Ara Mina is now done doing sexy roles; eyes "acting-piece" projects

"I think maiintindihan naman din ni Kuya Dondon. And busy rin naman siya sa ibang business niya ngayon," says Ara Mina about moving to Viva from Regal.


Pagkalipas ng labing-anim na taon, nagbabalik sa Viva bilang contract artist ang actress-singer na si Ara Mina.

Kamakailan lang ay pumirma siya ng five-year talent management contract sa Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva Group of Companies.

Present sa naganap na contract signing sa Viva office sa Ortigas Center, Pasig City ang big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario at ang anak nitong si Veronique del Rosario na siya namang boss ng nasabing talent management office.

Bago napunta si Ara sa pangangalaga ng former business manager nitong si Dondon Monteverde at gumawa ng mga pelikula sa Regal Entertainment, ay nanggaling nga noon si Ara sa Viva.

"Ang first movie ko dito sa Viva ay Manchichiritchit [Andrew E and Maricel Soriano]. Madre ako doon [sa movie].

"Then, lumabas din ako sa Flor Contemplacion Story [starring Nora Aunor], Anghel na Walang Langit [with Vina Morales], Kadenang Bulaklak [with Angelu de Leon].

"More than five movies yata [nagawa ko]. Pero, mas madalas kasi yung mga Viva telesine.

"Mas madalas ako do’n [lumabas]. Mga telesine ng Viva before," kuwento ni Ara sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

NO CONTRACT. Hindi lang manager ang naging turing daw niya kay Dondon, kundi kapamilya na nito.

Kung noong simula ng pag-aalaga ni Dondon kay Ara ay may talent management contract ito sa aktres, the next ten years ay wala na at based on trust na lamang daw ang lahat.

"Actually, kami ni Kuya Dondon, kasi matagal na kaming walang contract. More on parang family na lang kasi [turingan namin].

"Then, kaya sinasabing pagbabalik ko ito sa Viva, e, dahil dito ko talaga nauna sa Viva, bago ako napunta sa Regal.

"Nagka-contract ako before [kay Kuya Dondon]. Pero, after that, 10 years na din ’ata kaming walang contract.

"More on verbal na lang, kasi nga, siyempre parang sobrang tagal namin. Parang pamilya na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di na yung nagku-kontra-kontrata pa kami. Inaanak ko na nga yung anak niya and everything.

"So, nagbabalik ako dito sa Viva. After 16 years, I’m back.

"Para magkasama na kami ng kapatid ko, di ba? Isang bakuran na kami," sabi ni Ara patungkol kay Cristine Reyes na ilang taon na rin under Viva.

Mahirap ba ang pagpapaalam pagkalipas ng ganoong kahabang panahon?

"Mahirap," pag-amin niya. "That time, hindi kami nakapag-usap [ni Dondon] nang personal.

"I texted him. Pero yung text ko, andun na lahat. Kasi medyo matagal na rin kaming di nag-uusap, e."

Kailan ba dapat ang renewal ng kontrata nito sa dating manager?

"Sa kanya, di ko na rin pina-follow up, e. So, parang siyempre nahihiya naman akong, ’Uy, kelan tayo magku-contract?’

"Kasi, before parang, ’Wag na tayo mag-contract, kasi matagal ka na sa kin.’ Ganyan- ganyan.

"’Oo nga,’ sabi ko, okey lang naman din ako na walang contract.

"So, I think maiintindihan naman din ni Kuya Dondon. And busy rin naman siya sa ibang business niya ngayon.

"So, he knows na gusto ko talaga [maging active]. E, di ba, lagarista ako? Alam nilang work ako nang work. Workaholic ako.

"Visible naman ako, pero paganun-ganun lang. Pasulput-sulpot pag may dumadating na projects."

Isa ba sa naging problem niya with Dondon ay ang communication?

"Yeah, medyo," pag-amin ni Ara.

"Pero, wala naman akong hinanakit or something kasi naiintindihan ko din naman siya na busy siya.

"And then nandiyan din naman si Ate Paula [Punla, staff of Dondon] who is very supportive naman sa akin.

"And, kami naman ni Ate Paula, maayos naman kami nag-ano [naghiwalay]. Nasabi ko din naman sa kanya."

Nagkahiwalay man with former manager, aminado si Ara na mabait si Dondon at tumatanaw siya ng malaking utang na loob sa anak ni Mother Lily Monteverde.

"Si Kuya Dondon naman, tahimik lang naman ’yan, e. Madaling kausap si Kuya Dondon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEFORE SETTLING DOWN. Type ni Ara na bumawi sa lost times na nag-lie low siya sa paggawa ng pelikula. Gaya noong nakaraang dekada 2000 kung saan siya namayagpag sa paggawa ng movies.

"Gusto ko pa gumawa ng movies. Minsan, sinasabi sa akin ng friends ko, kelan daw ba ako magsi-settle down. Sabi ko, ’darating din tayo diyan.’

"Parang ang sinasabi ko kasi. Bago ako mag-settle down, gusto ko munang [gumawa ng movies]. May mga ilan pa ring mga roles na gusto kong gawin."

Tulad ng anong klaseng roles?

"Tulad ng parang mala-Black Swan. Naks!" tawa niya.

"Basta ayoko yung kapag dumating yung time na nag-asawa ko, sasabihin ko, ’Ay, ano ba ’yan, di ko nagawa yung ganyan.’

"Ayokong magpa-pressure sa mga friends. Madali naman ’yan [pag-aasawa] kung gusto mo mag-asawa.

"Bukas na bukas din, puwede, kung gugustuhin mo, di ba? So, ngayon mero’n pa kong mga [gustong gawin].

"At least man lang makagawa pa ako ng movies na talagang tatak sa mga tao.

"Like yung Huling Birhen sa Lupa, which I won three best actress awards there. Like Mano Po, ganoon.

"Basta, lahat naman naging markado, di ba?"

Sinabi ni Ara na sa estado ng career niya ngayon ay challenging roles na ang hinahanap-hanap niya.

"Gusto ko naman yung challenging roles. Kasi, let’s be honest, yung mga movies lately na lumalabas di ba, parang [mga nagawa ko na].

"Sa ’kin, namimili na rin ako. Ayoko yung, ’Ay, nagawa ko na ’yan.’ And just for the sake of money, gagawin ko ulit.

"Parang ang pangit naman na parang, one of those [na nagawa ko na] na para masabi na may pelikula ka lang.

"Iba yung may pelikula ka na pag-uusapan at talagang tatatak sa tao yung pelikula na iyon ’pag naalala nila."

YES TO INDIE. Okey lang ba sa kanya gumawa ng indie films?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo! Indie films nga ang magaganda usually ang story, e, di ba? Like yung Selda namin ni Sid [Lucero].

"Yung ibang nagawa ko na, e, parang hindi na ’ko natsa-challenge. Di na ’ko nae-excite."

Parang "sisiw" na sa kanya ang mga gano’ng so-so roles?

"Hindi naman. Kumbaga, yung mga sexy role, lalambingin, ganyan-ganyan.

"Matagal ko nang nagawa ang mga ganoon, e. Kumbaga, parang wala nang bago. Dapat iba naman.

"I need to reinvent myself also, di ba? Parang, ’Ano ba yan, nagawa na ni Ara ’yan sa Sagad sa Init, sa Phone Sex. Sa ganyan, sa gano’n.’ Kailangan something new naman.

"Kung ano yun, secret. Baka maunahan tayo!" tawa niya.

"Pero, pag may dumarating na offer, pinag-uusapan, tapos magdi-disscuss din kami.

"Sa Viva, mero’n nang nakakahon, di lang puwedeng sabihin pa."

Sa matagal niyang pag-iisip at pag-decide na lumipat sa Viva, anu-ano ang mga factors na kinonsider niya? Nakumbinse ba siya ng kapatid na si Cristine?

"Hindi ako na-convince ni Cristine," pagtutuwid ni Ara.

"Kumbaga, kasi lagi kami nagkikita dito, pag may occasion.

"Pag birthday ni Cristine, nakikita ko si VR [Veronique del Rosario], nakikita ko si Boss Vic.

"Tapos nung nag-meeting kami, sinamahan ko si Cristine. So parang, ’O, ano, kailan ka ulit gagawa sa amin?’

"So, parang nag-isip-isip ako, parang na-miss ko sila.

"Kumbaga, dito ako nag-start.

"Sabi nga ni Boss Vic, na-touch ako nung sinabi niya na, ’Bi-buildup pa naman sana kita no’n na next Sharon Cuneta.’ Wow!

"Sabi ko, ’Di pa naman huli.’ Ha-ha-ha.Wala, nakakatuwa lang at saka parang feeling ko, I need to do something.

"Parang ayoko ng walang ginagawa, e. Gusto ko, me ginagawa ako parati."

NO MORE SEXY FILMS. Tipong sinasabi ni Ara na nakagawa na siya ng mga sexy roles sa pelikula noon kaya ayaw na niyang lumabas sa sexy films?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo, oo," pag-amin niya.

"Kumbaga, kung may movie na kailangan, o requirement na magpa-sexy, kailangan, challenging yung role.

"Kailangan, may acting. Kasi parang tapos na ’ko doon, e.

"Yung kapatid ko na ang dapat do’n. So, siguro sa akin more on mga good projects. Mga acting piece, gano’n."

Ipinagmamalaki ni Ara na sa previous management niya ay nag-grow naman siya bilang isang aktres. Patunay dito ang ilang acting trophies na rin siyang napanalunan.

"Sobrang nag-thank you ako nung nag-text nga ako kay Kuya Dondon. Kasi, naging best actress ako noong nasa kanya ako.

"And in fairness naman, ginawa rin ni kuya Dondon yung lahat para sa career ko.

"It so happened lang na siyempre, di lang siya nag-focus sa [talent] management.

"Na mero’n siyang mas tinututukang business ngayon. Kasama na diyan yung advertising [business] niya.

"So, medyo mahirap na nga naman. Before talaga nagka-career planning kami. Dumadating naman talaga yung time na ganoon."

Ano ang latest projects niya?

"Mero’n akong Utol Kong Hoodlum [sa TV5], pero nagawa ko na yun before pa ako mapunta ulit dito sa Viva.

"So, nag-discuss na kami ng projects para gagawa ulit ako ng movies. Nami-miss na ako sa pelikula."

Nagka-special participation sa pelikula si Ara sa Tumbok, ang horror movie ng kapatid niyang si Cristine with Carlo Aquino under Viva Films nitong nakaraang summer.

"Ang huli ko pang movie ay yung sa amin ni [Manny] Pacquiao. Yung kontrobersiyal," tawa niya, na ang tinutukoy ay ang Anak ng Kumander.

May Viva Records rin ang mother studio niya ngayon. Posible kayang maging masigla uli ang singing career niya via a new album?

"Yung album, before kasi ako mapunta dito sa Viva, may sinimulan ako.

"So, pag-uusapan na din namin kung yung album kung papa’no [itutuloy].

"Kasi, may ginagawa na ako, e. Pero, wala pang label. Siyempre, kung andito na ako, baka Viva na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ARA’S BEAUTY BAR. Late last year pa ang huli niyang teleserye sa GMA na Illumina.

Hindi ba siya nainip na wala siyang regular show nang matagal na?

"Okey lang din, kasi nagkaron ako ng time para dun sa business ko, which is Pure Glow by Ara’s Secret [beauty soap].

"Di ko pa siya nilo-launch, pero sinimulan ko muna. So, may mga ilang branches na ako.

"Kasi siyempre, magpapagawa ka pa ng mga kiosk, e. Ikaw lahat nagsu-supervise sa eight na branches.

"Ako talaga yung nagsu-supervise, plus yung mga kasama ko. Wala naman akong masyadong maraming staff.

"Mas madali, e [pag ako nag-supervise]. May inventory naman yun, e. Basta aalamin mo lang, aalamin mo yung everyday sales."

Magpapa-franchise ba siya kung may interesado?

"Pinag-aaralan ko pa yung pagpapa-franchise. Kasi mahirap din yung magpa-franchise nang basta-basta kung di ka sanay.

"Pero baka dumating din tayo sa point na gano’n.

"Pero kung kaya ko naman, siguro ako na lang, o yung mga friends, o kaya relatives," pagtatapos ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN