Joseph Bitangcol operation postponed due to lack of funds; friends sponsor benefit show

Due to financial constraint, Lydia Bitangcol, mother of actor Joseph Bitancol decided to postpone his operation. She was grateful for the positive response of her son’s friends to her call for help.


Hindi natuloy ang nakatakdang operasyon kahapon ng aktor na si Joseph Bitangcol.

Ito ang sinabi ng kanyang inang si Lydia Bitangcol sa panayam nito sa Showbiz News Ngayon kagabi, August 17.

Matatandaang noong August 10 ay nasangkot sa isang vehicular accident ang aktor habang binabaybay ang Sumulong Highway, patungo sa Antipolo City, kasama ang apat niyang kaibigan. (CLICK HERE for related article)

Bunga ng aksidente nagkaroon ng crack ang cheekbone ng aktor. Kinailangang sumailalim siya sa isang operasyon upang malagyan ng metal plates ang buto sa pisngi. (CLICK HERE for related article)

POSTPONED OPERATION. Bagamat gusto nang ituloy ng kanyang mommy Lydia ang operasyon, napilitan siyang ipakansela ito.

Pag-amin ng ina ni Joseph, hindi pa siya nakakabili ng kinakailangang metal plates para sa operasyon.

Aniya, "Pinaano [cancel] ko muna kasi nga wala pa akong pambili ng plates.

"Kailangan ng titanum plates para ipanglagay nila doon sa mga fractures niya.

"Supposedly, today ooperahan siya sa face, and then lalagyan siya ng mga plates."

Base daw sa binigay na computation sa kanya ng mga doktor, aabot daw ng higit-kumulang 200,000 pesos ang gagastusin nila para sa naturang metal plates.

Dahil dito, hindi na daw nagdalawang isip si mommy Lydia na humingi ng tulong sa mga kaibigan ni Joseph.

Nagpapasalamat daw siya at agad naman daw silang tumugon sa kanyang paghingi ng tulong.

Wika niya, "Yung mga taong tumutulong po kay Joseph, sa aming pamilya, talagang buong puso po akong nagpapasalamat sa inyo."

Kaugnay nito, nakatanggap ng impormasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment portal) na magsasagawa ng isang "all star cast" benefit show ang mga kaibigan ni Joseph.

Ito daw ay tatawaging "Coming from the Heart," na magaganap sa Linggo, August 21, 10 P.M. sa Zirkoh Tomas Morato.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN