Dingdong Dantes surprised by Marian Rivera’s effort to give him his favorite watch as birthday gift

"Actually, hindi naman obligasyon ng bawat isa. Pero kailangan maging obligasyon ng bawat isa na kahit papaano, e, magkaroon ng pakialam. Maaaring hindi verbal, maaaring hindi visual, maaaring hindi malaki sa iba, basta bigyan mo ng atensiyon. Lahat naman puwedeng gumawa no’n, e," says Dingdong Dantes about social awareness, particularly on the state of education among the poor, which the special documentary he hosted on GMA-7 tackled.


Sabay na ipinagdiwang ng magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang birthday nila sa Party Pilipinas kahapon, August 7.

Dingdong turned 31 last August 2, at si Marian naman will turn 27 on August 12.

Tatlong araw ang hininging leave ni Dingdong para sa kanyang birthday kunsaan ang malalapit na kaibigan, pamilya, at si Marian ang nakasama niyang nag-celebrate.

Sinimulan ni Dingdong sa pamamagitan ng isang road trip ang pagsalubong sa kanyang kaarawan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa ginanap na pictorial ng lahat ng talents ng PPL Entertainment, Inc. sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite noong Sabado, August 6,

Kuwento niya, "Well, noong July 31 pa lang umalis na kami. After ng wedding ng pinsan ko noong 30. So, doon nag-umpisa yung road trip.

"Hindi ko na sasabihin kung saan specifically kami pumunta. Pero, malalayong biyahe.

"So, ang sabi ko, kung sino na lang ang makaalala, sasama.

"Actually, hinanda yun sa akin ng mga cousins ko, together with Yan [Marian].

"Sabi ko kasi, ayokong mag-celebrate. Kasi, madalas akong nagpapa-party.

"Pero sabi nila, this time, sila naman ang magbibigay sa akin ng celebration.

"So, greatly appreciated ko yun dahil siyempre, kasama na rin do’n yung maraming nakipag-coordinate sa kanila.

"Pero specifically, yung mga pagkain, sila Marian ang nag-coordinate.

"Tapos siya mismo ang nagluto noong mismong birthday ko."

Nag-request daw ng ilang dishes si Dingdong na iluluto ni Marian.

"Yung ilan doon, first time niyang ginawa. Pero surprisingly, may isa do’n na yun na ang naging favorite ko ngayon—yung kalderetang baka niya.

"Sabi ko, next time, kambing naman," sabi ni Dingdong.

MARIAN’S GIFT. Nang makausap ng PEP si Marian sa taping ng Amaya, ayaw nitong sa kanya manggaling kung ano ang naging birthday gift niya kay Dingdong. At itanong na lang sa kanyang boyfriend mismo. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin namin si Dingdong tungkol dito, hindi naman niya ito ipinagkait. Although nakiusap siyang huwag na lang banggitin ang mismong brand nito.

"Well, binigyan niya ko ng isang favorite watch ko. Na talagang balak kong kunin mid-August, pero talagang inunahan niya ko.

"Kasi, sabi ng supplier ko, darating pa raw gitna ng August," sabi niya.

Naibigay na raw ni Marian sa kanya ang relong ito at ikinagulat daw niyang talaga.

"E, kasi, nagbilin pa ako sa shop na sabi ko, ’Kahit na anong mangyari, huwag n’yong ibibigay kahit na kanino kasi kukunin ko ’yan.’

"Iba naman ang taong nakausap niya [Marian].

"Pero more importantly, yung oras talaga na ibinigay niya sa akin. Na bukod sa kahit anong matinding materyal na regalo, e, yung oras talaga.

"Yung atensiyon at saka yung effort na ginugol niya para ibigay sa akin ang dishes na yun."

DINGDONG’S GIFT. Si Dingdong ba ay may naka-ready nang regalo para kay Marian sa kaarawan naman nito?

"Wala pa, pag-iisipan ko pa nang maige. Hindi ko pa talaga alam kung ano.

"Pero siyempre, gusto ko ng something na maaalala niya habambuhay.

"Lahat naman ng ibinibigay ko, naaalala niya. Pero may times talaga na mauubusan ka and you will always have to outsmart and outdo what you gave previously.

"So, it’s always a challenge to give something special to someone really special."

Sila ba ni Marian yung tipong tsina-challenge ang isa-isa sa pagbibigay ng gifts?

"Hindi, no pressure. Basta nangyayari lang siya," sabi ni Dingdong.

"Yun naman ang maganda dahil wala namang nire-require.

"But you know, the thought of giving gift is a gesture of, well, I just want her to feel special.

"Yun lang naman yun."

PRIVATE CELEBRATION. Ngayong 31st birthday ni Dingdong, mas pinili niya na maging private ang pagse-celebrate nito kumpara sa past birthdays niya na kadalasang may malaking party siya o special celebration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Dingdong sa bagay na ito, "It is because may mas mahalagang purpose.

"At the end of the year, I will be coming up with a special under GMA. Plus, maraming ibang gagawin, e.

"Kumbaga, yung birthday, hindi naman doon natatapos kung ano ang puwedeng special na maipakita ko at maipakita ng ibang tao sa akin.

"But it should be whole-year round, especially ngayon na ang daming pribilehiyong ibinibigay sa atin. Maraming tasks, maraming gustong gawin.

"Kumbaga, naka-spread out sa buong taon ang maraming magagandang bagay.

"And if you will combine all those in just one day, e, hindi kakayanin ng isang tao yun.

"So, talagang I’m just fortunate that blessings were evenly distributed throughout all the year.

"Likewise, it was my obligation to share this blessing to everyone who is concern."

AWAKENING. Bago ang actual birthday ni Dingdong, nag-host siya ng special documentary sa GMA-7 with Mike Enriquez, ang Report Card. Tinalakay nito ang estado ng edukasyon sa bansa, partikular sa pinakamahihirap na lugar sa bansa.

Nagkaroon ito ng magagandang reviews, comments, at higit sa lahat, naiparating nila sa kamalayan ng maraming Pinoy ang totoong kalagayan ng edukasyon sa ilang lugar sa bansa.

Personally, on his part, anong naging impact sa kanya ng ginawa niya?

"Alam mo, sobra, kasi ang basehan ko kasi ng mga ganoong gawain ko, kung ako mismo ay maapektuhan.

"E, kasi, habang ginagawa ko pa lang, apektadong-apektado na ako. Much more, noong pinanood ko.

"E, alam ko na yun ang gauge, e, kapag effective siya at kapag sumapol sa akin. Sapol na sapol siya.

"I mean, partida na ’yan. I must say na kahit papano, may research na rin ako about things like that because it’s part of our advocacy at Yes Pinoy Foundation na alamin ang mga bagay na ganyan.

"And I was also surprised na may ibang bagay pa pala na hindi ko nakikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although, nakikita ko in papers, nakikita ko ang figures, nakikita ko ang ibang description, pero iba talaga kapag nakita mo sa TV, much more kapag naroon ka."

Ang maganda nga raw sa nangyari, nakita niya mismo ang kalagayan ng ilang depressed area sa bansa pagdating sa edukasyon, at hindi lamang siya isang celebrity na nag-narrate ng kanilang docu.

Sabi ni Dingdong, "Actually, nagulat din ako noong nina-narrate ko.

"Sinabi ko lang, narrate mo ’to, okay. It’s just like, I know what I am saying because I really knew what I was saying and I felt that while doing it.

"So, maybe yun ang isang bagay na proud ako. Hindi lang siya yung pagbibigay ng impormasyon.

"Maybe one dimensional because you can’t involve emotion. But with special like this, maybe I can have a little liberty to show feelings because hindi naman ako hardcore na announcer. Hindi naman ako hardcore na reporter.

"Maybe, I can cross that line sometimes which I did."

Ano naman ang masasabi ni Dingdong sa naging reaksiyon ng mga taong nakapanood na siya ay "perfect choice" daw to host this kind of special because of his credibility to the subject.

"Well, unang-una, hindi ko naman papasukin ang isang bagay kung hindi ko siya linya.

"Kung wala akong pakialam or wala siyang kinalaman sa aking pagkatao, lalung-lalo na kung yun ay hindi isang role.

"Ito ay isang paghahayag ng sobrang importanteng bagay na malapit din sa akin, which is education.

"Siguro kung nasabi nilang perfect, salamat.

"Pinili ko rin na gawin yun and, of course, one thing is for sure, their situation is not perfect."

SPECIAL GIFT. Dahil sa special docu na yun, minabuti ni Dingdong na imbes na siya ang bigyan ng birthday gift sa Party Pilipinas, namili siya ng dalawa sa nai-feature sa Report Card na binigyan niya ng regalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napili ni Dingdong na bigyan ng isang classroom ang mga bata sa Surigao. Mga sapatos naman ang ibinigay niya sa isang pamilya sa Quezon City na nagpapalitan lang ng isang sapatos ang dalawang magkapatid na nag-aaral.

Bukod sa mga sapatos ay nagregalo rin siya ng bahay sa mag-anak na ito.

Dahil sa mga advocacy niyang ito, kakambal nito ang palagay ng ilan na papasok na rin siguro siya sa pulitika.

Pero ayon sa aktor, "Hindi naman ganoon yun.

"Kasi, ibig sabihin, kapag ang mga taong walang ginagawang ganito at pumasok sa pulitika, e, natripan lang nila. Hindi naman.

"Actually, hindi naman obligasyon ng bawat isa. Pero kailangan maging obligasyon ng bawat isa na kahit papaano, e, magkaroon ng pakialam.

"Maaaring hindi verbal, maaaring hindi visual, maaaring hindi malaki sa iba, basta bigyan mo ng atensiyon.

"Lahat naman puwedeng gumawa no’n, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN