Marian Rivera sings live for her fans; wishes for "peace of mind" on her birthday

Marian Rivera stages a "mini-concert" to the delight of her fans at the special fans day organized by the actress and her manager Popoy Caritativo last night, August 7, at the Imperial Palace Suites on Tomas Morato, Quezon City.


Isang advance birthday party ang idinaos last August 7, Linggo ng hapon, para sa aktres at Amaya star na si Marian Rivera sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang naturang party ay handog ng birthday girl at ng kanyang manager na si Popoy Caritativo para sa solid fans and supporters ng magandang aktres kaya nagmistula na ring fans’ day ang naturang selebrasyon.

Sa umpisa ng okasyon ay nagbigay muna ng mensahe ng pasasalamat at pagbati sa mga dumalo ang manager ni Marian na siyang punong-abala sa party.

At nang dumating na si Marian ay siya naman ang nagpasalamat at bumati sa mga nakisaya sa birthday niya.

Matapos ito ay kumanta si Marian para pagbigyan ang kahilingan ng mga dumalo na "mag-concert" ang aktres.

Noong una ay tila nahihiya pa si Marian na kumanta.

"Sasayaw na lang ako!" tawa pa nang tawang abi ng aktres.

Pero dahil na nga sa request ng mga fans niya ay nagpaunlak si Marian ng ilang kanta kasama ang live band na incidentally ay fans din niya.

Matapos kumanta ay nagpa-trivia game naman si Marian na kung saan ang mga fans niya ang contestants at ilang members of the press na naimbitahan sa selebrasyon.

Mga trivia questions about Marian ang itinanong ng aktres at halos lahat naman ay nakasagot at tumanggap ng regalo mula kay Marian.

Pagkatapos ng game ay umaatikabong picture-taking na ang naganap kung saan inikot ni Marian ang lahat ng tables ng mga bisista kaya naman lahat ay nabigyan ng pagkakataon na makapagpalitrato kasama ang kanilang iniidolong aktres.

Sa dami ng dumalo sa selebrasyon ay kitang-kita kung gaano karami ang nagmamahal kay Marian.

Bakas sa mukha ng mga dumalo sa party ang labis-labis na kaligayahan na nakasama at nakatsikahan nila si Marian sa espesyal na okasyon sa buhay ng Amaya star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuwang-tuwa ang fans dahil naglaan ng oras para sa kanila ang aktres sa kabila ng napaka-hectic schedule nito.

Ipinakita at ipinadama ni Marian na mahal na mahal niya ang kanyang mga supporters, kaya naman mahal na mahal din siya ng kanyang mga tagahanga.

Walang celebrities na nasa party dahil iyon ay talagang inilaan para sa mga fans at supporters ni Marian.

Kahit ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes ay wala sa party dahil nagkataong may party rin ang aktor that day para naman sa kanyang kaarawan. Isang charity event ang idinaos bilang pagse-celebrate ng kanyang kaarawan.

August 2 ang birthday ni Dingdong at August 12 naman ang kaarawan ni Marian.

Nang tanungin si Marian kung ano ang kanyang birthday wish, "Ay, peace of mind!" ang mabilis niyang sagot.

"Siyempre, hindi naman mabibili ang peace of mind.

"Siyempre ako, sa birthday ko, sa pamilya ko, wala naman akong marereklamo.

"Maayos naman lahat. Wala namang nagkakasakit. Lahat naman kami may communication.

"Sa career ko naman, masaya naman ako nang bonggang-bongga.

"Sa lovelife ko, bakit naman hindi? Nakita n’yo naman, lagi namang nandiyan si Dong para sa akin.

"So, ano na lang siguro, peace of mind lang talaga," nakangiting pahayag ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN