April Boy Regino admits being diagnosed with prostate cancer, but says he is now healed

"Pangarap niya [son JC], di ba, maging singer? Kaya sabi ko, ’Bago ako mamatay, palagay ko uwi muna tayo sa Pilipinas para matupad yung pangarap mong maging singer ka,’" relates April Boy Regino about his decision to return to the country despite being diagnosed with prostate cancer.


Inamin ng singer-songwriter na si April Boy Regino na nagkaroon siya ng prostate cancer.

Sa eksklusibong panayam ni Lhar Santiago para sa "Chika Minute" ng 24 Oras na ipinalabas kagabi, Agosto 16, sinabi niya na natuklasan niya ang sakit noong 2009 noong naninirahan pa sila sa U.S.

Kuwento ni April Boy, "Una, sinabi ng doctor na lalaki, sabi niya, ’Prostate cancer ’yan.’ ’Tapos, siyempre cancer, e. Sabi ko, ’Paano kaya iyon?’"

Lubos umanong nabahala ang pamilya ng singer nang malaman ang kanyang karamdaman.

Sa hiwalay na panayam sa anak ni April na si JC, sinabi nitong, "’Yong mommy ko, kapatid ko, umiiyak kami dahil nga si Daddy, hindi naman namin expected na magkakaroon ng prostate cancer.

"Pero pagkatapos no’n, lagi na akong nalulungkot, dasal nang dasal kung ano man... Sana bigyan ng miracle ni God na gumaling si Dad."

Dahil sa kanyang natuklasang karamdaman, sumasagi na rin sa isip ni April Boy paminsan-minsan na hindi na rin siya magtatagal.

"Parang ano na ’ko no’n, hindi na ako makakain," sabi niya.

"Iniisip ko parang torture sa ’yo, e.

"Siguro sabi ko, hanggang ilan taon na lang, mga hanggang 50 ano, hanggang doon lang ang buhay ko, mamamatay na ako."

Gayunman, hindi naman daw tumitigil sina JC sa pagpapalakas ng loob ng kanilang ama.

Ani JC, "Sinasabi lang namin lagi kay Dad na laging may pag-asa pa."

FULFILLING HIS SON’S DREAM. Sa kabila ng kanyang karamdaman, nagdesisyon pa rin si April Boy at ang kanyang pamilya na bumalik sa bansa.

Ito ay upang mabigyang katuparan ang pangarap ni JC na maging mang-aawit.

Sa katunayan, nakapag-record pa ang mag-ama ng isang music album na may titulong Idolstar nang walang nakakaalam tungkol sa kanyang sakit.

"Pangarap niya, di ba, maging singer?" sabi ni April Boy.

"Kaya sabi ko, ’Bago ako mamatay, palagay ko uwi muna tayo sa Pilipinas para matupad yung pangarap mong maging singer ka.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat hindi pa siya muling nagpapatingin sa doktor, naniniwala si April Boy na controlled na ang kanyang prostate cancer.

Pinagaling umano siya ng isang herbal medicine na gawa sa barley.

"Gumaling na ako!" sambit niya.

"At saka dati, ano... Kapag may prostate cancer ka, wala na, parang impotent ka na.

"Ngayon, okay na naman!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN