Filipino-Americans Marko Germar and Tadd Gadduang fail to clinch top prize in So You Think You Can Dance

Filipino-Americans Marko Germar (left) and Tadd Gadduang (right) finished third and fourth, respectively, at the finale of So You Think You Can Dance Season 8.


Nabigo ang Filipino-Americans Marko Germar at Tadd Gadduang na masungkit ang titulo sa Season 8 ng hit U.S. reality dance competition na So You Think You Can Dance.

Ang nanalo ay ang contemporary dancer na si Melanie Moore.

Si Marko ay pumangatlo, samantalang si Tadd naman ay pumang-apat.

Ang isa pang finalist na si Sasha Mallory ang naging first runner-up.

Si Melanie ay nanalo ng $250,000 at ng titulong "America’s Favorite Dancer."

Ang pagpili ng winner ay base sa dami ng audience votes through phone and online.

Si Melanie ay nakakuha ng 47 percent of the total votes, samantalang si Sasha naman ay 32 percent.

The rest of the votes ay pinaghatian nina Marko at Tadd.

Bagamat hindi pinalad sina Marko at Tadd na tanghaling America’s favorite dancer ngayong season, isang malaking karangalan pa rin ang hinatid nila hindi lang sa mga Pinoy at Filipino-Amercans kundi maging sa lahat ng Amerasians.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng So You Think You Can Dance na dalawang Filipino-Americans ang nakapasok sa Top 4.

Magkaibang-magkaiba ang dance styles nina Marko at Tadd.

Si Marko, 22, ay modern dance ang forte; samantalang si Tadd, 25, ay sa B-Boying naman nakilala.

Throughout the competition, hindi nanganib sa elimination si Marko, gaya ng nanalong si Melanie. Ni minsan ay hindi sila napasama sa bottom group.

Si Marko rin ang "favorite contestant" this season ng isa sa judges na si Mary Murphy.

Si Tadd naman ay tatlong beses na napasama sa bottom group. Pero madalas siyang purihin dahil sa kanyang pagiging "entertainer."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN