Kapamilya young star Lauren Young denies dating Kapuso tween star Elmo Magalona

"Alam ko very defensive yung mga fans nila ni Julie Anne [San Jose] about their loveteam. Ayokong manghimasok sa loveteam nila. Ang sa ’kin lang, magkaibigan lang po kami and nothing else," says Lauren Young about Julie Anne-Elmo Magalona fans tweeting her hate messages.


Naging matagumpay ang remake ng drama series na Mula sa Puso na pinagbidahan nina Lauren Young, JM de Guzman, at Enrique Gil.

Sa pagtatapos ng teleserye noong Biyernes, August 12, sabay-sabay na pinanood sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound ng buong cast, crew, at staff ang ending nito, after which ay nagkaroon sila ng thanksgiving party.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lauren kung ano pakiramdam niya sa pagtatapos ng kanyang teleserye, na nagkaroon ng trending sa Twitter that day.

"Siyempre masaya. Kasi it means na hanggang ngayon sa pagtatapos namin, marami pa ring sumusuporta sa amin.

"Nakakatuwang lahat ng nakuha naming suporta mula sa kanilang lahat," sabi niya.

Ano ang nararamdaman niya habang pinapanood ang ending ng kanilang teleserye?

"Naiiyak ako," sagot niya.

"Nung pinapanood ko pa lang yung first gap, yung nagbi-breakdown si Paul. Dun naiiyak na ako.

"What more nung pinakita yung bloopers, dun na! Di ko na kinaya.

"Naalala ko lahat ng bonding namin. Lahat ng pinagsamahan namin.

"Kasi, parang naging pamilya ko na everyone na nasa Mula sa Puso.

"Wala nang ganun [taping] every Monday, Wednesday, at Friday.

"Masaya kasi sa set namin, kaya mami-miss ko yun."

KISSING JM. Ano ang most unforgetable scene para sa kanya sa last episode?

"Yung pagsabog ng bus at yung kissing scene namin ni JM," sagot niya.

"Yung pagsabog ng bus. Kasi, nung nagti-taping pa lang kami, todo preparasyon talaga, at inabot kami ng six in the morning.

"For that scene, inabot kami ng isang buong gabi lang hanggang six ng umaga.

"It’s a real bus. Tinanggal nila yung engine.

"Yun ang maganda sa Mula Sa Puso crew, e. They make sure na we are all safe.

"Yung pangalawang di ko malilimutan, yung kissing scene namin ni JM. Kasi, di ba, kaibigan ko lang siya, kaibigan ko lang si JM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang it’s awkward na hahalikan ko yung kaibigan ko.

"At the same time, ang dami-daming tao. ’Tsaka first onscreen kiss ko yun sa TV.

"Nag-usap naman kami ni JM bago namin gawin yung kissing scene. "

DATING ELMO? Nali-link si Lauren sa Kapuso tween star na si Elmo Magalona. Usap-usapan nga na sila na raw.

Saan at paano nagsimula ito?

"Hindi po kami ni Elmo Magalona. Close lang kami, pero hindi talaga kami," tanggi ng Kapamilya teen actress.

"Nag-meet kami sa isang shoot with Raymond Gutierrez.

"Before pa, alam ko nang magkaibigan si Megan [her sister] at si Maxene [Elmo’s sister].

"May mga common friends po kami from the fashion industry.

"Hindi rin naman po maiiwasan na magkikita kami ni Elmo.

"Kasi, pag nagkikita-kita kami, kami lang po ang magka-age.

"Siya lang po talaga ang puwede kong magkausap, kasi nga siya lang yung ka-age ko dun.

"May nagsasabi nga na nagkikita daw kami sa labas.

"Oo, inaamin kong lumalabas po kami, pero grupo po yun. Hindi po kaming dalawa lang."

Dagdag niya, "Alam ko very defensive yung mga fans nila ni Julie Anne [San Jose] about their loveteam.

"Ayokong manghimasok sa loveteam nila. Ang sa ’kin lang, magkaibigan lang po kami and nothing else."

Nagpaparamdam ba ng more than friendship na attention si Elmo sa kanya?

"Wala po," sagot ni Lauren.

"Nirerespesto niya po yung friendship namin.

"Ako rin, gusto ko rin naman, friends lang kami."

Na-meet na ba niya personally ang ka-loveteam ni Elmo na si si Julie Anne?

"Hindi pa, pero napapanood ko po siya pag naglilipat ako ng ibang channel. Hands down po [ako] talaga sa kanya.

"Hanga ako sa kanya dahil magaling siyang kumanta.

"So, sana huwag na magalit yung mga fans nila, kasi walang akong intensiyon na sirain ang loveteam nila ni Elmo.

"Minsan, I got tweets, na may mga haters sa aming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana lang tumigil sila, I’m not trying to do anything naman.

"Sana lang i-respect nila yung friendship namin ni Elmo dahil yun lang naman talaga yun.

"Friends naman kami ni Enrique [Gil]. Friends naman kami ni JM.

"Bawal ba akong makipag-friend kay Elmo because he is from GMA[7].

"May mga ibang friends naman din ako from GMA. It so happen na lalaki siya at may loveteam siya," saad ni Lauren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN