Janna Dominguez confirms relationship with Iwa Moto’s ex-boyfriend

On why it took a while for Janna Dominguez to admit her relationship with Mickey Ablan: "Kasi, kailan lang talaga nangyari. So, hindi ko na para i-deny siya. Dati, kaya ko siya [hindi inaamin], hindi ko siya dine-deny, e."


Live na nag-guest si Janna Dominguez sa Showbiz Central last Sunday, August 7. Sa segment na "Correct o Reject" ay sinagot ng sexy star ang mga maiinit na tanong sa kanya.

Tulad ng, kahit maton at siga raw umasta si Janna ay marami raw nakapilang male stars na nanliligaw sa kanya ngayon.

"Pila? Ano ’to, bus?"pagbibirong sinabi ni Janna.

"Hindi, reject na lang natin.

"Pero, correct na ako’y isang siga. Ganyan, maton. Boyish kasi ako, e.

"Pero hindi na ako pupuwedeng magpaligaw."

Dahil siga, o maton siya, malamang ay intimidated daw sa kanya ang mga lalaki.

"Minsan sinasabi nila mas lalaki daw ako sa kanila.

"Kasi ganun ako, e. More on, mas marami talaga akong boys na kaibigan kasi nga mas at home ako.

"Mas comfortable ako sa ganun. Kasi, hindi kalandian yun, or anything, ha.

"Ayusin lang natin. Kasi ang mga girls, medyo maraming issues.

"Tapos, kung hindi ka makakahanap ng katulad mo na boyish, hindi kayo magtutugma. Ayoko kasi sa maarteng babae."

HER ADMISSION. Naging kontrobersiyal ang issue sa pagitan nila ni Iwa Moto dahil sa ex-boyfriend ni Iwa na si Mickey Ablan na nali-link naman kay Janna. Ano ang reaksiyon niya sa sinasabi ng iba na magkahawig sila ni Iwa?

"Magkamukha ba [kami]? Hindi, tinatanong ko sila kung magkamukha [ba kami]. Pero feeling ko naman, siguro pareho lang [kami] ng features."

Sino ang mas maganda sa kanila?

"Wow! May ganun, ano? Dapat humble, e, di siya!" ang tumatawang sagot ni Janna.

Wala pang kumpirmasyon ang relasyon nila ni Mickey, pero balitang hatid-sundo siya ni Mickey sa mga lakad niya. Kaya ang sumunod na tanong kay Janna ay kung boyfriend na nga ba niya si Mickey?

"Correct," ang isinagot ni Janna bilang pag-amin sa kauna-unahang pagkakataon na sila na nga ni Mickey.

So, they are officially together?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes," sagot pa niya bilang pagkumpirma.

Saan at paano niya nakilala si Mickey? Was this before or after his relationship with Iwa?

"During the relationship. Inaamin ko naman, e. Tagaytay noon, tapos nag-raket kami sa... basta dealing.

"Celebrity dealing ni Iwa. Tapos kasama niya si Mickey, ganun.

"Pero ano lang, wala, [lakad] tropa talaga. Ganyan, hindi kami nagte-text or what [ni Mickey]. Parang ganun.

"Tapos nung kailan, nung May 29, yun yung mga times na broken-hearted siya. Broken-hearted ako, tapos nag-chat kami sa Facebook.

"O, di ba, dahil sa Facebook yun. Doon kami uli nagkita. Tapos nagkakilala ulit. Nag-bonding."

Noon pa tinatanong si Janna tungkol sa real score sa kanila ni Mickey. Bakit finally ay umamin siya tungkol sa relasyon nila ng ex-boyfriend ni Iwa?

"Kasi, kailan lang talaga nangyari. So, hindi ko na para i-deny siya.

"Dati, kaya ko siya [hindi inaamin], hindi ko siya dine-deny, e.

"Sinabi ko yung totoo na hindi naman talaga kami, kasi hindi talaga kami. Iyon, kasi hindi ako sinungaling."

Paano siya napa-oo ni Mickey?

"Napakabait na tao! Sobrang taliwas doon sa nakikita ninyo na pisikal. Na tattoo-an, na ganyan. Sobrang gentleman [niya].

"Mapagmahal na ama, na sobra, grabe. Anak [na mapagmahal], lahat na, ayun!"

Hiningan ng mensahe si Janna para kay Mickey...

"Itu-tweet ko na lang!" sabay-tawa ni Janna. "Hindi, alam naman niya yun, e.

"Iyon, alam naman niya na mahal ko siya, e. Hindi naman kailangang ipangalandakan kasi, e. Action speaks louder than words."

OFFENSIVE TWEETS. Ang pangatlong tanong kay Janna ay kung sa kabila ng tweets ni Iwa laban sa kanya ay handa na raw ba siya sa isang mature na usapan. Handa na ba siyang makipag-ayos kay Iwa pagbalik nito galing Japan?

"Ay, super-mabilis ang sagot diyan. Super-correct! Agad-agad ’yan!"

Ano ang nararamdaman ni Janna sa mga hindi magagandang tweets ni Iwa laban sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, siyempre offensive na yun! Kasi sabi nga nila, kung magtu-Twitter ka or anything na social, ano na, mababasa ng lahat ng tao.

"Dapat maging responsible. Unang-una, kung ano yung itu-tweet mo, ganyan.

"’Tsaka, basta ang reaksyon ko lang, medyo siyempre offensive yung mga tweet.

"Dahil sabi ko na kung gusto ng maayos na usapan, kami na lang.

"Direktahan. Ganito, wala lang microphone, walang camera."

Ano ang pinaka-offensive na tweet ni Iwa laban sa kanya na feeling ni Janna her former friend already crossed the line?

"Dami, e ! Yung pinakatumatak sa akin? ’I told you, you can never be me.’ Parang, ’My family loves me.’ Parang, ’Hindi ka kayang mahalin ng pamilyang nagmahal sa akin,’ parang ganun.

"Sinagot ko siya, sabi ko lang, wala akong direktang sagot. Sabi ko lang, ’I never dreamed nor wished to be you.’ Iyon."

Nag-dedmahan sila ni Iwa noong nakaraang FHM 100 Sexiest event.

"Hindi naman siguro dedmahan kasi sa stage lang kami nagkita. So, napakaplastik naman na magbabatian kayo sa stage, di ba?

"Hindi ganun, e. Mas maganda siguro na wala nang pansinan, ’yon."

Si Iwa ba ay malaking kawalan sa buhay ni Janna?

"Hindi," ang mabilis na sagot ni Janna.

"Hindi, kasi, di ba, nung last time na in-interview ako dito, sabi ko friends kami.

"So, yung friends na definition na kailan ko lang nalaman is, lalim ng pinaggalingan. Ganyan-ganyan.

"I-rephrase lang natin, acquaintance ko pala siya.

"Kasi, wala kaming pinag-usapan na malalim. Ganyan-ganyan.

"So, i-correct ko lang yung mga na-tweet niya na magkaibigan.

"Parang kaibigan kita, tapos ganun yung ginawa ko [sa kanya].

"Parang wala po akong ginagawa before mangyari yung nangyari sa kanila. Na labas ako doon, paulit-ulit kong sasabihin yun."

Ano ang sasabihin niya kay Iwa kapag dumating na ito from Japan. Paano niya gustong ayusin ang gusot na ito?

"Hindi, wala naman na ano, e, hindi napag-uusapan nang maayos, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Will the first move come from Janna?

"Para maayos na, sige! Di ba, baba na natin yung pride para sa lahat ng maaring madamay.

"Nakakapagod, e. Kasi ano na o, mag-iisang taon na. Ano ang nangyari? Paulit-ulit lang tayo.

"Tsaka ano, malalaki na tayo. May mga kanya-kanya na tayong buhok sa katawan.

"Sana naman mag-usap tayo nang maayos, di ba? Parang isip-bata tayo, e."

IWA’S FANS. Pati nga raw fans ni Iwa ay nakikisawsaw sa isyu sa kanilang dalawa.

"Ito lang, linawin ko lang. Kasi may mga fans na nagsasabi, nang-aaway sa akin.

"Hindi naman ako naapektuhan, pero linawin lang natin. Na sabi sa akin, na pa-interview ako nang pa-interview. Na gusto kong magpasikat.

"Ito lang yun. Kung gusto kong sumikat, umpisa pa lang, [sana] dati pa ako nagsalita. Dating [isyu pa], dating, dating isyu, hindi pa ito yun, di ba?

"Kung bakit ako nagpapa-interview? Kasi yung idol ninyo, tweet nang tweet ng kung anu-ano.

"Iyon yung sinabi ko. Walang masama sa sinasabi ko. Sinabi ko ’God bless.’ Bakit naghuhuramentado kayo, di ba? Hindi ganun. Huwag!

"Atsaka sana ito, request ko lang po. Ano, huling salita ko na ito. Kasi nakakapagod, paulit-ulit, e. Di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN