Kim Chiu explains why she cried when interviewed about past relationship with Gerald Anderson

"Kung anuman yung dati, parang nakalimutan na namin yun. Bagong magkaibigan ulit kami," says Kim Chiu about her past relationship with Gerald Anderson.


Kim Chiu has three leading men in her new primetime series on ABS-CBN, My Binondo Girl—si Xian Lim na may lahing Chinese, Matteo Guidicelli na may dugong Italian, and Jolo Revilla na Pinoy.

According to her leading men, the first Pinoy Big Brother Teen Edition big winner can be one of the boys.

Hindi dahil may pusong lalaki siya, but Kim is "down-to-earth, simple, at madaling makisama" kahit sa boys. Wala rin daw kiyeme ang dalaga at puwedeng sumabay kahit sa green jokes.

Sabi naman ni Kim, "Actually, parang matagal ko na rin silang kasama, e. Hindi na rin sila nahihiya. Buddy-buddies [kami].

"Sabi nga ni Jolo, parang one of the boys [ako].

"Oo, nakikisali ako sa kuwentuhan nila. Sa mga tsikahan nila.

"Kahit na panlalaki yung pinagkukuwentuhan nila [sumasali ako]. So masaya. Masaya kami."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa presscon ng My Binondo Girl kaninang tanghali, August 16, sa Golden Bay restaurant sa Macapagal Ave., Pasay City.

In My Binondo Girl, Kim has to disguise herself as a guy. Paano yun?

"Lahat sila [leading men ko], tinitingnan ko sila pa’no sila kumilos, pa’no sila umupo and kung pa’no sila kumain.

"And yun, mabait naman yung mga kasamahan ko kaya okey naman kami."

MATTEO GUIDICELLI. Ayon kay Kim, pinaka-close daw siya kay Matteo dahil pareho silang galing South at parehong marunong mag-Bisaya.

"Oo. Lagi kaming lumalabas-labas kapag wala kaming work.

"Yun, magkakabarkada. Magkakasama kami. Yun," sabi niya.

Baka magselos si Maja Salvador, na nali-link kay Matteo?

"Magkasama kami," sabi ni Kim, na ang ibig sabihin ay kasama rin si Maja pag lumalabas sila ni Matteo.

"Magkasama kami. Oo. Yun."

Kung sina Matteo at Maja ang magka-date pag lumalabas sila, sino naman ang ka-date niya?

"Ako lang!" tawa lang ni Kim.

Dahil close sila ni Matteo, nagku-confide ba ang binata about love sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi. Kasi wala naman siyang matututunan sa akin," bungisngis lang niya.

"Wala, biruan lang kami ni Matteo. Katuwaan lang sa amin ni Matteo and walang love advice."

JOLO & XIAN. Si Jolo ay matinik daw sa leading ladies. Naramdaman na ba niya ito sa treatment sa kanya ng anak ni Senator Bong Revilla?

"Nakakatakot [pala] si Jolo!" biro niya sabay tawa.

"Hindi naman. Mabait lang talaga siya. And galante. Yun lang."

As in nagreregalo na sa kanya?

"No. Mga food lang talaga," ang ibinibigay raw ni Jolo.

SI Xian Lim, kumusta sila ng kapwa may lahing Chinese?

"Si Xian, techie kasi siya, e. So, ang dami niyang tinuturo sa ’kin.

"Maglagay ng mga music sa phone ko and mga kain. ’Kain tayo ganito. Lika. Kain tayo ng ganito, ng ganyan.’

"Kain lang kami nang kain pag kasama ko siya.

"Ewan ko, mahilig lang ba siyang kumain, o mabilis siyang magutom?"

NEW LEADING MEN? Mukhang maganda ang nangyayari ngayon sa career ni Kim.

Last Saturday, August 13, ay ipinalabas ang Maalaala Mo Kaya episode nila ni Edgar Allan Guzman kung saan marami ang pumuri sa kanilang ipinakitang galing sa pag-arte.

Gumanap sila bilang nursing students sa naturang episode.

"Talaga? Salamat sa lahat ng nanood. Salamat sa lahat ng sumuporta ng MMK namin," sambit ni Kim.

Nagkausap, o nag-text-an ba sila ni Edgar Allan about their episode at napag-usapan na okey at marami ang pumuri sa performance nila?

"Hindi po. Hindi naman talaga kami magkakilala. No’n lang ng mga araw na yun [ng taping nagkakilala]," sabi niya.

Hindi ba siya nahirapan dahil hindi sila halos magkakilala ni Edgar Allan, pero they had to portray roles na may feelings sila sa isa’t isa?

"Medyo mahirap na hindi kami nag-uusap. Hindi kami magkakilala and sa eksena lang kami nagkikita," pag-amin niya.

GERALD AGAIN? Napaiyak si Kim last Sunday, August 14, sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz. Pinag-usapan doon kung paano siya nag-move on sa hiwalayan nila ng dating ka-loveteam at sinasabing naging malapit sa puso niya na si Gerald Anderson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, nga. Yung sad music kasi...

"Kasi, yung mga tanong, hindi yun yung alam kong mga tanong.

"Mayro’n na silang mga tanong na binigay sa ’kin and confident na ako sa mga sagot ko. Pero biglang nag-iba.

"Tapos sinundan pa ng mga sad music. Tapos tinititigan pa ako ni Tito Boy.

"Parang, ’Ano ba, ang tagal-tagal na nito? Parang bumabalik tayo ulit do’n?’ Pero okay naman.

"Nadala lang ako sa tugtog, sa tanong, ’tsaka sincerity ni Tito Boy," paliwanag ni Kim.

May nagtanong naman kung ano ang reaksiyon niya sa sinabi raw ni Gerald na mahal pa raw siya nito.

"Hindi naman niya sinabi yun... Nahihiya ako. Hindi ko po alam yung sasabihin ko!" tawa ng dalaga.

"Di ko alam. Wala. Eto lang. Hihihi."

Tawa ba yun ng kinikilig, or what?

"Basta kami ni Gerald, ano kami, super good friends kami ngayon. Wala kaming problem, or kung ano man.

"Kung anuman yung dati, parang nakalimutan na namin yun. Bagong magkaibigan ulit kami."

Move on na nga ba talaga dahil past na si Gerald Anderson at ang present ay si Sam Milby?

"Ano ba? Ano ba, hindi! Hindi. Nakakahiya tuloy!" pag-iwas niyang natatawa.

PAULO AVELINO. Ang bagong lipat naman mula sa GMA-7 na Paulo Avelino ay nagsabing gusto siyang makapareha sakaling magkaroon na siya ng project sa ABS-CBN.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"A, di ko pa siya nakikita sa compound ng ABS[CBN].

"Salamat. Salamat dahil in-acknowledge niya ako and gusto niya akong makatrabaho. Hopefully, soon. ’Yan."

HOW’S SIMON? Kumusta na sila ni Simon Atkins ngayon? May development na ba?

"Friends naman kami. And nabalitaan ko no’ng ano siya, naospital dahil na-injury nga. Yun lang."

Paano niya nalaman? Dahil ba sa fans, or nag-text ang basketball player sa kanya?

"Dahil sa fans and... Basta. Yun na yun!" tawa ni Kim, sabay kuha sa kanya ng isang production staff para sa group picture ng cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN