Kylie Padilla on rumored romance with Aljur Abrenica: "As a friend talaga nandiyan siya. Nagugulat nga ako minsan..."

In StarTalk TX yesterday, Kylie Padilla, was shown a picture of rumored boyfriend Aljur Abrenica (inset) and then asked if she had a wish or a message for him.

"Wish [for Aljur]? Ah, salamat na lang. Salamat, salamat na lang, salamat sa lahat," Kylie said. "Ano siya e, iyon nga, palagi siyang nandiyan pag wala na akong makausap. Palagi siyang nandiyan, as a friend talaga."


Live na nag-guest si Kylie Padilla sa StarTalk TX kahapon, August 6, Sabado.

Ang unang itinanong ng StarTalk TX host na si Butch Francisco kay Kylie ay kung ano ang preferred role niya sa Blusang Itim; ang pangit na si Jessa or ang maganda (sa tulong ng blusang itim) na si Jessica?

"Mas gusto ko po gampanan... mas kumportable ako kay Jessa. "Mas nahihirapan po ako kay Jessica."

Isang game ang ipinagawa kay Kylie na kung saan iba-ibang litrato ang ipinakita sa kanya. She was then asked if she had a wish or a message for the person in the picture.

Ang unang litrato na ipinakita kay Kylie ay photo ni Frank Magalona na leading man ni Kylie sa Blusang Itim.

"Sana maging ano, masaya siya sa lovelife niya," tumatawang sinabi ni Kylie. "Alam na niya yun."

May alam ba siya sa lovelife ni Frank?

"Sinasabi po niya sa akin, kagaya ng sinasabi ko sa kanya yung mga nanliligaw, yung ganun."

So kilala niya kung sino ang espesyal sa buhay ni Frank?

"Kilala ko," sagot ni Kylie although ayaw niyang sabihin kung sino ang karelasyon ni Frank.

WISH FOR MOM. Sumunod namang ipinakita ay photo ng ina ni Kylie na si Liezl Sicangco.

"Ma, I hope you’re happier now. And masaya ako na she’s more religious now, and more peaceful sana, mas magaan yung loob niya."

Okay daw silang mag-ina.

Sumunod namang ipinakita ay ang ama ni Kylie na si Robin Padilla.

"Si Papa kasi masayang-masaya ngayon e, so... kakagaling lang niya ng Europe, so I just wanna say I love you, Pa, and I hope that you’ll be happy. Yun lang!"

HOTTIES. Photo naman ng tween male star na si Derrick Monasterio ang sumunod na ipinakita kay Kylie.

"I miss you," tumatawang sinabi ni Kylie patungkol kay Derrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang busy din niya. Congratulations na ang dami niyang project. And galingan niya, andito lang ako kung kailangan niya ng kausap, advice, whatever, iyon. And maging masaya din siya sa lovelife niya," at muling tumawa si Kylie.

In an episode of Showbiz Central a few weeks ago, during the segment, Celebrity Secrets Interpreted ng mindmaster na si Nomer Lasala, tinanong kay Kylie kung sino ang sa tingin niya ay hottest Kapuso actor ngayon.

She named Derrick and Aljur Abrenica.

Litrato naman ni Rich Asuncion ang sumunod na ipinakita. Si Rich ay napabalitang karelasyon noon ni Aljur na espesyal naman sa buhay ngayon ni Kylie.

"Sana maging masaya din siya. Iyon ang wish ko para sa lahat kasi mahirap hanapin ang happiness."

Sa tingin ba ni Kylie, masaya or malungkot si Rich ngayon?

"Masaya naman, nakikita ko naman siya sa trabaho."

Magkaibigan sila ni Rich?

"Opo."

As in puwede silang maging best friends?

"Hindi ko alam yun, pag nagkikita kami bumebeso naman siya, bumebeso naman ako, wala naman pong ano..."

BEST FRIEND. Ang next na photo na ipinakita ay, of course, kay Aljur...

"Wish [for Aljur]? Ah, salamat na lang. Salamat, salamat na lang, salamat sa lahat."

Nagpapasalamat siya kay Aljur dahil...

"Nandiyan siya parati para sa akin. Alam na niya yun."

Sa bahaging iyon ay naging emosyonal si Kylie at napaiyak.

Hindi raw iyon iyak ng sadness kundi iyak ng pasasalamat kay Aljur.

"Ano siya e, iyon nga, palagi siyang nandiyan pag wala na akong makausap. Palagi siyang nandiyan, as a friend talaga."


More than friendship na ba ang sitwasyon nila ni Aljur?

"As a friend talaga nandiyan siya. Nagugulat nga ako minsan ..."

Is it leading to something more serious?

"Hindi ko po alam but as a friend... bihira lang ako magkaroon ng best friend so thank you, talaga."

Nang ipinakita kay Kylie ang photo mismo ng dalaga, ang wish or mensahe niya para sa kanyang sarili ay...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana galingan mo pa sa trabaho mo. At sana, iyon, mahalin mo ang sarili mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN