, nakita ko po yung pictures ko nung bata ako, blonde yung buhok ko, blue yung mata ko."

Kamukha raw niya ang tatay niyang foreigner.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN