Gabby Eigenmann echoes sentiments of dad Mark Gil about the father of sister Andi’s child

"Yes, forgiving, hindi ’yan mahigpit. Si God nga, nakakapag-forgive. But forgetting is the hardest thing. You’ll never forget. Kung dumating man sa point na lalapit, yes, but we don’t need you. I’ll say it again, katulad ng sabi ng daddy ko, yes, but we don’t need you," says Gabby Eigenmann about the father of sister Andi’s child.


Bilang panganay sa magkakapatid sa mga anak ng aktor na si Mark Gil, si Gabby Eigenmann ang isa sa mga unang nilapitan o nakaalam ng pagbubuntis ng kanyang half-sister na si Andi Eigenmann.

Si Gabby ay anak ni Mark sa actress-model na si Irene Celebre, samantalang si Andi naman ay anak ng aktor sa multi-awarded actress na si Jaclyn Jose.

Sa ngayon, nakikita raw ni Gabby na okay na si Andi.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "I saw her noong magkaroon kami ng reunion ng mga Eigenmann.

"It’s been a very rare moment kasi it’s been almost a year na hindi kami nagsama-sama.

"Umuwi rin kasi ang anak ni Tita Cherie [Gil], si Rafa.

"So, noong umuwi siya rito, I called up Tita Cherie and she said she’s here na.

"At pag nag-oo ako, okay na... sunod na sila Ryan, sila Geoff, so, natutuloy na."

Sina Ryan at Geoff Eigenmann ay mga pinsan naman ni Gabby sa Tito Michael de Mesa niya.

ANDI’S PREGNANCY. Ano naman ang naging reception ng mga Eigenmann sa pagbubuntis ni Andi?

"Okay naman," sambit ni Gabby.

"Kung tutuusin, sa akin nanggaling ang info na buntis si Andi.

"Sinabi ko sa daddy ko. Tapos, eventually, nalaman din ni Tita Cherie.

"Ang ano ko lang, parang we’re all here.

"Alangan namang i-disown namin. E, hindi naman kami ganoon.

"Lahat naman kami may pinagdaanan.

"Okay naman siya. She’s happy.

"She can’t wait to give birth, which will gonna happen sometime November.

"Natutuwa naman kami," patuloy ng Kapuso actor.

"She made a choice to give chance to this kid that God has given her. Kahit maraming bumabatikos.

"Nakakatuwa lang din, when I released my statement sa PEP, ang daming nag-react na proud na raw pala ang mabuntis ang isang bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko na lang, sana they should read it first. [CLICK HERE to read Gabby’s statement.]

"Ang ano ko lang, we were never born perfect.

"We always make mistake. We know what’s wrong and what’s right.

"But we will never know if the right thing is the wrong thing, or the wrong thing is the right thing.

"We really have to experience it," saad niya.

HIS DAD’S INTERVIEW. Aware rin daw si Gabby nang magpa-interview noon ang ama nila ni Andi na si Mark Gil sa The Buzz. (CLICK HERE to read related story.)

"Ang sa akin, he was so diplomatic about it," sabi ni Gabby tungkol sa interview ng ama.

"He was being a father. Not just to Andi naman but to everyone.

"Ang ano ko sa kanya, at least, natatakan na niya na ’eto ang nararamdaman ng daddy ko."

DNA TEST. Ano naman ang stand ng pamilya Eigenmann sa kundisyon ng kampo ng young actor na si Albie Casiño na ipa-DNA test muna ang batang dinadala ni Andi upang malaman kung sino ang tunay na ama nito.

Si Albie sa itinuturong ama ng ipinagbubuntis ni Andi, ngunit hindi pa ito inaako ng kampo ng young actor.

"Wala, we just live our life," pagkikibit-balikat ni Gabby.

Paano kung sa mga susunod na araw ay akuin na nito ang responsibilidad at sabihing siya nga ama ng dinadala ni Andi? Ano kaya ang magiging rekasiyon niya?

"Well, dapat ngayon pa lang i-accept na niya," sagot ni Gabby.

"Yun nga ang problema sa mga pag-iisip ng mga tao ngayon.

"Although, iba-iba ang iniisip, pero dapat pagdating sa ganyan, isa lang ang maiisip mo—responsibility.

"So, what for pa, di ba?"

As the eldest brother, would he advise Andi na ipa-DNA testing nga ang anak nito?

"Ako, hindi na," mabilis niyang tugon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na... hindi ko makuha, do they need proof?

"Hindi ko ia-advise yun.

"Ang sa akin lang, ayaw mong tumayo, ayaw mong akuin, okay lang."

Kaya niyang segundahan na marami silang Eigenmann na puwedeng kilalaning ama?

"Yes!" sambit ni Gabby.

"Pero may sinabi ang dad ko regarding forgiveness.

"Yes, forgiving, hindi ’yan mahigpit. Si God nga, nakakapag-forgive.

"But forgetting is the hardest thing. You’ll never forget.

"Kung dumating man sa point na lalapit, yes, but we don’t need you.

"I’ll say it again, katulad ng sabi ng daddy ko, yes, but we don’t need you."

MAXINE. Nabanggit din ni Gabby sa PEP na okey na sila ng isa pa niyang kapatid na si Maxine Eigenmann, na gaya ni Andi ay nabuntis din. Pero ito na ang ikalawang beses na nagdalang-tao si Maxine.

Ani Gabby, "Noong Father’s Day, binati niya ako through text. So, natuwa naman ako.

"Tinext ko rin siya. Sabi ko, ’I missed you. Hope all is well.’

"Then, a few days after that text, nagkita kami sa Greenhills, accidentally. Nagyakapan kami.

"And I told her, yung tampo naman as a kuya. It’s easy for me na abutin, kausapin.

"In-explain naman niya sa akin na natatakot daw siya.

"Sinabi ko naman na ’You don’t need to be scared.’

"Ako ang isa sa pinaka-understanding na kapatid. I don’t react before I think. I think first before I react.

"So, kung anuman ang mga pinagdaanan niya, yes, may sama ng loob, may tampo.

"Pero sabi ko, ano ba mabe-benefit ko, gaganda ba buhay ko?

"I live a good life. I want all my siblings to have a good life too.

"So, okay na. Ngayon, may constant communication kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN