Direk Carlo Caparas’s son CJ quips he was "bribed" by his parents to try acting

"Parang masarap yung working environment. Masarap rin yung feeling na pinaghihirapan mo yung pinagpupuyatan mo. Yung kinikita mo. Kasi, at the same time nagbi-build ako ng sarili kong pangalan," says CJ Caparas now that he’s been bitten by the acting bug.


Asahang mas malaking opportunity sa showbiz ang makukuha ni CJ Caparas ngayon.

May commitment na kasi sa kanya at sa nakababata niyang kapatid na si Peach ang Viva Productions big boss na si Vic Del Rosario na ima-manage sila.

Si CJ at si Peach ay ang mga anak nina Direk Carlo Caparas at Donna Villa. Hindi kailangan ni CJ na magtrabaho nang husto para kumita dahil may kaya ang kanyang mga magulang. Pero, sigurado nang may mapupuntahan ang kanyang acting career because of Boss Vic.

Sa nakaraang presscon para sa launching ng Caparas Studio, isang bagong department sa kumpanya ng Viva, in-announce mismo ni Vic na hahawakan niya ang showbiz career ng magkapatid at gusto niyang gawing superstars ang mga ito.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 21 year-old-son nina Carlo at Donna, nagpahayag ito ng kanyang excitement sa napipintong pagsikat gaya ng kanyang mga magulang.

"Parang relief sa akin dahil ngayon, alam kong may malalaking entity sa likuran ko para sumuporta. Kaya hindi ako masyadong mahirapan, yung pag-akyat ko sa industriya.

"So, parang relieved ako na, ’okey, a. May magtutulak sa akin pataas. Hindi ako yung mag-isang hihila ng tali,’" nakangiti niyang pahayag sa amin.

IN PURSUIT OF ACTING. Noong una, hindi raw kumbinsido si CJ na mag-artista. Pero ngayon, 100 percent na gusto niyang isulong ang career niya bilang artista.

"Convinced ako ngayon na pasukin ang showbiz. Na parang, without neglecting my priorities, my studies, lahat ng mga ventures ko.

"Yung pag-aaral ko, itutuloy ko pa rin. Pagka-graduate ko, maglo-law school ako. Pag lumuwag yung showbiz schedule ko, doon ako magpu-proceed ng law school ko," paliwanag ng binatang nag-aaral ngayon ng Economics sa Ateneo de Manila University.

Base sa announcement ni Boss Vic, mas nakikita niya ang potential ni CJ bilang action star. Pabor ang binata dito, pero gusto rin daw niyang maging versatile.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko yung ideya na yun [action]. Pero, at the same time, it doesn’t mean na gusto niya [Boss Vic] ng action, yun na din lang ang gusto ko.

"Gusto ko maging all around. Gusto ko rin, pang-drama, pang-comedy. Parang all in one," saad niya.

Kung bibigyan ng chance si CJ na i-remake ang mga komiks novel ng kanyang ama, pipiliin niya ang Pieta. Una itong ginawang pelikula ng yumaong si Ace Vergel kasama sina Charito Solis at Vivian Velez. Sa TV series version naman, pinagbidahan ito nina Ryan Agoncillo, Cherie Gil at Krista Ranillo.

"Okey ako sa Pieta. Okey ako sa Joaquin Bordado. Yung mga nagawa na para hindi gano’n kahirap i-promote kasi half-made na yan, e.

"Si Mommy [Donna] naman gusto niya para sa akin yung Tuklaw [pinagbidahan naman ito ni Richard Gomez]."

Na-realize daw ni CJ na gusto niyang i-pursue ang kanyang showbiz career nang mapasama siya sa seryeng Bangis.

"Dahil na-feel ko yung buhay na parang hahanap-hanapin mo rin yung puyat. Yung pagtatrabaho nang magdamag.

"Parang masarap yung working environment. Masarap rin yung feeling na pinaghihirapan mo yung pinagpupuyatan mo. Yung kinikita mo.

"Kasi, at the same time nagbi-build ako ng sarili kong pangalan," esplika niya.

"Hindi naman talaga actually Bangis ang first show ko," paglilinaw ni CJ.

"Yung una kong indie film, kasama ko si Manny Pacquiao. Yung Pangarap Kong Jackpot. Yung trilogy. Si Daddy [Carlo] ang nagdirek ng movie.

"Kinuha nila si Manny Pacquiao para pumayag ako. Kasi idol ko siya. Saka binilhan nila ako ng kotse.

"Yung Porsche at saka yung Turbo. Kaya pumayag ako, kasi nga na-bribe nila ko," birong sambit ni CJ.

"Then, after no’n, binigyan naman nila ako ng teleseries na maliit lang sa IBC13. Na-bribe rin nila ako.

"Binigyan nila ako ng cash for three seasons yun. Matagal yun, more than a year. Ang title Croco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinasubukan lang nila sa akin para raw ma-experience ko, or ma-feel ko yung buhay showbiz," pagbabalita ni CJ na tumangging magsabi ng figures sa ibinigay sa kanyang talent fee ng mga parents niya. Pero, ayon sa kanya millions of pesos daw ang natanggap niya.

"Inilagay ko sa bank ko. Hindi ko ginagamit. Nagsi-save ako. Kasi balak ko when I have a family, parang mero’n na akong ipon."

Hindi na raw "sinuhulan" si CJ ng kanyang mga magulang sa paglabas niya sa Bangis.

"Kasi, bilang pangatlo ko na, naisip ko at na-feel ko nang okey sa akin. Na kahit walang bread [pera] kasi na-enjoy ko na, e.

"Actually, yung [paglabas ko sa] indie film na-enjoy ko na. Honest to goodness na-enjoy ko naman yung film at yung maliit na series na ginawa ko.

"Parang, ’a, ganito pala ang environment ng showbusiness? I like it.’

"So, nong dumating yung opportunity na kinukuha ako para sa Bangis, pumayag na ako without any hesitance.

"’Okey, sige. May experience na ako, expected ko na kung ano ang mangyayari," kuwento niya.

"Yung talent fee ko doon, regular lang. But I don’t consider my TF [a big deal]. Nagustuhan ko lang talaga na mag-artista.

"I don’t care [about] the TF. Ang gusto ko lang talaga experience [ang showbiz], exposure.

"Learn the ropes of the business at yung mga taong nakakasama ko."

PRODUCER SOMEDAY. Isa sa mga plano ni CJ ay ang subukan din ang mag-produce ng pelikula gaya ng kanyang Mommy Donna.

"Yung mom ko, niyaya ako na gusto niya in the future, baka mag-produce kami, since may puhunan din naman ako.

"So, if ever na mag-produce kami, puwede akong sumosyo sa mga gagawin nila." Tinutukoy niya ang mga komiks novelas ng Daddy Carlo niya na planong isalin sa pelikula ng Viva Films.

"Sarili kong pera ang gagamitin ko. May background na rin naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung yayain nila ako, may sarili silang [mom and dad] money. May sarili rin akong money, may sarili ring money ang Viva.

"Pag niyaya ako ni Mommy na isali nila ako sa Viva, I’d be willing to produce.

"Pero, gusto ko talaga pag-aartista. Susubukan ko lang mag-produce given a chance."

Isa sa mga crush ni CJ ay si Marian Rivera. Nong una namin siyang na-interview, naikuwento niyang gustung-gusto niyang tingnan ang billboard ad ng girlfriend ni Dingdong Dantes pag papunta siya ng school. Ang latest din daw na crush niya ay sina Sam Pinto at ang kababata niya na kasama niya sa Bangis na si Danita Paner.

BRAT NO MORE? Nagpapasalamat si CJ sa kanyang parents dahil "pinilit" siyang mag-artista.

"Sinasabi nila noon na, ’eto, subukan mo, magugustuhan mo. Subukan mo lang.’ Sagot ko naman, ’hindi nga I’m doing this kasi na-bribe ninyo ako.’

"Laging gano’n kapag nagtatalo kami. ’Ginagawa ko lang ito dahil na-bribe ninyo ako. Ayoko namang mag-artista.’

"E, bandang huli nag-form na yung love ko for acting. Yung passion ko sa acting na-develop na.

"Iba rin kasi yung experience na minsan masarap magpanggap na ibang tao.

"Yung hindi ikaw yung tao. Saka na-develop na rin yung passion for acting na natsa-challenge na ako.

"Hindi ko na iniisip yung kita. Hindi ko na iniisip yung obligation. Na-expose na ako. Hinahanap ko na.

"Nong una, naiinip ako sa paghihintay sa taping. Pero, nasanay na ako. Dalawang taon na rin ako dito.

"Dati sa inip ko, umuuwi ako. I wanna go home, kasi I’m impatient. So, sinasabi ko, ’Direk, next time na lang, ayoko nakakatamad dito,’" kuwento niya.

Malaki raw ang nagawa ng showbiz para baguhin ang iba niyang ugali, ayon pa rin kay CJ.

"Maraming inilabas ang showbiz sa akin. Maraming virtues. Patience, pakikisama at saka yung outlook ko overall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano kasi ako, mabilisan, rush lagi. Ayokong naghihintay. Saka yung pakikisama sa mga tao. Dati kasi feeling ko hindi ko kailangang pakisamahan ito.

"Ngayon, na-develop yung pakikisama. Minsan, kahit hindi ko kakilala mahusay akong makisama dahil sa pag-aartista," kuwento ni CJ na umaming isa siyang brat dati.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN