Janno Gibbs on his marriage with Bing Loyzaga: "We’re okay. Very okay."

"At ang masasabi ko lang, buo pa rin kami as family. Enjoy lang kami. Every week nanonood kami ng sine, kaming apat," says Janno Gibbs about his marriage and family.


Nasa Australia ngayon ang asawa ni Janno Gibbs na si Bing Loyzaga at ang panganay nilang anak na si Alyssa.

Nagkasakit daw kasi ang ama ni Bing, ang basketball legend na si Carlos "Caloy" Loyzaga. Pero mas maayos na raw ang kalagayan nito ngayon.

Kuwento ni Janno sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), graduate na ng college si Alyssa kaya ito ang nakasama ni Bing sa Australia.

Ang bunso naman nilang si Gaby ay high school na.

THE RUMOR. Matatandaan na may lumabas na usap-usapan noon na nabuntis diumano ang panganay na anak ni Janno. At inamin ng singer-comedian na "nawindang" ang buong pamilya nila sa balitang ito.

"Actually, sa lahat ng naintriga sa akin, doon ako... Actually, hindi naman ako... kasi, alam ko namang hindi totoo.

"Pero yung buong family namin, nawindang. Parang ano ’to?

"Kasi, hindi naman siya [Alyssa] showbiz nga," sabi niya.

Paano nila hinarap ang isyung ito?

"Ako, okay lang. Sanay na ako sa ganoon.

"Kaya lang, yung point lang, huwag na lang yung mga bata, hindi naman mga artista.

"Si Bing, siyempre mainit ang ulo ng lola mo. Hindi naman kasi showbiz ang mga bata.

"Si Alyssa, hindi naman kinailangang i-comfort noon kasi, hindi naman totoo.

"Ako, okay lang ako. Sila ang nababahala, sila Bing.

"Parang bakit umiikot ang ganito?

"Pero wala naman, nothing to worry about.

"Matalino ang anak ko, e. Very smart.

"At saka, open naman siya. Kapag meron siyang boyfriend, kasama namin out of town."

MARRIED LIFE. Sila naman ni Bing ay madalas na natsitsismis na hiwalay o kesyo may kakaibang setup na sila sa bahay—na hiwalay na raw sila ng kuwartong tinutulugan.

Pero ayon kay Janno, "We’re okay. Very okay."

Hindi na sila magkahiwalay ng kuwarto?

"Siya na lang ang tanungin n’yo. Basta mag-asawa pa rin kami!" natatawang sabi ni Janno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ang masasabi ko lang, buo pa rin kami as family.

"Enjoy lang kami. Every week nanonood kami ng sine, kaming apat.

"Ngayon, nadagdagan pa ang mga anak ko sa bahay, si Diego."

Si Diego Loyzaga ang pamangkin ni Bing at anak ni Teresa Loyzaga kay Cesar Montano.

So for the record, are they still stay together?

"Yes, yes," nakangiti namang sagot ni Janno.

PROTÉGÉ. Ilan sa projects na aabangan kay Janno, bukod sa The Protégé, ay ang concert niya sa Music Museum with Yes Pinoy Foundation as the beneficiary.

Nasa GMA Records pa rin daw siya pagdating naman sa kanyang recording career.

"Nagte-take time kasi ako," sabi niya.

"So far kasi, lahat ng album na nilabas ko, successful naman. Maganda ang quality.

"Ganoon ang gusto ko. Nagte-take time paggawa ng album. Ayoko ng basta-basta lang ng kung ano."

Sa The Protégé naman, isa si Janno sa magiging mentor ng show.

"Ten kaming mentors. Kanya-kanya kami.

"Tig-isang probinsiya lang kami. Ako, sa Iloilo ako na-assign.

"Galing na ako do’n, pumili kami ng tatlo.

"Pagdating dito sa Manila, kami ang magde-develop. Pati styling, sa music, magtuturo ng boses."

Dugtong pa niya, "Excited ako kasi excited akong i-share...ganoon talaga ako sa career ko.

"Ako ang nagme-makeup sa sarili ko halos. Ako ang nag-aayos ng buhok ko."

METROSEXUAL. Hindi naman itinatanggi ni Janno na isa siyang "metrosexual."

Hindi pa nga yata uso ang tawag na ito sa mga lalaking mahilig mag-ayos o vain, aminado na si Janno sa pagiging metrosexual niya.

"Ilang beses na rin akong na-feature sa pagiging metrosexual na concept, like kay Jessica Soho.

"Ang sa akin naman, parang mas alaga sa sarili.

"Mas alam ko ang makeup ko. Alam ko ang buhok ko.

"So, gusto kong i-share yun sa mga magiging alaga ko sa Protégé."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang mga hinahanap niya sa magiging protégé niya?

"Ako, hindi ako nahirapan," sabi ni Janno.

"Kasi, ang hinahanap ko yung fresh. Ayoko na noong mga biritera.

"Hinahanap ko fresh na puwedeng gumawa ng album sa music ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN