Angeline Quinto on being dubbed the next Superstar by Regine Velasquez: "Female Pop Superstar ang dapat sasabihin niya."

After the success of her first solo concert at the Skydome at SM City North Edsa, sa Araneta Coliseum na kaya ang susunod na concert ni Angeline Quinto?

"Pagkatapos ng Skydome, pinaplano nila na magkaroon ng repeat yung concert ko. Sana matuloy," Angeline says, adding: "Pangarap ko rin na magkaroon ng concert sa Araneta, pero hindi minamadali yun."


Sa patuloy na pagkukumpara sa kanila ni Sarah Geronimo, samu’t-saring mga intriga at usap-usapan ang kumakalat patungkol kay Angeline Quinto.

Kumakailan nga ay lumabas ang balita na namimili na raw ng mga kakantahin niyang piyesa si Angeline kung saan ang gusto raw nito ay bibirit siya nang husto para umangat sa mga kapanabayan niyang singers sa ASAP Rocks.

Nasulat din na hindi raw pumayag ang kampo ng Star Power grand champion na hindi magkasinglaki ang kuha nila ni Sarah sa billboard ng Belo kung saan pareho silang kinuhang endorser ng nasabing beauty clinic.

Kabi-kabilang mga issues na agad namang klinaro at binigyang linaw ni Angeline nang maka-usap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ASAP Rocks last Sunday.

"Tungkol po dun sa namimili daw ako ng kanta, hindi totoo na namimili ako. Unang-una, ang ASAP ang namimili ng kanta para sa mga singers nila, kahit sa mga dancers na nandito.

"Kung tutuusin nga, may mga kantang ibinibigay sa akin na sobrang taas na pinapakiusapan ko na baka puwedeng pababain kasi di ko kaya.

"Hindi naman lahat ng kanta ay matataas. Sinusubukan ko ring kumanta ngayon na medyo mabilis para hindi sabihin ng lahat na puro matataas na lang ang kinakanta ko," ang sabi ni Angeline.

"Regarding sa billboard, hindi rin totoo ’yan. Sumasama lang ako lagi sa pictorials nila pero wala akong sinasabi na ayokong hindi kami pantay ni Sarah.

"Hindi naman talaga kami pantay, kasi Sarah Geronimo ’yan. Hindi ko pinipilit ang sarili ko na pumantay sa kanya, yun ang gusto kong sabihin sa tao.

"Star Magic ang nagbigay sa akin na maging endorser ng Belo kaya di ko alam ang desisyon nila. Ano naman ang karapatan ko na sabihing ’Ayoko, di kami pantay ni Sarah,’ baka binatukan ako ni Mr. M."

May kuwento ring lumabas na si Angeline daw ang pinu-push ngayon ng ABS-CBN dahil sa bali-balita daw na lilipat ng ibang istasyon ang Pop Princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman siguro lilipat si Sarah kasi alam ko naman na masaya talaga siya sa ABS. Alam ko at nakikita ko naman na nag-e-enjoy siya sa trabaho niya.

"Kaya hindi ko nga alam kung saan galing ’yang balita na ’yan—na ako ang pinu-push ngayon ng ABS. Kumbaga, binibigyan lang talaga ako ng magandang trabaho dito."

Naging issue before ang nabitawang salita ni Sarah na iniiwasan niya munang makasama sa isang production number si Angeline dahil ayaw niya yung pakiramdam na pinagsasabong silang dalawa.

After a month’s vacation, voice and singing lessons in the States, nakitang magkasama sa isang production ang dalawa kung saan nagpahayag din si Sarah na kahit sa concert ay willing na siyang makasama si Angeline. Bagay na sinang-ayunan naman ng Star Power champion.

NO MORE SHOWDOWNS. "Oo naman, kasi bata pa lang ako nakasama ko na si Sarah kaya okay naman po sa akin talaga. Kaya lang, napag-usapan naman namin ni Sarah na okay na hindi na kami magsho-showdown sa ASAP kasi ang dami ngang fans na nagkakagulo.

"Isa nga din yung mga intriga na di maiiwasan pero wala namang sabong. Di naman kami manok. Pero natutuwa ako na nagkakasama na kami sa prod ngayon sa ASAP."

Katulad ni Sarah, nalulungkot din si Angeline sa di mamatay-matay na pagkukumpara sa kanila. Nagsalita na nga ang singer/actress na sanay na siya maikumpara sa lahat ng mga kapwa niya singers dahil ginagawa na ito before pa kahit pa nga sa mga kasamahan niya sa Star Power.

"Nakakalungkot naman kasi talaga, alam naman ng mga tao na magkaibigan kami ni Sarah pero hindi pa rin tintigilan ang ganyang mga intriga, yung iba hindi nila naiintindihan yung nangyayari sa amin. Pagkatapos ng Star Power, ’yan na ang laging tanong sa akin kahit sa ibang lugar, kahit hindi sa ABS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang natutuwa nga lang ako kasi sobrang mabait talaga si Sarah. Kahit ang daming nagre-react sa aming dalawa, yung pinagsasabong kaming dalawa, ganun pa rin siya. Si Sarah pa rin siya na kilala ko nung bata pa ako."

THE NEXT SUPERSTAR? Iba’t-ibang reaksyon din ang lumabas sa nabitawang salita ni Ms. Regine Velasquez sa nakaraang concert ni Angeline na ang baguhang singer na ang susunod na Superstar. Klinaro naman ito ni Angeline.

"Ang dami ngang nakarating sa akin tungkol diyan. Ang lagi ko ngang sinasabi, wala namang puwedeng pumalit sa nag-iisa nating Superstar na si Ms. Nora Aunor.

"Kaya nga nilinaw ko na hindi sa akin nanggaling yung Superstar na ’yan. Female Pop Superstar ang dapat sasabihin niya [Regine Velasquez]. Siguro sa excitement namin ni Ms. Regine, nasabi niya ay Superstar na lang."

After the success of her first solo concert at the Skydome at SM City North Edsa, marami agad ang nagtatanong kung sa Araneta Coliseum na raw kaya ang susunod na concert ni Angeline.

"Nagpapasalamat ako sa lahat, sa Diyos at sa lahat ng mga tao na sumuporta sa nakaraang concert ko. Araneta? Hindi naman.

"Pagkatapos ng Skydome, pinaplano nila na magkaroon ng repeat yung concert ko. Sana matuloy. Pinagdarasal ko na matuloy talaga. Kaya lang medyo busy, kaya hindi ko alam kung paano ipapasok sa schedule ko."

"Gusto kong mag-concert sa Araneta pero hindi pa siguro ngayon. Darating naman yung panahon. Pangarap ko rin na magkaroon ng concert sa Araneta pero hindi minamadali yun. Ayokong madaliin [ang] lahat."

Aminado si Angeline na marami talaga ang nabago sa kanya after winning Star Power at ngayong gumagawa na siya ng pangalan sa music industry.

"Marami. Siyempre unang-una na yung oras ko din sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko. Kasi dati, madalas kong kasama ang mga kaibigan ko, pero ngayon di ko na sila nakakasama. Kahit yung Nanay ko, nagtatampo na nga rin sa akin. Pero kahit ganun, sobrang nag-e-enjoy naman ako sa lahat... Kasi ito naman ang pangarap ko dati pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HER CRUSH. Very open naman si Angeline na crush niya ang aktor na si Coco Martin.

"Kasi parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Si Coco tahimik na tao. Nung makasama ko siyang mag-mall tour, mas lalong nadagdagan yung paghanga ko sa kanya kasi madasalin siya."

Totoo bang crush din niya si Erik Santos?

"Hindi totoo yung kay Erik. Nakasama ko na si Kuya Erik sa Star Power. Saka brother ang tawag ko kanya. Alam naman ni Kuya Erik yun. Saka trabaho talaga ang focus ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN