Viva talent Imee Hart leaves Wil Time Bigtime to try acting

"Nag-resign na po ako no’ng Friday. Nagpaalam po ako kay Kuya [Willie]. Pumayag naman po siya. Sobrang saya niya para sa akin," says Imee Hart after talking to Wil Time Bigtime host Willie Revillame.


Nagsisimula na sa kanyang acting career ang 16-year-old newbie na si Imee Hart bilang pinakabagong addition sa pool of talents ng Viva talent management.

Pinakabagong dagdag din siya sa TV5 youth-oriented series na Bagets, Just Got Lucky.

Pamilyar si Imee sa viewers ng Wil Time Bigtime dahil isa siya sa mga second batch ng hosts ng game show na ito ni Willie Revillame. Kasama niya sina Sugar Mercado at Bey Bisaya.

ACTING CAREER. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Imee sa presscon para sa second season ng Bagets series noong Lunes, August 8, sinabi niyang masaya siya sa kanyang pinasukang bagong career, ang pag-arte.

"First of all, hindi ko akalaing magiging host ako. Sobrang na-appreciate ko yung pagiging host ko. Pero, I’m not good in hosting," pag-amin niya.

"Pero, mas may potential ako sa acting kaysa sa hosting."

Nilinaw ni Imee na wala siyang reklamo sa kahit na sino sa Wil Time Bigtime dahil mababait at supportive daw ang mga ito sa kanya.

"Pero kasi, mero’n ka pa ring gusto sa sarili mo. May target ka na gusto mong maabot.

"So, ngayong nakuha ko na yung acting. Why not [give it a shot]?

"Eto naman talaga [ang gusto ko]. Focus lang. Kung ano ang gusto mo, doon ka rin naman mapupunta," paliwanag niya.

REASON FOR LEAVING. Itinanggi ni Imee na intimidated siya kay Sugar kaya lagi siyang nasasapawan nito.

"Hindi po," sabi niya.

"Ate-ate ko nga yun. Doon nga ako natutulog sa kanila halos araw-araw before."

Honest niyang inamin na may nararamdaman din daw siyang insecurity sa husay ng mga kasamahan niya sa show sa hosting.

"Nai-insecure ako, pero nanghihingi ako ng advice sa kanya [Sugar] which is tinuturuan naman niya ako.

"Ang hirap ma-intimidate sa kanya dahil sobrang mabait," pahayag niya.

Ipinaliwanag ni Imee kung bakit siya nai-insecure sa kanyang hosting skills.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, parang ang hirap ng ginagawa niya. Paano ko kaya magagawa yun?

"Contestant lang ako dati tapos biglang naging host ako? ’Ate. Ate, anong gagawin ko?’

"Parang lagi akong nagkukulong sa CR bago mag-start. ’Anong gagawin ko?’ Yun yung mga time ko sa Willing Willie pa.

"Pero, no’ng mag-Wil Time na, hindi na masyado. Pero ang bait niya," sabi ni Imee, na ang tinutukoy ay si Sugar.

SAYING GOODBYE. Hindi na nga mapi-pressure si Imee sa paghu-host ng isang game show dahil kumalas na siya sa programa no’ng nakaraang Biyernes, August 5.

"Nag-resign na po ako noong Friday. Nagpaalam po ako kay Kuya [Willie].

"Pumayag naman po siya. Sobrang saya niya para sa akin.

"Kasi po, may magandang offer si Boss Vic [Vic Del Rosario, Viva Production big boss] sa akin. May mga opportunity siyang inaalok sa akin.

"Naisip ko, lahat ng opportunity, dinadaanan ’yan, e. Hindi na ’yan nauulit.

"Maraming plano sa akin na ilalagay ako sa kung saan-saan. Like, [sa] movies, teleserye, soaps. Yun ang sabi niya [Boss Vic] sa akin.

"Sobrang lumaki ang mga mata ko. ’Eto na ang pangarap ko,’" excited niyang sabi.

Ang sunud-sunod na schedules ng taping ng Bagets ang rason kung bakit minabuti ni Imee umalis na sa game show ni Willie.

"Parang nakakapagod kung every day, kung a-acting pa ako, tapos maghu-host ako.

"Ayoko namang pinapaasa si Kuya Will. O, sige, papayagan niya ako. Pero, ayokong magtampo siya kasi napapabayaan ko na yung show.

"Bakit ko pa sila pahihirapan kung puwede namang magpaalam na lang? Maiintindihan naman niya kasi mabait naman si Kuya."

Last Thursday raw noong kausapin nang masinsinan ni Boss Vic si Imee. Ayaw na raw papasukin si Imee ng Viva big boss sa Wil Time Bigtime.

"Kasi raw, sayang yung mga schedules. Ganyan.

"So, magpaalam na lang raw ako. So, Thursday yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung Friday, nagpaalam na ako sa show.

"After no’ng pagkausap sa akin ni Boss Vic, nag-meeting muna kami ni Mama. Nag-iyakan pa kami.

"Kasi, sayang yung Wil Time. Sayang si Kuya Will. Ang dami niyang naitulong.

"So, no’ng pinuntahan ko si Kuya, sabi ko, ’Kuya...’ Parang alam na niya, e.

"Actually, hindi ko nga alam kung paano ko nasimulan. Parang yung hitsura niya, nalulungkot siya na natutuwa.

"Kinuwento ko sa kanya yung bawat detalye. Sinabi ko na nag-usap kami ni Boss Vic.

"No’ng sinabi kong ’superstar.’ Inasar niya ako. ’Nora Aunor?’

"Kasi sabi ni Boss Vic, ’Ayaw mo bang maging superstar?’ Sabi ko, ’Opo!’

"Sabi ni Boss Vic, ’Parang may walls kung maghu-hosting ka lang. Mas maraming opportunity pag marami kang nagagawa. Marami kang nakakasalamuha.

"Ang sinagot ni Kuya Will sa akin, desisyon ko raw po yun. Hindi naman siya nagulat.

"Kasi siguro kinausap na rin siya ni Boss Vic kaya ganun yung reaksiyon niya.

"No’ng nag-uusap kami ni Kuya, naiyak talaga ako. Kulang na lang humagulgol ako.

"Sa lahat nagpaalam ako. Sa mga dancers. Sa lahat ng staff.

"Hinuli ko na si Ate Sugar kasi iyakin yun. Ako yung matagal niyang nakasama at mas close kami.

"So, last ko na silang napuntahan ni Bey.

"Hindi na ako nag-makeup. Namumula na yung mukha ko.

"Parang nakaka-miss rin yung hosting ko," nangingiti niyang pag-alala sa masasayang araw niya sa show.

Hindi na nga raw nag-last appearance pa si Imee sa Wil Time Bigtime.

"Actually, Monday pa lang hindi na ako pumasok kasi may dance rehearsal kami para sa Bagets, then may taping kami. Sunud-sunod yun.

"So, no’ng Thursday, bago pa ako mag-rehearsal kinausap na po nina Boss Vic, saka si Ma’am Veronique [del Rosario].

"Ang sabi kasi sa akin ni Boss Vic, ’Ranasin mo muna yung pagiging teenager mo. Gusto mo ba yun?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang masyado rin akong bata para sa hosting job," paniniwala niyang sabi.

MONEY MATTERS. Pinasisinungalingan ni Imee ang intrigang hindi siya kuntento sa talent fee niya sa nasabing game show.

"Ay, sobrang satisfied ako sa TF [talent fee] ko doon!

"Hindi ko nga po alam kung anong mangyayari after. Pero sana, marami pang projects," asam niya.

Tumanggi si Imee na magbigay ng figures kung magkano ang talent fee na natatanggap niya sa show.

Pero ayon sa kanya, higit sa P50,000 ang talent fee niya at puwede pa itong umabot sa P100,000 kada buwan.

"Kahit po mag-absent ako, wala pong bawas yung talent fee ko. Gano’n po sila ka-considerate sina Kuya."

Kaya nga pinagtatakhan kung bakit pa niya kinalasan ang show samantalang ang laki ng suweldo niya rito.

Paliwanag niya, "Kasi po, kahit anong amount ng pera, kung ano yung gusto mo, yun pa rin ang susundin mo.

"Kung ano yung goal mo noong una pa lang, yung pa rin ang susundin mo. Kung may pangarap ka talaga.

"Kasi naniniwala akong everything will fall into place.

"Tignan n’yo nga, nag-alok si Boss Vic. Everything will fall into place. Kung ano ang gusto mo masusunod.

"Sinabihan naman po ako ni Kuya Will na free akong bumalik, bumisita, kahit ano po," paniniguro niya.

Anim na buwan lang daw ang itinagal ni Imee sa show ni Willie. Nagsimula siya noong February sa Willing Willie noong kunin siya agad matapos siyang maging contestant sa show.

At nang magpahinga muna ito sa ere at bumalik para sa bagong titulo na Wil Time Bigtime, isimama pa siya uli sa show.

Sa itinagal niya sa show, dalawang Technomarine watches daw ang natanggap niyang regalo mula sa kanyang Kuya Willie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN