Eula Caballero admits being insecure with fellow Star Factor winner Ritz Azul before

"’Ikaw ang nanalo, pero ngayon mas maraming napupunta [na projects] kay Ritz kaysa sa iyo? Ano ba ’yan?’ Alam kong it was a joke, pero napipikon ako," says Eula Caballero about people pitting her against Star Factor batchmate Ritz Azul.


Tatlo ang shows ni Eula Caballero sa TV5. Ang youth-oriented series na Bagets, Just Got Lucky, ang drama series na The Sisters, at ang once-a-week musical variety show na Hey, It’s Saberday.

Ang mga nabanggit na programang nilalabasan ng unang winner ng talent search na Star Factor ay pagpapatunay lamang na malaki ang tiwala sa kanyang kakayahan ng Kapatid network para maging isang malaking artista.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Eula, inamin nitong hindi madali sa kanya ang pagsabay-sabayin ang nabanggit na shows niya.

"Yun nga po. Since nag-start ang The Sisters, sobrang madalang na lang po akong nakakauwi ng bahay.

"Sa isang linggo, nakakauwi ako ng thrice. May mga times na ang layo ng taping ng The Sisters sa Batangas, tapos didiretso na lang ako somewhere.

"Tapos nag-quit muna ako sa school. I’m into regular school sa IS. International School sa Cavite.

"Sobrang hirap po talaga. Hindi ko na po nakayanan.

"Tinapos ko na yung first grading. Pero sabi ng mom ko, ihahanap na lang niya ako ng homestudy na lang po.

"Fourth year high school na po sana ako," saad ng young actress.

Monday, Wednesday, at Friday ang taping ni Eula sa The Sisters.

"Pero minsan po, hindi na po nila ako kinukuha ng Wednesday para makapag-Bagets [taping] naman ako.

"Minsan nagku-call sila ng Saturday. Kasi yung mga for airing na kailangang tapusin talaga na hindi ko nagagawa ng Wednesday.

"Actually, nakapag-Saturday and Sunday na kami sa The Sisters, pero ang naka-block niya ay MWF. Pero, Wednesday ko nga ay for Bagets.

"Yung Thursday po, rehearsal for Saberday. And then pag Friday po, hindi na ako nakakapag-tech [technical rehearsal].

"And then pag Saturday, yun na po yung taping naman namin for Saberday. Live and taping na yun.

"Pag Sunday naman, minsan nakukuha ng The Sisters or kaya workshop," pagdetalye niya ng buong linggong skeds niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRESSURE. Kaya naman daw ni Eula ang hectic work schedules niya. Napi-pressure lang daw siya sa kanyang daddy.

"No’ng nag-audition ako sa Star Power, ayaw niya. Sinekreto ko na lang po sa kanya. Until lumipad na ako from Cebu papunta dito sa Manila.

"Doon ko lang sinabi sa kanya. Sabi niya, ’Wala na akong magagawa diyan. One thing you can do now is promise me na next year [matapos ang studies mo].’

"Which is this year nga na matapos ko [dapat] yung pag-aaral ko.

"Sabi ko, ’Promise. Promise.’ Tapos, eto na nga tumigil na ako sa pag-aaral.

"Hindi ko pa sinasabi sa kanya [daddy]. Kaya nga po napi-pressure ako dahil kakausapin ko pa siya.

"And then, no’ng nag-aaral ako, pag may spare time ako nasasabi ko sa sarili ko na, ’Akala ko matutulog na ako, kailangan ko pa palang mag-aral.’

"Pero, since I’ve decided naman na pumasok dito and I’m enjoying naman... so, I’m making the most out of my work. Try ko talaga mag-improve," pangako niya.

No’ng umuwi rito sa Pinas ang daddy niya galing sa pagtatrabaho abroad, muli na naman daw ni-remind sa kanya nito na mag-aral na lang at iwan na ang showbiz.

"Sabi ko naman sa kanya, ’I’m happy naman with what I’m doing.’"

"Nanghihinayang lang siya pag hindi ko matapos yung schooling ko, kasi one year na lang naman. Sayang naman daw."

RITZ AZUL. Nitong mga nakaraang mga buwan, iniintriga sila ni Ritz Azul na runner-up lang ni Eula sa Star Factor. Sinasabing nalagpasan na siya ni Ritz dahil sa magandang exposure nito sa natapos nang seryeng Nagbabagang Bulaklak.

Pero, lumalabas na mas marami siyang workload ngayon kaysa kay Ritz.

"Yun po ang lagi itinatanong sa akin. Ako naman po, since I’ve dreamt for this, parang gusto ko rin to get the most out of showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mabigyan ako ng break. Pero so far naman po, if I look at my blessing [walang problema].

"Since no’ng natapos po yung Star Power, ako po yung hindi nabakante talaga.

"No’ng natapos ang Fantastik at matagal na nasundan bago nag-Saberday, ako po yung hindi nawalan [ng shows].

"Kasi, may Bagets ako. Ayun, nagkasabay pa yung Sisters and Bagets.

"For me naman, I have nothing to be jealous about kay Ritz. Siguro po it’s about having our right time to shine.

"Actually, I know po na mas malalaking roles na naibibigay sa kanya.

"I don’t know po how to explain this, pero based on how TV5 handles me, I trust naman po my network.

"I know they have this career planning for me. Maybe because of my age na alanganin din. Pero, I trust TV5 naman talaga."

Hindi itinanggi ni Eula na may mga pagkakataong napipikon siya sa panunukso sa kanya na mas may potential na maging star si Ritz kaysa sa kanya.

"There was one time na dyinu-joke ako, ng sabihin na lang natin na isa sa mga katrabaho ko. Hindi po siya artista.

"Joke niya ako na, ’Ano ba ’yan, Eula? Ikaw ang nanalo, pero ngayon mas maraming napupunta [na projects] kay Ritz kaysa sa iyo? Ano ba ’yan?’

"Alam kong it was a joke, pero napipikon ako. Yun yung bago pa lang yung Nagbabagang Bulaklak.

"Sabi ko, ’My God! Oo nga ano? Ano ba yan?’

"So, no’ng umuwi ako sa bahay namin, sabi ko sa mom ko, ’Ma, may Nagbabaga pala si Ritz.’

"Yung mga nagdyu-joke sa akin, sa kanila ko nalaman yung bagong project nga ni Ritz.

"Sabi ng mom ko, ’Ano ba naman ’yan? Parang magkakapatid na kayo sa Star Factor. Be happy for her. Alamin mo muna yung story.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No’ng nalaman ko na yung the role is somehow... it’s a little bit sexy. Oo nga naman, they’re just taking care of me.

"Alam nila na I’m incapable of doing such things. I’m just waiting for the right time," paliwanag niya.

Hindi pa raw talaga kaya ni Eula ang magpa-sexy sa kahit na anong acting projects niya. Binigay niyang halimbawa ang pagkailang sa tube-like dress niya na balikat lang naman ang kita sa kanya.

Marami ang naniniwalang maraming roles ang puwedeng ibigay kay Ritz. Kaya daw kasi nitong gawin ang iba’t ibang roles.

Bukas din daw si Ritz sa posibilidad na pagpapa-sexy sa mga acting project na gagawin niya sa mga darating na taon.

Ayon naman kay Eula, hindi naman niya isinasara ang pintuang pagma-mature niya bilang isang artista. O pagtanggap ng sexy roles.

"Siguro, kakayanin ko rin po yun. But not at my age. Siguro, pag dumating po ako sa tamang age, puwede na siguro.

"Kasi kaka-16 ko lang po. Masyado po akong bata. Saka isip-bata rin po ako kaya hindi ko naiisip na magpapa-sexy ako ngayon."

Nakakasiguro raw si Eula na hindi apektado ang friendship nila ni Ritz sa pa-iintriga sa kanila ng press.

"No po. That is something that I have to thank Ritz [for]. Kasi, never niyang pina-feel sa akin na, ’Hala ka, Eula [natatalo na kita].’ Never po talaga.

"I know na kung ako yung [nasa katayuan] kay Ritz, I would feel good na hindi ako nanalo, pero look at what I’m getting now.

"Si Ritz, super humble niya talaga sa lahat. Like, magyayaya ’yan na, ’Uy Eula, punta tayo, may bagong coffee dun.’ She never changed.

"So, bakit ako magbabago sa kanya kung si Ritz sobrang warm niya sa akin?

"And I understand na, yun nga po, it’s about having our own time to shine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami naman po base sa mga nakikita kong artista, na marami naman pong nabakante for some years and later on nag-bloom sila.

"I’m just waiting for the right time po," punung-puno ng pag-asang sabi ni Eula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN