Lorna Tolentino denies son Renz is courting Kim Chiu

"Hindi daw [according to Renz]. Baka magalit ang mga Kimerald [fan group nina Kim at Gerald Anderson] niyan. Wala naman daw. Hindi raw. Sa akin, wala namang commitment si Renz ngayon. If ever na magsama sila [sa isang project], okay lang yun," says Lorna Tolentino when asked if her son Renz is pursuing Kim Chiu.


Recently ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lorna Tolentino kaugnay sa pagtatapos ng kanilang series this week na talagang sinubaybayan ng mga manonood.

Sa pagganap niya bilang Allondra sa seryeng Minsan Lang Kitang Iibigin, ipinakita ni LT ang versatility at brilyo ng isang mahusay na aktres.

Playing a villain role in Minsan Lang Kitang Iibigin, napakahalaga ng karakter na ginagampanan ni Lorna sa seryeng ito sa Primetime Bida ng Kapamilya network.

Napakaepektibo raw niya bilang kontrabida kung kaya’t minsan ay nagkakapisikalan na sila ni Amy Austria who’s playing the role of Lora.

"Hindi naman sinasadya. It hapened one time, pero kasi, mali ang pagkaka-block ko.

"Kailangan kasi mag-bend ka, e, natamaan niya ako. Alam mo naman pag sinasadya at pag hindi.

"Pinag-uusapan namin [ni Amy] yun. Pag kailangan ng sampalan, pag totoong sampalan, pag sinabi ng direktor na dapat totoo, dapat gawin ninyo talagang totoo para effective," saad niya.

VIOLENT REACTIONS? Sa maraming pagkakataon, nakakaranas ang ilan sa mga artista na gumaganap ng kontrabida roles na masigawan, minsan pa nga ay mapukpok ng payong dahil sa epektibo nilang pagganap.

Naranasan din kaya ni Ms. LT ang ganitong reaksyon mula sa mga manonood?

"Hindi naman, kasi siguro mas mature na ang audience natin ngayon. Mas matalino na. Alam nila na role lang ’yan.

"Tapos, mas sanay naman sila na iba-iba naman ang ginagampanan ko.

"Katatapos lang ng Dahil May Isang Ikaw, mabait naman ako dun.

"So ngayon, alam nila na role lang ito. Trabaho lang."

Para sa aktres, ang pag-iba-iba ng roles na ginagampanan ay nagpapalalim ng kanyang versatility bilang isang artista.

"Maganda yung ganito. Iba-iba yung nagagawa mo para mayroon kang verstility. Ayoko din naman na puro api na lang.

"After this, rest muna. Siyempre, ilang months din kaming nag-work nang mahaba kaya kailangang magpahinga muna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tatlong araw sa loob ng isang linggo, o minsan nga ay halos araw-araw na taping, nabubuo ang sobrang bonding ng mga taong involved sa isang show.

Aminado si Ms. LT na sobra niyang mami-miss ang mga kasama sa Minsan Lang Kitang Iibigin.

"Mami-miss ko yung pagsasama naming lahat. Lately nga, naging four times a week na kami sa halip na three times a week.

"Kasi, siyempre, ang paggawa ng soap laging mahirap pag paumpisa at patapos.

"Yung gitna, ’yan yung nagkakakilanlan kayo. Nagkakakuwentuhan talaga.

"So, medyo relax nang kaunti, kaya medyo hindi mahirap."

JUST GOOD WORDS. Magaganda rin ang sinabi ni Ms. LT sa mga kabataang artista na kasama niya sa Minsan Lang Kitang Iibigin. Mula kay Coco Martin, Maja Salvador, Andi Eigenmann, at Martin del Rosario na kinakitaan raw niya ng propesyunalismo at pagmamahal sa trabaho.

"Masarap kasama yung mga batang ’yan. Parang mga anak na namin sila. Nakikita namin yung dedication nila.

"Yung pagiging hardworking dahil sanay sila sa pagpupuyat. Makikita mo yung palaban na kayang-kaya nila."

MY SONS. Pumasok na rin sa show business ang dalawang anak ni Lorna sa yumaong aktor na si Rudy Fernandez na sina Ralph ar Renz. Ayon sa aktres, inasahan na niya na magsu-showbiz din ang dalawang binata.

"Talagang dito naman pupunta ang mga anak ko [dito sa showbiz]. Nung una, pakonti-konti muna.

"Nagge-guest sila sa mga movies ni Rudy kaya alam namin na yun din ang patutunguhan nila.

"Mas dedicated sila. Yung fire, yung passion, nandun. Yung fire na magkaroon sila ng achievements kaya di mo na sila kailangang sabihan.

"Makikita mo, e. Dedicated sila. Professional all the time. Lahat ng katrabaho nila kilala nila ang pangalan."

RENZ LIKES KIM? Nali-link ngayon si Renz at nababalitang nanliligaw raw kay Kim Chiu. Bagay na nilainaw naman ni Ms. LT.

"Hindi daw [according to Renz]. Baka magalit ang mga Kimerald [fan group nina Kim at Gerald Anderson] niyan. Wala naman daw. Hindi raw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin, wala namang commitment si Renz ngayon. If ever na magsama sila [sa isang project], okay lang yun.

"Nakasama ko na si Kim sa taping ng Minsan Lang Kitang Iibigin where she played the role of young Allondra. Okay naman," sabi niya.

WORK WITH NORA? Sa pag-uwi ni Nora Aunor sa Pilipinas, marami sa mga artista ang bukas sa pagsasabing gusto nilang makasama sa isang proyekto ang Supestar. Isa si Ms. LT sa nagpahayag ng kasiyahan sa pagbabalik-bansa ng mahsuay na aktres.

"I’m happy na bumalik siya. Kasi, alam naman natin na walang makakahigit sa pagiging Superstar niya.

"Kung magkakatrabaho kami, oo naman.

"Happy ako kasi iisa pa lang ang pinagsamahan naming pelikula before. Yung Uod at Rosas, tapos isang eksena lang kami [magkasama].

"Pero ang pagkakaalam ko, sandali lang dito si Ate Guy," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN