Elmo Magalona denies courting Lauren Young; grateful for launching movie with Julie Anne San Jose

"It’s true nagka-crush ako before, pero ganun lang, hindi pa to the point na nagkaroon ng relationship. Siguro pag iniisip ko, masyado akong mako-consume na ang dami ko kailangang [asikasuhin]. Siguro mahirap isabay-sabay ’to sa work ko rin," says Elmo Magalona.


Hindi pa man naipalalabas ang unang pelikula ng young actor-rapper na si Elmo Magalona, ang Tween Academy: Class of 2012, ay may follow-up movie na siya agad na sinisimulan.

Ito ay ang launching movie nila ng kanyang ka-loveteam na si Julie Anne San Jose—o mas kilala sa tawag na Juliemo.

Just One Summer ang title nito na idinidirek ni Mac Alejandre for GMA Films at scheduled for release sa January 2012.

Nagsimula ang tambalan nina Elmo at Julie Anne sa isang production number sa Sunday musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas.

Marami ang nagkagusto nito kaya ginawa nang regular ang duets nila sa programa, hanggang sa magkaroon na ng sarili nilang followers ang dalawang Kapuso tween stars.

Ayon kay Elmo, ang pinaka-natutuwa sa pangyayaring ito ay ang fans nila ni Julie Anne.

"Kasi sila lagi yung nagre-request. So, parang nabigay na, gagawin po namin yung pinaka... alam n’yo yun, para magustuhan siya," sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo sa grand presscon ng Tween Academy kaninang tanghali, August 18, sa SMDC Grand Showroom ng SM MOA Complex sa Pasay City.

GRATEFUL. Ano ang naging reaksiyon nila ni Julie Anne nang sabihan sila na magkakaroon na sila ng launching movie?

Ani Elmo, "Siyempre, kami, we’re just really grateful na sunud-sunod yung blessings na nakukuha namin.

"At yun, kami, ever since naman, tulungan lang kami lagi and hindi naman namin ini-expect na ganito kabilis na magkakaroon kami ng own movie namin."

Biglaan ba yung naging decision ng GMA Films na magkaroon sila agad ng launching movie?

"Hindi ko po alam," sagot ng anak ng yumaong rapper-actor-TV host na si Francis Magalona.

"Siguro talagang pinag-isipan naman talaga nila kasi, di ba, matagal din namang hinihintay ng lahat ito?

"So, siguro pinag-isipan talaga nila kung kailan yung right time, tsaka kung kailan yung...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam naman nila kung kailan saktong time para i-launch."

Kadalasan ay lumalabas muna sa mga teleserye ang isang tambalan bago i-launch sa pelikula. Pero bakit sa kaso nina Elmo at Julie Anne ay sa pelikula agad sila isinabak?

Paliwanag ni Elmo dito, "Siguro malaki lang ang ano [tiwala] nila sa amin na... Parang yun ang gusto nilang ilabas kaagad na...

"Kasi siyempre, di ba, may iba rin na nagwu-work sa teleseryes saka sa movies?

"Saka marami pang mga big projects na hindi pa puwedeng... Kunwari kapag may teleserye kami, hindi siya at par sa iba.

"Kasi may Amaya pa, meron pang big projects. So, siguro iba."

So, between now and before the showing of their film ay may gagawin pa silang ibang projects together?

"Yes, of course," sambit ni Elmo.

"Siyempre hindi naman nila kami ilu-launch sa movie na hindi kami magkakaroon ng teleserye.

"At yun, magkakaroon din ’yon before the movie."

FOR REAL. Pangkaraniwan na gusto ng fans na ang kanilang iniidolong tambalan ang magkatuluyan maging sa tunay na buhay. Sa kaso ng Juliemo, ano na ang level ng relationship nila ngayon?

Ayon kay Elmo, "Siyempre kami, mas nagiging close pa rin kami now na magkakasama pa rin kami lagi, ganun.

"And tingin naman namin, hindi naman kami napi-pressure na parang dapat naming gawin ’to just for the sake of doing it.

"Alam mo yun, na parang dapat kami magkatuluyan.

"Ang goal talaga namin, success sa aming dalawa," saad ng 17-year-old actor-rapper.

LAUREN YOUNG. Bagamat successful nang masasabi ang pakikipagtambal ni Elmo kay Julie Anne, may usap-usapan namang may ibang nilalaman ang puso ng binata.

Ito ay walang iba kundi ang Kapamilya young actress na si Lauren Young.

Nauna nang itinanggi ni Lauren sa hiwalay na panayam ng PEP na may relasyon sila ni Elmo. Bagamat lumalabas daw sila, pero hindi lang daw sila kundi palagi silang nasa grupo. At magkaibigan lang daw sila ng Kapuso tween star. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinang-ayunan naman ito ni Elmo sa panayam sa kanya ng PEP kanina.

"It’s exactly true, na parang nakikita ko siya, but not like sobrang daming beses.

"Saka pag nakikita ko siya, usually kapag kasama ko yung kapatid ko, ganun.

"Group nga siya, as a group. Tapos yung sister din niya," pagtukoy ni Elmo sa elder sister ni Lauren na si Megan Young.

Dagdag pa niya, "I mean, marami pa naman akong ibang friends na showbiz and non-showbiz.

"Ewan kung bakit [kami nali-link]."

Inamin ni Elmo na magkasama silang nanood ng isang game ng Philippine Azkals, pero itinanggi nitong "sweet" daw sila ni Lauren.

"Sobrang hindi po ’yon totoo, kasi marami po kaming kasama no’n.

"Pag lumalabas, pag nakikita ko siya, like in a group kami, tapos makikita ko siya, ganun.

"Hindi ko po alam kung bakit sinasabi na kami lang dalawa."

Sabi pa ng binata, "Pag lumalabas kami kunwari, hindi ko po siya masyadong ka-close.

"Kasi kunwari pag nakasama ko siya, may iba pa akong kasama, like from GMA, ganun."

Pero inamin ni Elmo na bukod sa Azkals game ay nakasama na rin daw niya si Lauren sa iba pang gimikan.

Ano naman ang reaksiyon ni Elmo sa sinabi ni Lauren na nakakatanggap siya ng hate messages mula sa Juliemo fans?

"Siguro naiisip nila na... parang ina-assume kaagad na ganun ang nangyari, pero hindi naman kasi dapat.

"Parang hindi naman siya threat sa partnership ko with Julie Anne.

"I really maintain being professional and iba talaga yung pagtatrabaho namin ni Julie Anne, na talagang we work together as a team."

NOT COURTING. For the record, nililigawan ba niya si Lauren?

"Wala po, friends lang," sagot ni Elmo.

May nililigawan ba siya ngayon?

"Hindi po, wala po ako ngayon."

Nagka-girlfriend na ba siya before?

"No... siguro medyo kinakabahan ako ngayon kaya... Siguro kasi hindi pa ako experienced.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s true nagka-crush ako before, pero ganun lang, hindi pa to the point na nagkaroon ng relationship.

"Siguro pag iniisip ko, masyado akong mako-consume na ang dami ko kailangang [asikasuhin].

"Siguro mahirap isabay-sabay ’to sa work ko rin."

Hindi ba masyado pa siyang bata para magseryoso sa trabaho? At dapat ay nag-e-enjoy muna siya sa pagiging teenager?

Pero ayon kay Elmo, "Enjoy naman ako... Siyempre sa work ko, enjoy rin naman kasi entertaining is really one of my passions.

"Every time naman talaga, hindi ko iniisip yung pagod, never kong naisip mag-complain about my work.

"Lagi nga akong nabi-bless kasi, yun nga, nakukuha ko ’to."

Nasubukan na raw naman niyang manligaw, pero ito ay noong wala pa siya sa showbiz.

Nabasted na ba siya?

"Hindi naman, pero... Hindi naman traumatic.

"I mean, hindi siya serious na relationship. Parang [puppy love], ganun lang."

Mga thirteen years old lang daw siya noon.

"Pero it wasn’t anything serious. I mean, nakikita ko siya sa school...

"Ibang level na kasi ngayon, di ba? Ngayon, I’m 17 years old, siguro mahirap na siya.

"Pero hindi ko pa iniisip," diin ni Elmo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN