Andrea del Rosario recalls how her baby survived a rare congenital disorder

Kung titingnan mo ay parang hindi dumaan sa matinding operasyon at nag-fifty-fifty si Bea, ang baby ni Andrea del Rosario. Masayahin ang bata kaya naman naiiyak si Andrea kapag nakikita niya ang kanyang anak na nakangiti at walang sign na nagkasakit ito.

Kinuwento ng former member ng Viva Hot Babes na ang anak niya ay ipinanganak na may Jejunal Atresia. Ang mga sanggol na may sakit na ito ay pinapanganak na may complete absence or closure ng


Dumating sa Pilipinas ang dating sexy actress at former member ng Viva Hot Babes na si Andrea del Rosario noong August 1.

Kasama niya ang kanyang one-year-old daughter na si Beatrice Anne na ipinanganak sa Chicago, Illinois.

Ilang buwan lang daw sila rito sa bansa at kailangan din nilang bumalik sa Amerika dahil na rin sa kalagayan ng kanyang anak. Pero kahit wala pang isang linggo sa Pilipinas si Andrea ay nakapag-taping na siya para sa isang drama series.

Ikinuwento ni Andrea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na muntik nang hindi mabuhay ang baby niya dahil sa kumplikasyon na pinagdaanan niya noong pinagbubuntis pa lang niya ito.

Ipinanganak ang kanyang baby girl na may "jejunal atresia."

JEJUNAL ATRESIA. Ayon sa website na www.mombaby.org, ang "jejunal atresia" ay isang congenital condition. Ang mga sanggol na may ganitong uri ng karamdaman ay ipinapanganak na may complete absence or closure ng isang part ng small intestine.

Ayon kay Andrea, nasa fifth month pa lang siya ng pagbubuntis sa kanyang baby nang ma-detect sa 4-D ultrasound na may gano’ng problema ang kanyang dinadalang baby.

"Una pa ngang nagsabi sa akin na may problema ay yung technician ng 4-D ultrasound. May na-detect siya na hindi tama sa baby ko.

"So, nagpatingin ako agad sa doctor ko. Nakita nga na twisted ang intestine ng baby ko.

"They were supposed to open me up. Gusto nila na ilabas ko na siya, pero nagdesisyon ako na hintayin na lang at baka mag-develop pa.

"Ang gusto ko lang talaga ay matapos ko ang term ng pregnancy ko at hopefully, maayos ang lahat.

"Pero hindi pala gano’n kasimple ang lahat," lahad ni Andrea.

Sinabihan na raw siya ng kanyang doktor na may chance na hindi mabuhay ang batang dinadala niya. Pero ipinagdasal ni Andrea ang kanyang baby dahil ayaw niyang mamatayan ulit ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Before dumating si Bea [nickname ng kanyang anak], I had an ectopic pregnancy. Two months pa lang ako noon nang malaman na gano’n pala.

"Iniyakan ko iyon because first baby ko. Kaya ayokong mawala ulit ito.

"Sinabi kasi ng doctor ko na baka mahirapan akong magbuntis after ng ectopic pregnancy.

"It was a miracle na nabuntis ulit ako, kaya I really prayed na mailuwal ko siya nang maayos," sabi niya.

Kapapanganak pa lang ni Andrea noong May 2010 nang sabihan siyang kailangan na nilang operahan ang baby niya.

"After maipanganak si Bea, hindi ko siya agad nakita. Dinala na nila agad sa intensive care kasi inaabangan na siya ng mga doctor talaga. Gagawin nila ang lahat para mabuhay siya.

"Hinintay ko yung baby ko. Noong makita ko siya, iyak ako nang iyak. Kasi alam kong risk ito for me at sa kanya.

"But all I wanted was for her to live. Noong ika-second day pa lang niya, the doctor said na kailangan na siyang operahan."

ONE-WEEK OLD AND FIVE SURGERIES. Patuloy ni Andrea, "Hindi lang isang operasyon. Limang beses siyang na-surgery.

"You can just imagine kung ano ang hitsura ng baby ko. Wala pa siyang one-week old pero ang dami na niyang mga nakakabit na tubes, wires, at kung anu-ano para lang mabuhay siya.

"Noong makita ko siya, hindi ko na kayang umiyak pa. As in tulala ako sa nangyayari. We were in a foreign land, parang ang hirap-hirap.

"Hindi ko alam ang mga susunod kong gagawin. I was in the hospital almost every day for four months at nagbabantay.

"I was always praying for her to survive."

Dahil sa pinagdaanang ordeal ni Andrea, hindi na niya magawang maibalita sa mga kaibigan niya na nakapanganak na siya.

"Wala nga akong nasasagot na mga messages from my friends kasi nga gulung-gulo ang utak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I couldn’t believe that this was happening to me and my baby.

"Marami ang nagalit sa akin kasi bakit hindi ko raw sinasabi na nanganak na ako? Nalaman pa raw nila sa ibang tao.

"Ang sa akin naman, paano ko mase-share ang happiness na iyon kung nakikita ko ang baby ko na two days old pa lang ay may breathing tube na nakakabit sa katawan?

"Hindi ko alam if she would make it that time. Na baka pag-uwi ko sa Pilipinas, mag-isa lang ako.

"Yun ang mga nasa isip ko that time kaya totally wala akong communication sa ibang tao except for my family.

"Sana naintindihan nila yung situation ko," mangiyak-ngiyak na pahayag ni Andrea.

Pero kahit gano’n ang kalagayan ng kanyang anak, umiral pa rin ang pagiging ina ni Andrea.

Ginawa niya ang lahat para maramdaman ng kanyang baby ang kanyang pagmamahal.

"Nakakarga ko naman siya, pero kailangan careful ako kasi ang dami ngang nakakabit sa kanya.

"Talagang na-overwhelm ako sa mga machines na nakakonekta sa kanya para lang mabuhay siya.

"For a first-time mom, gusto kong i-absorb lahat. Ayokong dumating sa point na maaawa na lang ako sa baby ko.

"I have to do something to make her feel na nandoon ako sa tabi niya."

LIKE SPAGHETTI. Kuwento pa ni Andrea, "Sinabihan naman ako ng doctor na puwede ko siyang kargahin para ma-feel niya ang warmth ko.

"Can you just imagine, bumubuhat ka ng baby na maraming nakakabit na tubes and cords?

"Parang ngang spaghetti ang binubuhat namin ng ama niya dahil sa mga nakakabit sa kanya.

"Pero kahit na mahirap gawin, ginawa namin dahil kailangan kami ng baby namin.

"Gabi-gabi, pinagdarasal ko na mabuhay siya. Walang kasiguraduhan na she will be better after all the operations.

"My doctor was honest with me that my baby might not survive. But I did not lose hope.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My baby will live at magiging healthy baby siya."

Nasa tabi ni Andrea ang ama ng kanyang baby. Every month ay lilipad ito from Manila to Chicago para lang matulungan siya sa mga pangangailangan nila.

"It was a big challenge para sa amin as parents. Wala na sigurong makakatalo sa pinagdaanan namin. Halos sa hospital na kami nakatira.

"Minsan ako lang naiiwan sa hospital kasi may kailangan din niyang bumalik ng Manila dahil sa trabaho niya.

"I was calling my family and my other friends parati. Umiiyak ako sa phone. They gave me all the prayers that my baby needed.

"But every day there was always good news. Nakikita ko ang improvement sa baby ko.

"She was growing na at maayos na ang kulay niya. She’s responding sa mga medications.

"Unti-unti nagiging maayos ang lahat," ngiti niya.

Naisip na raw minsan ni Andrea na sana ay ang buhay na lang niya ang kunin para maiduktong sa buhay ng anak niya.

"So that she will live longer. Kahit na sinong ina ay gagawin ang sakripisyong ’yon.

"Pero naisip ko rin na kung mawala ako, sino ang mag-aalaga sa baby ko? Mamahalin ba siya tulad ng pagmamahal ko kapag napunta siya sa ibang tao?

"Kaya mabilis kong in-erase sa isipan ko ’yon. I want to see my baby grow up.

"My baby will survive all this."

SURVIVOR BABY. After almost one year, nailabas din ni Andrea ang kanyang baby sa hospital at malusog na malusog ito. Nagkaroon naman ng "short gut" syndrome ang kanyang baby.

"Yung tinanggal kasi na intestine kay Bea was too long. Kaya may dalawang machines siyang inuwi ko sa bahay.

"One is a feeding tube na nakakabit sa tiyan niya. It’s called a G-Tube.

"Nakakabit yung tube sa isang pump that gives her the nutrients she needs every day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi kasi puwedeng biglaan ang pag-inom niya ng milk. Kailangan patak-patak lang kaya may tube na nakakabit sa kanya.

"Nakakain naman ang baby ko ng mga gusto niya. Normal naman ang lahat except nga lang sa tube na nakakabit sa kanya.

"Akala ko nga magiging uncomfortable si Bea sa tube na nakakabit sa kanya. Pero mabilis siyang nasanay. Hindi naman niya hinahawakan.

"May na-train na nga akong yaya kung paano i-operate yung G-Tube, lalo na kapag wala ako at nagtatrabaho."

Kung titingnan mo ay parang hindi dumaan sa matinding operasyon at nag-fifty-fifty ang buhay ng baby niya.

Masayahin ang bata kaya naman naiiyak si Andrea kapag nakikita niya ang kanyang baby na nakangiti at walang sign na nagkasakit ito.

"Tears of joy na ang lumalabas sa mga mata ko. I could not believe what we went through.

"And to see my baby laughing and smiling, it drives me to tears parati.

DARKEST MOMENT. "Kahit na i-times ten mo pa yung hirap na pinagdaanan ko sa pag-aalaga ko sa kanya, sabi ko, ’Bring it on, God,’ as long as I can see her smile every day like this, nakakalimutan ko na mag-isa lang ako dun.

"Nag-pause yung career ko, okay lang because I’m a mother.

"Seeing my child happy at parang walang sakit, makes me want to thank God even more.

"My baby survived and I survived sa masasabi kong darkest moment of our life.

"God is good at binuhay niya ang baby ko. Heto at parang walang naging sakit.

"Ang bilis pa nga niyang maglakad ngayon. Natuwa nga ako when she turned one-year old last May.

"Kaya sa pinagdaanan kong ito, it also makes me appreciate my mother. Nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng mom ko before I left for the States noong buntis ako.

"Now I know how it is to be a mother at ang isang ina ay gagawin ang lahat para sa kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya to my mom and all the moms in the world, kaya natin ito!" ngiti pa niya.

At noong mabigyan ng clearance si Andrea ng mga doctor na puwede nang mag-travel ang kanyang baby, mabilis niyang inayos ang bakasyon nila sa Pilipinas.

"I want my family and relatives to see my baby and how strong she is. She is a survivor," pagtatapos ni Andrea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN