Direk Mario O’Hara to start Nora Aunor’s TV5 mini-series this August 22

"Maganda ang role ni Guy. Oo, very powerful ang character. Political drama kasi ito, e, " says Direk Mario O’Hara regarding Nora Aunor’s character in the mini-series.


Award-winning filmmaker, writer, and actor Mario O’Hara is all set to direct Sa Ngalan ng Ina, the mini-series for TV5 that will feature Superstar Nora Aunor.

Muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Mario matapos ang story conference ng Sa Ngalan ng Ina kahapon, August 16, sa Max’s Restaurant.

"Sa August 22 na ang start ng taping namin," masayang banggit ni Direk Mario.

"Bukas [August 17] kami maglo-location hunting. Sana may makita kaming lugar na puwedeng dun na lahat kunan ang mga eksena... [within] 20 days na magte-taping kami."

Dumalo sa naturang story conference si Nora and her former husband Christopher de Leon, at ang kanilang anak na si Ian de Leon.

Naroon din sina Bembol Roco, Rosanna Roces, at ang young actress na si Nadine Samonte.

A few days before, PEP asked Direk Mario to confirm the final cast of the mini-series. It was already mentioned that Nora would have Boyet, Rosanna, and Eugene Domingo, among other major co-actors.

Direk Mario said the political drama would also include actor-TV host Ryan Agoncillo as one of Nora Aunor’s henchmen. But it wasn’t confirmed as yet.

During the storycon, it was final. Ian has replaced Ryan for the said role.

"May ibang commitment si Ryan," ayon naman sa isa sa mga supervising producer ng project na si Joanne Cabalda-Bañaga.

"Maganda ang role ng henchman," pagtukoy rin ni Direk Mario.

"Siya kasi ang susi sa mga krimen na gawa ng kalabang partido. Yung mga magiging kaaway ni Nora, who’ll play the role of the provincial governor.

"Maganda ang role ni Guy. Oo, very powerful ang character. Political drama kasi ito, e."

Bukod kay Mario, magsisilbing assistant director si Jerry O’Hara with Jon Red (second unit director), Elmer Gatchalian (creative consultant), and a team of writers composed of Jerry Gracio, Pam Miras, and Benedict Migue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REUNIONS. Bukod sa mag-anak na Nora, Boyet, at Ian, ang Sa Ngalan ng Ina ay isa ring "reunion" para sa tatlong pangunahing artista ng maituturing na obra maestra ni Mario O’Hara.

Ito ay ang klasikong Tatlong Taong Walang Diyos (1976) na nagtampok kina Nora, Christopher, at Bembol.

"Sa casting, ni-request ko talaga na mapasali si Bembol para buo ang [main] cast ng Tatlong Taong..." banggit din ni Direk Mario sa PEP.

"Mabuti naman at nakuha namin siya. Si Bembol ang gaganap sa papel ng unang asawa ni Nora.

"Siya yung na-assassinate kaya tumakbong gobernador si Nora.

"Si Boyet naman ang incumbent governor na tatalunin ni Nora sa eleksiyon.

"Tapos, si Osang [Rosanna] ang asawa ni Boyet na makakalaban ni Nora. Kontrabida ang role dito ni Osang."

Meanwhile, may magandang back story ang kuwento ng Sa Ngalan Ng Ina, involving Nora and Christopher, dahil may nakaraan silang hindi nagkaroon ng closure.

Hindi na lang muna gustong i-reveal ni Direk Mario ang tungkol sa nasabing back story para hindi ito maging spoiler.

"Basta, maganda ang subplot na ito na lalong magugustuhan ng mga babae at misis na mahilig manood ng mga teleserye," sabi niya.

Ang iba pang napabilang sa final cast ng Sa Ngalan ng Ina, ayon din kay Direk Mario, ay sina Alwyn Uytingco, Karel Marquez, at sina Eula Caballero at Edgar Allan Guzman, dalawa sa bagong contract stars ng TV5.

"Si Edgar Allan ang gaganap na bunsong anak ni Nora. Siya yung anak niya sa unang asawa [Bembol] na magpu-pulis," banggit pa ng direktor.

HIGHLY REGARDED. Ang August 16 story conference ang bale ikalawang pagkakataon na nagkita at nagkausap sina Direk Mario at Nora.

Nauna rito, nag-reunite ang dalawa noong August 5 sa opisina ng TV5 para sa unang informal story conference.

Marami na silang napagsamahang pelikula, simula noong 1976, pero ito ang unang pagkakataon na magkakatrabaho sila sa isang mini-series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dati nagkakatrabaho kami sa drama anthologies. Sa Makulay na Daigdig ni Nora," pagbabalik-tanaw rin ng direktor.

May panahon din nang nagdidirek pa si Mario ng episodes sa Lovingly Yours Helen sa GMA-7 (hosted by the late TV host-actress Helen Vela). Siya ang nagdirek ng kaisa-isang episode na nagtampok kay Nora. It was aired in October 1989.

"Mostly location ’yon. Matagal din akong nagdirek ng Lovingly..." sabi rin niya.

Sa pagbabalik sa bansa ni Nora matapos ang walong taong pamamalagi sa US, fitting comeback din ng actress-director tandem nila ni Mario ang mini-seryeng Sa Ngalan ng Ina.

"Masaya ako at excited. Sana lumabas na maganda dahil maraming manonood nito at mamumuna," matapat pang wika ng direktor.

About working anew with Bembol and Boyet, Direk Mario said, "Gusto ko talaga si Bembol na mapasali sa cast. Buti natupad dahil iba rin ang presence niya. May prestige."

Gano’n din ang isipan niya tungkol kay Boyet.

"Sabi ko nga sa kanya, ’Alam mo, kung buhay si Lino [Brocka], he would have been very proud [of you].’"

Mentor ni Boyet ang yumaong si Brocka, na ngayo’y isa nang Pambansang Alagad ng Sining (sa Pelikula).

As for Boyet, sabi naman ni Mario, "Hindi naman bumaba ang stature niya sa industriya, e.

"He’s still the much sought-after and highly-regarded actor in the industry.

"So, I’m happy to be working with him again in the drama mini-series."

Ang iba namang staff ng TV5, tulad ni Joanne Bañaga, tuwang-tuwa sa naging turnout ng storycon, especially sa pagsasamang muli nina Nora at Boyet with their only real son, Ian de Leon.

Pansin na pansin nila ang pagiging magiliw ng ex-couple sa isa’t isa. Indeed, just like the old days of the Nora-Boyet loveteam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN