Ariel Villasanta and Cristina Castillo get married (again) in Japan; wedding to be aired in new reality show

Cristina Castillo and Ariel Villasanta pose for a picture in traditional Japanese wedding attire. Simula nang nagkaroon ng relasyon ang dalawa, pinlano na nila ang magpakasal sa iba’t-ibang bansa.

"Tutal mag-e-express din kami ng love, di isigaw na namin sa buong mundo imbes na sa buong Pilipinas lang, ’di ba?" Ariel says.




Hinahanda na ng showbiz couple na sila Ariel Villasanta at Cristina Castillo-Villasanta ang kanilang soon-to-be-aired na reality show titled Weddings Around The World.


Nagawa na ngang magpakasal ng dalawa sa bansang Hong Kong at Thailand. Kakatapos lang ng kanilang kasal sa Nagoya, Japan.


Simula nang nagkaroon ng relasyon ang komedyanteng si Ariel at ang businesswoman na si Cristina, pinlano na nila ang magpakasal sa iba’t-ibang bansa.


Gusto raw kasi ni Ariel na ma-feel niya at ng kanyang misis ang iba’t-ibang wedding traditions ng ibang bansa.


"Tutal mag-e-express din kami ng love, di isigaw na namin sa buong mundo imbes na sa buong Pilipinas lang, ’di ba?" ngiti pa ni Ariel.


"First time lang siguro na mangyayari ito kaya pinaninindigan na namin ng misis ko. Tsaka parang adventure ito para sa amin. We get to travel and get married at the same time."


Naging pangarap din pala ni Cristina ang ma-experience ang isang traditional Japanese wedding. Minsan na rin kasing nanirahan at nagtrabaho ito sa bansang Japan.


"Isa ang Japan sa natirhan ko nang matagal. Doon ako nag-business, doon ko pinanganak ang panganay ko. So nung nandun ako sa Japan pinangarap ko na makasal sa traditional wedding nila. Lagi kong naiisip iyon at ngayon nagkatotoo na," ani Cristina.


Ayon sa Wikipedia: "Japanese wedding customs fall into two categories: traditional Shinto ceremonies, and modern Western-style weddings. In either case, the couple must first be legally married by filing for marriage at their local government office, and the official documentation must be produced in order for the ceremony to be held...


"The Japanese bride-to-be may be painted pure white from head to toe, visibly declaring her maiden status to the gods. Two choices of headgear exist. One, the watabōshi, is a white hood; the other, called the tsunokakushi, serves to hide the bride’s ’horns of jealousy.’ It also symbolizes the bride’s intention to become a gentle and obedient wife."



Maraming natutunan si Ariel at Cristina sa pagpapakasal nila sa Japan. Na-amaze nga si Ariel sa artistry ng mga Hapon na ina-apply nila sa kanilang mga traditional weddings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nakakabilib at nakakapagod ang preparations. Nandiyan yung makeup. Yung isusuot ninyong kimono na mabigat pero kasama iyon sa tradition, e. Kailangan galangin natin ang tradition nila na kakaiba ang experience para sa amin ng misis ko," ani Ariel.


Sa lengguwahe ngang Nihonggo nagsumpaan ang dalawa sa kanilang Japanese wedding.


"Ang sabi ko, watashiwa Cristina Castillo desu, konotokini, watashino yakisuku, Ariel watashino adanasan, aishtemasu, aishteru, aishtemasu, itsudemo isho," ani Cristina.


"Ibig sabihin ng sinabi ko ay ’Simula sa araw na ito, July 31, 2011, ako si Cristina Castillo, pinapangako na magiging asawa ko si Ariel at magsasama kami hanggang sa habangbuhay."


Dahil nakatatlong bansa na nga silang nagpakasal, pinaplano na nila ang susunod na wedding nila.


"Gusto nga namin nakapang-Eskimo naman kami sa susunod. Baka sa Alaska na siguro," sabay tawa ni Ariel.


"Pero ang susunod na plano namin ay baka sa Russia. Tapos meron din sa Ukraine at sa Los Angeles."


Para nga kay Cristina, sobra-sobrang fulfilment para sa kanya ang maikasal sa lalakeng tunay na nagmamahal sa kanya. In her case, hindi lang siya minsang napakasal kundi tatlong beses na at marami pa ang susunod na "I do" ang darating sa samahan nila.


"Everytime na tinatanong ako kung ano ang mahihiling ko sa buhay, ang sinasabi ko lang sana dumating yung time na merong isang lalakeng magmamahal sa akin nang totoo," kwento ni Cristina.


"Hindi dahil sa kung ano man ang meron ako, kundi dahil sa ako ay ako.


"Naramdaman ko yun kay Ariel kaya ngayon wala akong mahihiling pa," pagtatapos pa ni Cristina Castillo-Villasanta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN