Jolo Revilla on current relationship with Kim Chiu: "Ang sa akin, friendship lang muna... friendship."

"Ako, sa akin, let’s just cross the bridge when we get there. Friendship muna. Kumbaga, siyempre, yun naman ang nagiging basis sa lahat, pagkakaibigan," says Jolo Revilla when asked about being linked to Kim Chiu.


Kasabay ng pag-uumpisa ng promo para sa bagong primetime series ng ABS-CBN na My Binondo Girl ay ang simula rin ng pagli-link sa lead star nito na si Kim Chiu at ang isa sa leading men niya na si Jolo Revilla.

Pero natawa lang si Jolo nang tanungin siya kung si Kim ba ang kasama niya nang magbakasyon siya sa Hong Kong, samantalang ang anak lang niyang si Budoy ang kasama niyang nagbakasyon.

Si Budoy ay anak ni Jolo sa dati niyang girlfriend na si Grace Adriano, anak ng aktres na si Rosanna Roces.

Diin nga ni Jolo sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng My Binondo Girl kahapon, August 16, never niyang nakasama si Kim sa abroad kahit nang mag-shoot sila sa Hong Kong para sa ilang eksena ng serye.

"Dito na lang kasi ginawa yung promo shoot kaya hindi na ako sumama," paliwanag ni Jolo.

Maliban kay Jolo, kasama rin sa cast ang Kapamilya young actors na sina Xian Lim at Matteo Guidicelli. Pero kapansin-pansin, mas nali-link si Kim kay Jolo.

Ayon naman kay Jolo, "Trabaho lang ito. Bilang gentleman, kailangan nating asikasuhin nang tama. Pero dapat inaalagaan mo yung leading lady mo.

"Yun lang naman ang ginagawa natin. Pero nagtatrabaho lang naman tayo nang maayos."

CRUSH ON KIM. Nabalita dati na crush ni Jolo si Kim at gusto niya raw itong ligawan. Napagdududahan tuloy na baka promo lang ito ng serye nila.

Pero paglilinaw ni Jolo, "Wala naman akong sinabing gusto kong ligawan."

Sa isang episode ng TV5 showbiz talk show na Paparazzi, mismong ang isa sa mga host nitong si Dolly Anne Carvajal ang nagbalita sa show na sinabi raw sa kanya ni Jolo na gusto nitong ligawan si Kim.

Paliwanag ulit ni Jolo, "Hindi. Ang sinabi ko doon, may gusto ako sa kanya [Kim], di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero wala akong sinabing gusto kong ligawan."

Wala ba siyang interes o planong ligawan si Kim?

"Siguro bilang... habang tumatagal, tingnan natin.

"Kumbaga, mahaba pa naman ang pagsasamahan namin dito sa My Binondo Girl," saad ni Jolo.

Kung magkatuluyan sila ni Kim, sa tingin ba niya ay magki-click sila nito?

"Let’s see, wala namang imposible," sagot ng anak nina Sen. Bong Revilla at Rep. Lani Mercado.

Nag-aalinlangan ang marami na posibleng hindi na nga ituloy ni Jolo ang interes niya kay Kim dahil naunsyami na ito.

Pero aniya, "Hindi naman naunsyami. Kumbaga, matagal pa naman, e.

"Kumbaga, mas maganda na nakikilala mo nang mabuti yung tao, di ba? Mas okey na yung ganon."

CROSSING THE BRIDGE. Nabunyag ang pagdadala ni Jolo ng 50 pieces ng siomai kay Kim sa set ng taping nila.

Ito na ba ang unang hakbang ni Jolo sa pagpaparamdam niya ng interes sa Primetime Princess ng ABS-CBN?

"Ako, sa akin, let’s just cross the bridge when we get there," mabilis niyang tugon.

"Friendship muna. Kumbaga, siyempre, yun naman ang nagiging basis sa lahat pagkakaibigan."

Base ba sa mga nagdaang pagsasama nila ni Kim sa taping, nabasa na ba niya ang karakter ng young actress, na hindi ito mahirap ma-please sa lahat ng mga effort na gagawin niya sa mga susunod na pagsasama nila?

"Oo naman," sambit ni Jolo.

"Appreciative naman niya. Napapansin ko sa kanya na simple lang talaga siya."

Sinabi ni Kim sa isang interview na hindi siya ready na maging stepmom sa kahit na sinong lalakeng manliligaw sa kanya. Nataon namang may anak na si Jolo sa pagkabinata.

Natawa naman si Jolo sa nalamang pahayag ni Kim.

At nang makahirit na sa kanyang pagtawa, nagsalita na ang young actor. Aniya, "Ang sa akin, friendship lang muna... friendship."

Hindi pa raw naipapakilala ni Jolo sa kanyang mga magulang si Kim dahil magkatrabaho pa lang sila ng huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero natutuwa sila na nakatrabaho ko si Kim and at the same time, they’re looking forward na kung saka-sakali man, yung magkaharap-harap," pahayag niya.

KIM-JOLO LOVETEAM. Bagamat tatlo silang leading men ni Kim sa My Binondo Girl, ang bigat sa inaasahang pagki-click ng team-up nila ni Jolo ay ikinukumpara na sa dating ka-love team ng young actress na si Gerald Anderson.

Pero ayaw ma-pressure ni Jolo sa expectations na aasahan sa team-up nila ni Kim.

"Basta, gagalingan ko. I’ll do my best kung ano ang dapat kong gawin.

"Kumbaga, trabaho ito. Kung anuman ang ginawa ng Kim and Gerald noon, hindi ko naman sinasabing malalampasan ko yun.

"Kumbaga, tinitingnan din natin yun. Kumbaga, eto yung sa akin ngayon, pagbubutihin ko na lang."

Dagdag pa niya, wala naman siyang natatanggap na violent reactions o text messages mula sa Kimerald fans.

Noon, saka lang nagkakaroon ng interes si Jolo na ligawan ang isang aktres kapag nakasama na niya ito sa trabaho. Pero iba si Kim.

Hindi pa man niya ito nakakasama ay nagpahayag na siya na gusto niya ang dalaga.

Paliwanag naman ni Jolo, "Interes sa akin dahil nakikita ko na maganda siya, di ba? Tapos, simple.

"Kumbaga, ganun yun, e. Idolo ko siya."

Aminado si Jolo na napapanood niya ang mga pagluha ni Kim dahil sa magulong lovelife nila ni Gerald. Inamin din niyang nakisimpatiya siya sa young actress.

"I can feel her. I can feel her," sambit niya.

"Pero siyempre, ayoko nang pag-usapan ’yan. My Binondo Girl na lang ang pag-usapan natin."

Meron ba siyang mai-advice kay Kim pagdating sa lovelife?

"Ahm... siguro alam naman niya kung ano ang mga dapat gawin, e.

"Basta, ngayon trabaho na lang muna. Para sa akin, trabaho na lang muna," diin ni Jolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN