Heaven Arespacochaga tells KC Montero: "I love you, dad! I think that explains a lot of things."

Heaven Arespacochaga, Geneva Cruz’s son with Introvoys’ drummer, Paco Arespacochaga, is in Manila for a short vacation. He is staying with Geneva’s ex, KC Montero (above) who speaks affectionately about his anak-anakan: "He’s like my best friend so... I don’t have anybody in the house so medyo malungkot ang bahay ko. At least now masaya na, maingay na," KC says.


Nasa Pilipinas ngayon ang 15-year old son ni Geneva Cruz with Introvoys drummer na si Paco Arespacochaga na si Heaven.

Kasalukuyang tumutuloy si Heaven sa kinalakihan nitong ama, ang dating karelasyon ni Geneva na si KC Montero.

"Bakasyon, pero uuwi na ako ng August 19. Siyempre kasama ko siya [KC] dito. Siyempre naman, siya nag-alaga sa akin nung bata-bata pa ako. Parang tatay at kapatid ko siya e," ang pahayag ni Heaven sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX.

"He just got here Wednesday," ayon naman kay KC. "He’ll be here a couple of weeks, enjoying his summer vacation in the States or out of school and having a good time visiting his mom and dad—me. I’m one of them. So we’re really happy to have him back home."

Bilang miyembro ng malaking Cruz clan sa showbiz, wala bang plano si Heaven na pasukin ang industriyang ito?

"Medyo focused muna ako sa basketball ngayon pero marami din po akong kayang gawin. But I have my priorities—school, sports, parang... kailangang nandun yung foundation ko po muna."

Samantala, hindi maitatangging miss na miss na ni daddy KC ang kanyang anak-anakan.

"Ah makulit, maingay, mayabang," birong pagde-describe ni KC kay Heaven.

"He’s like my best friend so... I don’t have anybody in the house so medyo malungkot ang bahay ko. At least now masaya na, maingay na."

Bilang mensahe naman ni Heaven kay KC...

"I love you, dad!

"I think that explains a lot of things," tumatawang pahayag ni Heaven.

"Pero siyempre naman my message to my dad is thanks for keeping in contact with me even if we are far away. You alone made an effort to wanna talk to me, to wanna keep in touch.

"So I really appreciate everything."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN