Gabby Eigenmann surprised by unexpected success of Munting Heredera

"Natutuwa kami because it wasn’t expected. Pero lahat ng pawis, pagod, binuhos namin. And every taping, we always come to work with a smile on our face. Nakaka-receive kami ng text message regarding sa rating, so nakakatuwa," says Gabby Eigenmann about the unexpected success of Munting Heredera.


Bukod kay Dingdong Dantes, isa pa sa original talents ng PPL Entertainment, Inc. si Gabby Eigenmann.

Sa pictorial ng lahat ng talents ni Perry Lansigan noong August 6, Sabado, maaga pa lang ay nasa Hacienda Isabella na si Gabby.

Naging sort of bonding na rin nilang lahat ang pictorial dahil yun lang ang natatanging araw na nagkasama-sama sila.

Ayon kay Gabby, nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during his pictorial break, "Yung first batch, siyempre nagkasama-sama na.

"Pero yung mga bago ngayon, like sina Janno Gibbs, sina Wilma Doesnt, LJ Reyes, Rochelle Pangilinan, Wendell Ramos, at saka si Isabelle Collins, happy kami kasi new breed.

"Kumbaga, sa poder ni Perry, excited kaming lahat.

"Actually, kagabi nga, habang nasa taping ako, tinext ko silang lahat.

"Sabi ko, ’I’m excited to bond with you guys.’"

Naa-appreciate daw niya ang mga ginagawa ng manager nila tulad ng naturang pictorial.

Ani Gabby, "Meron kasing iba, may mga questions na, ’Para saan? What for?’

"Sa akin, we’ll all benefit naman. We’ll showcasing what we have. What PPL has and what’s Perry got in store for us.

"Kumbaga, hindi yung wala lang."

Bilang pioneer talent ng PPL, paano niya tinitingnan ang bagong talents na nadaragdag sa kanila?

"Noong una kasi, nauna kasi kaming dalawa ni Dingdong. Wala pa namang kumpanya si Perry noon.

"Until it came to a point that we were growing. Pumasok si Geoff [Eigenmann], si Arthur [Solinap], si Carlo [Gonzalez], and eventually Jolina [Magdangal] and Angelika [dela Cruz].

"Noong pumasok silang lahat, no question asked naman kami.

"When it comes to a point, like decision-making, may gustong magpa-handle sa akin.

"Kami ni Dingdong will always text each other, exchange messages. Parang assessment kumbaga.

"But we have no right naman to decide, but we have at least konting may say rin kami kahit paano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi siyempre, kung na-stress si Perry kay Dingdong at sa akin noong nagsisimula pa lang siya, ayaw rin naman naming baka ma-experience niya.

"Siyempre, being a manager is hard. And in fairness to Perry, kung may gustong magpa-handle sa kanya, he would always ask us, our opinion.

"Pero it always ends up na si Perry pa rin ang nagde-decide," saad niya.

MUNTING HEREDERA. Sa ngayon, regular na napapanood si Gabby sa nangungunang primetime series sa GMA-7 na Munting Heredera.

Kahit sa Twitter posts ni Gabby, obvious na proud siya sa kinabibilangang teleserye. Aminado rin siya na nasorpresa sa tagumpay nito, lalo na sa ratings.

"Actually, ’eto nga, lahat naman kami, buong team, buong cast, buong crew, buong production, na-surprise kami.

"Wala naman kaming sinu-showcase na big stars, wala kaming pillars na masasandalan ng lahat... prior to Tita Glo [Gloria Romero], icon na, e.

"Lahat kami, baka isipin ng mga tao na it’s just another family drama. Pero na-miss siguro ng mga tao since in the past, puro fantaserye.

"I received some comments na may mga tao na nami-miss din nila ang mga drama na related sa family.

"Okay rin ang fantaserye. But sometimes, they want to relate. Gusto rin naming maramdaman sa totoong buhay.

"Natutuwa kami because it wasn’t expected.

"Pero lahat ng pawis, pagod, binuhos namin. And every taping, we always come to work with a smile on our face.

"Nakaka-receive kami ng text message regarding sa rating, so nakakatuwa.

"Plus, lahat kami close. Super close which is from a rare ensemble."

Eventually, sa istorya ay magiging "super kontrabida" raw siya, although ngayon ay para raw siyang kontrabida na "tatanga-tanga" dahil sunud-sunuran siya sa asawang si Ynez Veneracion.

"Eventually, we’ll see a revelation in the coming weeks," banggit ni Gabby.

"Actually, natutuwa nga kami kasi na-extend kami ng 10 weeks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naunang na-extend ng five weeks, tapos na-extend na naman ng five.

"So, from what I heard, I think hanggang October pa kami.

"Sana tuloy-tuloy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN