Jennylyn Mercado is new co-host of reality talent search Protégé; ex-boyfriend Dennis Trillo says he has moved on

"Excited ako kasi di ba, reality show. Parang lalo na I heard, meron daw silang bahay, Protégé house, so nakakatuwa lang na nakikita mo yung mga tao di ba, na on the spot, ’Ano bang ginagawa nila?’ ganyan. Very interesting," says Jennylyn Mercado (above) in a taped interview August 13 on Startalk TX.


Hindi akalain ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado na magkakaroon ito ng break bilang TV host.

From Party Pilipinas to Showbiz Central, magiging isa na rin ito sa mga hosts sa pinakabagong reality-talent search ng GMA, ang Protégé.

"So kailangan kong pag-aralan kung ano yung klase ng attack na gagawin ko pag nasa stage or pag nasa, di ba, while hosting.

"Excited ako kasi di ba, reality show. Parang lalo na I heard, meron daw silang bahay, Protégé house, so nakakatuwa lang na nakikita mo yung mga tao di ba, na on the spot, ’Ano bang ginagawa nila?’ ganyan. Very interesting," pahayag ni Jennylyn sa taped interview sa kanya ng Startalk TX kahapon, August 13.

Ayon kay Jennylyn, humihingi ito ng tips sa Showbiz Central host na si Pia Guanio.

"Yeah, minsan humihingi ako ng... ’Ano bang gagawin ko pag wala akong masabi? Ano bang kailangan kong sabihin?’

"Siyempre hindi naman talaga ako host, di ba? I think this is a new world for me.

"First time akong sasabak sa ganitong klase ng hosting job, yung medyo serious, kasi sa Showbiz Central di ba medyo tsika-tsika? Ito parang medyo serious na yung hosting na ito."

Samantala, ang ex-boyfriend ni Jennylyn na si Dennis Trillo, abala naman sa pelikulang My Neighbor’s Wife ng Regal Films.

Kung si Dennis ang tatanungin, handa na ba itong muling makatrabaho ang kapwa Regal baby at Kapusong si Jennylyn?

"Ready akong makita siya. Makatrabaho? Hindi ko pa alam kasi marami rin akong mga ginagawa pa ngayon.

"Ako, nakapag-move on na ako, matagal na, e. So lahat ng mga nangyari dati, kinalimutan ko na. Wala na yun, wala na yun.

"Wala na rin akong magagawa kung... hindi na rin makakatulong kung magngingitngit pa ako sa galit or magtatago pa ako sa loob ng puso ko ng mga galit-galit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So para makatrabaho ako nang maayos, kailangang alisin yun at matagal ko nang nagawa yun" sinabi naman ni Dennis in a separate taped interview sa kanya ng Startalk TX.

Kung nakapag-move on na si Dennis, nangangahulugan bang handa na rin itong pumasok sa isang bagong relasyon?

"Hindi naman talaga ako naghahanap ngayon. Ang dami talaga diyan, sobrang dami, pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil nga siyempre magpapakabait muna ako, gusto kong ayusin muna ang trabaho ko."

Hindi ba siya mabait?

"Hindi, mabait naman, mabait naman," ang natatawa nitong sinabi.

"Ibig kong sabihin para lang iwas ulit sa kontrobersiya, gusto kong tahimik lang, iyon ang ibig kong sabihin ng pagpapakabait."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN