German Moreno says he’s helping Nora Aunor without expecting anything in return

"Sige lang, pero sinasabi ko nga, itong ginagawa kong ito, para sa magandang pagkakaibigan namin. Wala akong hinihintay na anumang kapalit," says Kuya Germs when asked who Ate Guy’s manager is now—German Moreno or Suzette Ranillo?


Naging malaking issue at balitang ikinagulat daw ng mga executives ng TV5 ang biglaang pagdalaw ni Ms. Nora Aunor sa bakuran ng GMA-7. Idagdag pa rito ang pagsuot niya ng jacket kung saan nakasulat ang bagong pelikula ng Kapuso network na Tween Academy Class of 2012.

Kasama niya sa pagdalaw sa GMA-7 si German "Kuya Germs" Moreno, na kaibigan at itinuturing na isa sa managers ngayon ng Superstar sa kanyang pagbabalik-showbiz.

Nawindang daw ang pamunuan ng Kapatid network. Bilang istasyon na nakipag-negotiate sa kampo ng mahusay na aktres sa kanyang pagbabalik, dapat man lang daw sana ay nagpaabiso ang kampo ni Ate Guy sa ginawang pagbisita sa bakuran ng Kapuso network.

"Isang bagay ’yun na pinapatunayan ni Guy na di siya nakakalimot,"panimula ni Kuya Germs.

"Wala namang masama sa nangyaring yun. Siyempre, dun ako naglilingkod at si Guy, naglingkod din siya sa GMA[7].

"Kinailangan niya [dumalaw]. Kinailangan nila si Guy. Nagbigay siya, nagbigay siya ng respeto. Mahal niya ang alaga kong si Jake [Vargas] na kasama sa pelikulang yun."

ATE GUY’S PROMISE. Kapansin-pansin din ang pagpupukulan ng biro nina Kuya Germs at Ate Guy. Na sa pagkakataong ito ng pagbabalik ni Nora ay di raw ilalagay ng Superstar sa balag ng alanganin ang pangalan ng Master Showman.

"Siya naman mismo ang nagsabi na di niya ako ipapahiya. Ako naman, dinadaan ko sa biro, ’O, Guy, ’wag nang mauulit yung dati, ha’.

"Alam naman niya sa lahat ng sandali, kahit nung nasa America siya, pag mayroon siyang kinakailangan, di ko siya binibigo.

"Hangga’t magagawa ko, hangga’t makakayanan ko, ibibigay ko sa kanya."

"Sabi ko nga sa kanya, kung kinakailangang humingi ka ng kapatawaran, humingi ka ng kapatawaran. Para maisip ng iba na yung Nora Aunor dati na matigas ang ulo, ngayon iba na.

"Noon, pag may sinabi ako sa kanya, ’Kuya Germs, huwag na lang’. Ngayon, iba na. Pag may sinabi ako sa kanya, ’Oo, Kuya Germs, gagawin ko ’yan.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UNTIL DECEMBER. Ayon kay Ate Guy, maaari siyang tumagal sa bansa hanggang December. Bagay na pinatotohanan naman ni Kuya Germs.

"Sinasabi niya hanggang five months siyang mag-i-stay dito. Tinanong ko kung hanggang kailan matatapos ang 20 days na yun na taping [for TV5].

"Aabutin daw ng middle of October dahil lalabas daw yung series niya by November. May mga ibang projects na inaalok, tumatawag sa akin. Sa pagbalik na lang niya pag-uusapan ang mga ito."

WHO MANAGES SUPERSTAR? May mga ispekulasyon na si Kuya Germs daw ang tumatayong manager ni Ate Guy. May ilang nagsasabi naman na si Suzette Ranillo raw.

"Ganun niya binabase. Ako naman, okay lang. Sige lang, pero sinasabi ko nga, itong ginagawa kong ito, para sa magandang pagkakaibigan namin. Wala akong hinihintay na anumang kapalit."

Nagpahayag ng kasiyahan si Kuya Germs sa nakikita niyang patuloy na pagtanggap ng publiko kay Ate Guy, mula sa mga tagahanga nito, ang media hanggang sa mga producers at TV networks.

"Sobra ang pasasalamat namin kasi, nakita mo naman yung importansiya na ibinibigay nila kay Guy.

"Sa pagdating pa lang niya ng bansa [grabe ang pagtanggap sa kanya]. Sa unang press conference na binigay sa kanya ng TV5. Sa presscon sa kanya ni Gov. ER Ejercito para dito sa pelikulang El Presidente, ang attendance, dun ko nakita at napatunayan na lahat talaga gustong makita at makasama ang Superstar.

"Dito talaga makikita na tulungan. Gusto nilang makausap, mainterview [siya]. Mapagbigay si Guy. Sinusunod naman niya ang lahat ng ina-advise ko na magtiyaga siya.

"Pakiharapan niya ang lahat hangga’t magagawa niya. Huwag siyang magpapakita ng di maganda na mayroon silang masasabi."

Isa sa isyung ipinupukol sa aktres ay ang pagiging second choice lang daw nito para gumanap bilang Maria Agoncillo sa El Presidente. Unang inialok daw ang role kay Gov. Vilma Santos, pero tinanggihan ng Star For All Seasons.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unang-una, sinabi na naman niya na walang second choice para sa kanya. Kay Guy mismong nanggaling na wala na sa kanya yun.

"Basta ang mahalaga, historical yung movie [El Presidente] na papanoorin ng mga estudyante. At saka wala namang mawawala sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN