Rita Iringan portrays first mature role in teleserye; says she enjoys playing a villainess

"Siguro po ito mas kakaiba, kasi next level po, e. Kasi before po, I was a kontrabida lang po, walang loveteam. Pero this time, sobrang happy ako kasi napasok po ako sa love triangle nina Bea [Binene] at Jhake [Vargas]," Rita Iringan describes her role in the teleserye, Pahiram ng Isang Ina.


Fifteen years old na ngayon si Rita Iringan, ang grand champion ng Pop Star Kids contest noon ng QTV 11.

Eleven years old si Rita nang manalo siya sa naturang kiddie talent search.

"After ko pong manalo, iyon po naging regular po ako sa SOP tapos nagkaroon po kami ng group, yung Sugar Pop. Nagkaroon din po ako ng sitcom yung Ganda ng Lola Ko sa QTV 11.

"Tapos mga guestings sa Asian Treasures. Iyon, sobrang happy po ako kasi mayroon po akong scene with Mr. Robin Padilla and Mr. Eddie Garcia.

"So parang, siyempre po kahit bata pa lang po ako noon parang haping-happy ako nun," kuwento ni Rita (who is turning 16 this September) sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) during the Pahiram ng Isang Ina presscon ng GMA 7.

Her most recent TV stint ay ang "The Last Prince, that was last year pa po.

"Ako si Gigi doon, anak ako ni Ms. Angelu de Leon. Isa rin po akong kontrabida, doon po ako nag-start maging kontrabida. Iyon po yung first na kontrabida role ko."

YOUNG KONTRABIDA. Dito sa Pahiram Ng Isang Ina ay kontrabida naman si Rita (as Nenet) kay Bea Binene (as Berna) at kaagaw kay Luke, played by Jhake Vargas.

"Pinsan ko po siya [Bea as Berna] dito tapos magiging karibal din niya ako pagdating sa puso ni Jhake o ni Luke."

Ito ba ang kanyang first mature role?

"Siguro po ito mas kakaiba, kasi next level po, e. Kasi before po, I was a kontrabida lang po, walang loveteam. Pero this time, sobrang happy ako kasi napasok po ako sa love triangle nina Bea at Jhake."

Mahirap bang maging kontrabida?

"Hindi naman po. Actually masaya po ako, masaya, sobra po akong nag-e-enjoy sa kontrabida na role.

"Yun lang po minsan talaga yung kahit minsan ayaw mong totohanin yung nangyayari pero kasi mas maganda po kung mas totoo yung nakikita nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya iyon po, kaya minsan talagang totoo yung mga sakitan namin, pero it’s just work."

Ilang beses niyang sasampalin si Bea sa teleserye nila?

"I’m sure marami po!" ang natatawang sagot ni Rita.

SINGING CAREER. Mukhang concentrated siya sa TV acting; paano na ang singing career ni Rita?

"A, ngayon po okay naman po. Actually may ginagawa po akong musical play sa Bulwagang Gantimpala po, Snow White At Ang Pitong Dwarfs. Ako po si Snow White."

Ang Prince Charming niya ay si Ivan Dorschner ng Pinoy Big Brother Teen Edition ng ABS-CBN.

Kumusta makipagtrabaho sa taga-kabilang istasyon?

"Okay naman po, parang wala ring bago, masaya naman siya. So iyon, nagkakasundo naman po kami."

Nagsimula na ba ang stage play?

"Hindi pa po, nagre-rehearse pa po kami, ang first show po namin is August 24 to 25, pero provincial tours muna po kami bago po kami mag-Manila. Ang una po namin, ang alam ko sa Olongapo."

Wala siya sa Party Pilipinas; hindi ba sumama ang loob ni Rita na grand winner siya ng Popstar Kids, pero after SOP ay hindi siya inilagay sa Party Pilipinas?

"Hindi naman po, okay lang po kasi kahit naman po hindi ako lumalabas sa mga [variety] shows ng ano [Party Pilipinas], meron po akong ibang shows sa labas tulad sa Enchanted Kingdom.

"Magpu-four years na po ako sa kanila, I do musical shows there.

"Yun pong pinaka-last yung Under The Sea, pero one of my favorites na show yung Mulan. Ako si Mulan.

"Pina-take ako ng [GMA] Artist Centre ng wushu classes kung saan naging kaklase ko sina Kylie [Padilla], sina Aljur [Abrenica]. Nagamit ko po dun [sa Mulan] yung wushu class ko."

Five years na si Rita sa GMA-7.

"Opo, since nung nanalo po ako sa Popstar Kids, sa GMA Artist Center na po ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HER EDGE. Kontrabida siya tulad ni Joyce Ching at Lexi Fernandez; ano ang edge or kaibahan niya sa mga ito?

"Naku ang hirap ng tanong! Siguro po... singer ako!" at natawa si Rita.

Maging si Bea ay nag-kontrabida rin sa Tween Hearts TV series.

Ano ang kaya niya na hindi kaya ng ibang young contrabidas and vice versa?

"Sa tingin ko naman po, lahat naman kaya namin. Pero siguro yung pinaka parang edge ko sa kanila is kasi simula po nung ano... sobrang thankful po ako kasi simula po nung nag-start po akong umarte, mga batikang artista na po yung nakakasama ko, especially po yung mga director.

"So, marami po akong natututunan sa kanila.

"Tapos ano po, nahasa ako nang nahasa, pinapa-take rin ako ng workshop ng GMA Artist Center... tapos ngayon po sobrang happy ako na papasukin ko na po yung teatro.

"So sa tingin ko po malaking maitutulong sa akin ng teatro."

Dati na naman siyang nagte-teatro sa Enchanted Kingdom, di ba?

"Hindi po, iba po. Kasi sa Enchanted, parang concert type po siya, kanta-kanta, sunud-sunod na kanta.

"Pero this time po, as in talagang marami pong audience talaga, may lines tapos may arteng malaki po ang galaw."

JULIE ANNE SAN JOSE. Sa Popstar Kids, runner-up ni Rita si Julie Anne San Jose.

Hindi ba siya nagtatampo na mas inaalagaan ngayon si Julie Anne at mas bongga ang career nito?

"Ay, hindi naman po kasi una po, siya po yung pinakamatanda sa batch namin. So before, sinasabi na awkward po, sobrang awkward po yung sa age namin para bigyan ng ibang projects.

"Pero malaki po ang paniniwala ko na lahat naman po may sari-sariling panahon.

"Tsaka magaling po si Julie, lahat po kami sa batch namin iba-iba ang galing naming lima. So, okay lang po kahit sino sa amin ang maunang sumikat agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay lang po kasi deserve po naming lima yun, na kung anuman po yung marating namin ngayon.

"Lima po kami, ako, si Julie Anne, si Vanessa Rangadhol, nasa Enchanted Kingdom rin po siya, kasama siya doon.

"Si Pocholo Vizmonte kasama rin sa show ng Enchanted Kingdom, tsaka si Renzo Almario."

Hindi ba siya naiinggit kay Julie Anne, career-wise?

"A, parang hindi naman po ako dumating sa ganung point kasi sobra pong naiintindihan ko.

"Tsaka first, magaling po talaga si Julie. As in sa grupo namin, pag nagbu-voicing kami siya yung pinaka-leader namin.

"Kasi talented po si Julie. Kaya niyang mag-play ng drums, ng piano, ng guitar, lahat.

"So sobrang matalas po yung tenga niya, tsaka ate ko po si Julie, tsaka best friends po kami ni Julie.

"So, never ko pong na-feel yung ganun na mainggit sa kanya."

Seventeen si Julie Anne ngayon.

"Two years po ang pagitan namin."

Sino ang mga crush ni Rita?

"I have two—Sid Lucero and Derrick Monasterio.

"Kaya ko po siya [Sid] crush kasi sobrang galing niyang umarte, tapos mabait siya, kasi nakatrabaho ko na po siya before, e, sa isang indie film."

Si Derrick, bakit crush niya?

"Kasi wala lang, I [find] him cute and funny."

Sino sa mga lokal na aktres ang gusto niyang maging katulad?

"Siguro po sa larangan ng pagiging kontrabida, si Princess Punzalan tsaka Eula Valdes.

"Pero sa larangan naman ng singing and performing, siyempre parang gusto ko pong maging Beyonce.

Sa local, sino ba?

"Siguro po si Ms. Pops Fernandez kasi di ba siya yung Concert Queen?

"So siyempre pangarap ko ring maging Concert Queen someday."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN