Shyr Valdez returns to television after three-year hiatus; talks about her "bugbugan" scene with Bea Binene

"So sabi niya sa akin, ’Tita yung sakit natin damihan mo pa, ha? Dagdagan mo pa nang konti!’ says Shyr Valdez recounting her bugbugan scene with tween actress Bea Binene.

"Sabi ko, ’Anak okay ka lang?’ Sabi niya, ’Hindi Tita, dun ako humuhugot ng acting.’ So magaling, magaling na artista yung bata, sobrang galing!"


Medyo matagal nabakante sa paglabas sa telebisyon ang character actress na si Shyr Valdez.

Sa ngayon ay kasali siya sa cast ng Pahiram Ng Isang Ina, ang bagong afternoon soap opera ng GMA-7.

"Ah before this, [yung] regular [ko] Asero, that was I think, in 2008.

"In between may mga guestings ako, like sa Ilumina," ang kwento ni Shyr sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Regular cast siya sa Pahiram Ng Isang Ina; salbahe ang kanyang karakter bilang si Veron.

"Sobra! Ang pahihirapan ko dito si Bea Binene. Yung dalawang bata, si Berna [played by] Bea and then si Andoy, [played by] Martin delos Santos, yung magkapatid."

May apat na anak siya sa tunay na buhay; hindi ba mahirap para kay Shyr na mang-api ng mga bata?

"It is difficult kasi nung ano, for example, sabi nga ni direk Joel [Lamangan]... kasi galing ako sa mabait na role sa Asero, mabait ako, so medyo mahirap, kasi may anak ako and hindi kasi ako nananakit ng bata.

"So nag-usap na lang kami nina Bea... si Andoy hindi ko masyadong sinasaktan kasi maliit. May scene nga kami I had to hit him, napilayan ako kasi dinadaya ko na sa damit niya mapunta ang tama ng kamay ko. Pero kailangang mag-jerk yung bata.

"Napilayan talaga ako kasi nakakaawa yung bata, because kailangang totohanin, in a way, ha.

"Sinasaktan ko sila both physically and verbally."

Ilang beses na niyang nasampal si Bea sa taping nila?

"Marami na! Meron kaming isang taping na meron kaming dalawang matinding bugbugan scene."

Hindi ba nag-aalala si Shyr na baka magalit sa kanya ang mga fans ni Bea?

"Actually in a way, siyempre nag-aalala ako kasi ang daming fans nung bata, e.

"Makikita mo sa FaceBook, sa Twitter, ang dami niyang followers talaga so sabi ko... alam mo bini-brace ko na ang sarili ko, kung mumurahin saka sasampalin ako ng mga fans ni Bea kapag nakita nila ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero role lang po ito, hindi po ito totoo, hinihingi lang ng pagkakataon, ng trabaho namin as an actor, so kailangang gawin yung trabaho," ang tila pakiusap pa ni Shyr sa mga fans ni Bea.

"And Bea is very, very professional. Nakakatuwa yung bata.

"Yung una naming scene, masakit na yung mga pananakit ko sa kanya. Pero sa pangalawa sabi niya sa akin, ’Tita mas damihan mo pa yung pananakit mo sa akin kasi dun ako humuhugot.’

"Kasi she’s only 13 years old so basically, wala namang masamang experience itong bata, di ba?

"So sabi niya sa akin, ’Tita yung sakit natin damihan mo pa, ha? Dagdagan mo pa nang konti!’

"Sabi ko, ’Anak okay ka lang?’ Sabi niya, ’Hindi Tita, dun ako humuhugot ng acting.’ So magaling, magaling na artista yung bata, sobrang galing!"

In between her acting projects, ano ang ginagawa ni Shyr?

"Merong negosyo, siyempre hindi naman tayo pupuwedeng huminto lang sa pag-aartista kasi minsan meron, minsan wala, and life continues.

"Nasa food business ako.

"Ano siya, packed lunch para sa offices sa Makati and The Fort, so we deliver there."

Cecille’s Kitchen ang pangalan ng business ni Shyr.

"Derived siya from my real name," sinabi pa ng aktres.

Bukod sa pag-arte, isa ring singer si Shyr. Kumusta na ang singing career niya?

"Okay naman! Every now and then we have shows. Kasi we have a group, yung Babae, so pag may mga out-of-town shows or may mga corporate events, dire-diretso pa rin siya.

"Babae is composed of Lovely Rivero, Jenn Umali at tsaka ako."

Walang kontrata si Shyr sa GMA-7, per show lamang, at ang nagha-handle ng career niya ngayon ay ang Icon, na pag-aari ni Bebong Muñoz na ex-boyfriend ni Jolina Magdangal.

Ang iba pang talents ng Icon ay sina Bianca King at si Bea Binene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN