Rita Iringan not insecure of fellow Popstar Kids alumni Julie Anne San Jose’s rising career; says they’re best friends

Rita Iringan (above) emerged grand champion while Julie Anne San Jose was a finalist of the TV show Popstar Kids aired on the former QTV 11. After their group Sugarpop broke up, Julie Anne was given the big breaks at the Kapuso network.

"Para sa akin, kanya-kanyang panahon ’yan. Nasa kapalaran ni Julie Anne ang nangyayari sa kanya ngayon. At kaming mga friends niya, masaya kami para sa kanya kasi ito na yung matagal na niyang hini



Marami ang nagtatanong sa grand champion ng Popstar Kids na si Rita Iringan kung nakakaramdam ba siya ng insecurity dahil mas sikat na ang tinalo niya noon na si Julie Anne San Jose?



Isa lang sa mga finalists si Julie Anne noon ng Popstar Kids ng dating QTV 11, pero siya na ngayon ang nabibigyan ng malalaking break.

After mabuwag ang grupo nila noon na Sugarpop, nagkanya-kanya na sila at bini-buildup na ngayon si Julie Anne bilang isa sa mga importanteng teen stars ng Kapuso network.



Pero diin naman ni Rita na hindi raw siya puwedeng ma-insecure or mainggit kay Julie Anne dahil isa ito sa mga best friends niya. In fact, sobrang happy raw siya sa natatamong success sa career ng kaibigang aktres.



"Kung ano ang nangyayari sa career ni Julie Anne, isa ako sa mga unang nagiging masaya dahil deserve niya ang mga blessing na dumarating," nakangiting pahayag ni Rita sa press launch ng GMA afternoon drama series na Pahiram ng Isang Ina last August 8 sa 17th floor ng GMA Network Center.



"Fan ako ng teamup nila ni Elmo Magalona na JuliElmo. Bagay na bagay silang dalawa. Kapag napapanood ko sila sa Party Pilipinas, kinikilig ako.



"We always talk ni Julie Anne at lahat ng nangyayari sa kanya ay kinukuwento niya sa akin. Ngayon kasi, medyo busy siya kaya hanggang text-text muna kami. Basta updated kami sa isa’t isa.



"The last time na nag-girl talk kami was during her birthday. Nag-conference call kami with Vanessa Rangadhol. Talagang nagtatawanan kami at nire-recall namin ang Sugarpop days namin. How time flies kasi malalaki na kaming lahat," ngiti pa ng 15-year old singer-actress.



Hindi ba minsan pinangarap ni Rita na sana ay mabigyan din siya ng tulad ng pagkakataon na binibigay sa kaibigan niyang si Julie Anne?



"Sino naman po ang ayaw ng gano’n, ’di ba? Kahit sino naman po ay gusto iyon. Para sa akin, kanya-kanyang panahon ’yan. Nasa kapalaran ni Julie Anne ang nangyayari sa kanya ngayon. At kaming mga friends niya, masaya kami para sa kanya kasi ito na yung matagal na niyang hinihintay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



HER TIME WILL COME. "I believe that we all have our time to shine. Siguro nga noong manalo ako sa Popstar Kids, that was my moment to shine. It opened doors for me and maraming magagandang nangyari sa akin. Wala akong mairereklamo.



"I only wish na sana magkaroon ng reunion ang Sugarpop sa Party Pilipinas. It would be nice to perform with them again. Or magkaroon kami ng duet ni Julie Anne. Para makita nila how much we have matured as performers," diin niya.



Kung bini-buildup na bida si Julie Anne, kontrabida naman ang forte ni Rita. Pagkatapos niyang magkontrabida sa The Last Prince, nagbabalik siya sa Pahiram Ng Isang Ina bilang kontrabida kay Bea Binene.



Enjoy raw si Rita sa ganitong mga roles dahil nagagamit daw niya ang kanyang mga natutunan noong mag-acting workshop sila.



"I love acting at walang problema sa akin even if I do kontrabida roles. Nasa hitsura ko raw kasi ang maging maldita!" sabay tawa niya.



"Okey lang na sabihin nila iyon. Ibig sabihin na may character na bumabagay sa akin. Mas gusto ko nga gampanan ang mga complex characters. I did two indie films na. Yung Last Supper No. 3 at Dagim. I also did Bahay Kubo for Regal Entertainment tapos lumabas din ako sa ibang shows ng GMA-7 like Kaputol Ng Isang Awit, Ganda Ng Lola Ko, and Asian Treasures. Basta may acting, gusto ko."



SINGING IS HER FIRST LOVE. Hindi pinapabayaan ni Rita ang kanyang pagkanta. Regular na nagpe-perform si Rita sa mga musical plays sa Enchanted Kingdom. Ngayon raw ay may gagawin siyang musical for Bulwagang Gantimpala na Snow White At Ang Pitong Dwarfs starting August 24. Makakasama niya rito si Ivan Dorschner.



"More than acting, siyempre first love ko ang singing. Hindi ko pinapabayaan ang pagkanta.



"Doing musical theater is very hard. Aside sa pagkanta, you dance and act at the same time. Naging training ground ko ’yan sa pag-perform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Iba kasi kapag live and you have an audience. Pressured ka not to make any mistakes kasi walang take two. Kung magkamali ka man, kailangan hindi mo ipapahalata. You learn to fix your mistakes on the spot."



Hindi pinapabayaan ni Rita ang kanyang pag-aaral. Graduating high school student siya from U.P. South School in Parañaque City. Hindi pa raw decided si Rita kung ano ang gusto niyang kunin na course sa college.



"Marami akong gustong gawin kasi. I want to take up communication arts and at the same time, gusto ko kumuha ng course in fashion design.



"I also want to take up a writing course. Kasi nga, I like to write screenplays and I like to write music as well. Gusto ko kasi sana sa first album ko, ako ang magsusulat [ng songs]. Parang Taylor Swift ang dating," pagtatapos pa ni Rita Iringan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN