Alden Richards now being groomed as next Kapuso leading man after rejection by two reality shows

"Yung fame, if it’s for you, it’s for you, e. Kumbaga, hindi mo kailangan ng competition, hindi mo kailangan ng kaaway para sumikat. So, para sa akin, kung talagang if you’re meant to be famous, then it will come. If not, then it’s not for you," says Alden Richards.


Sino nga ba naman ang mag-aakalang pagkatapos "ma-reject" sa dalawang reality shows sa dalawang higanteng TV networks ay kikilalanin ngayon bilang isa sa most promising young actors ng bansa si Alden Richards?

Unang sumubok sa pag-aartista si Alden nang mag-audition siya sa reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck Season 5.

Bagamat nakapasa siya sa audition ay hanggang sa Top 30 lang ang inabot niya at natanggal na siya.

Pagkatapos nito ay sinubukan din niyang mag-audition sa reality show naman ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother Teen Edition, pero nabigo siyang makapasok sa Bahay ni Kuya.

REALITY SHOWS REJECT. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alden sa grand launch ng Tween Academy: Class of 2012—ang una niyang pelikula—kaninang tanghali, August 18, sa SMDC Grand Showroom sa SM MOA Complex, ay ikinuwento niya ang kanyang pinagdaanan bago niya narating ang pinakaaasam na kasikatan.

"I joined StarStruck, ang ganda ng pasok, e, Top 100," simula niya.

"Parang, wow, okay na ’to. We’re on the right track.

"And then, slowly cut-cut, during the Top 30, dun na po ako nawala, e.

"So siyempre, very, very, very disappointed po talaga ako."

Ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit siya natanggal sa puntong iyon ng competition?

"I don’t know... maybe I was fat? Medyo mataba po ako noon... I have malaking stomach po... So, parang hindi okay sa screen.

"So, siguro naging isang factor ’yon ’tsaka medyo hilaw pa po... hilaw pa yung acting, dancing, singing.

"In short, hilaw pa po yung talent.

"So, talagang sobrang sama po ng loob ko noon kasi talagang I really had to stop schooling for that."

Pagkatapos nito ay sumunod naman niyang sinubukang mag-audition sa PBB Teen Edition ng ABS-CBN.

"And again, wala pa rin po, e.

"So, I just waited and then I continued schooling po muna again after that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, big depression [for] me," sabi niya.

HIS MOTHER’S DREAM. Is it really his dream to be an actor?

"Actually, my mom. My mom dreamed this for me," sabi ni Alden.

"And siyempre, somehow talagang I dream to be an artista someday.

"Kasi pag nanonood ako ng mga Hollywood films, ng movies, parang ang sarap ilagay nung sarili mo sa role nila...

"So, talagang naging hilig ko na rin po.

"Before, I really watch a lot of dramas kahit hindi pa ako nagsu-showbiz.

"Para lang to absorb kung ano yung mga naibibigay ng mga artista dun sa mga soap operas."

THE BREAK. Bagamat dumating ang puntong gusto na niyang sumuko, isang hindi inaasahang oportunidad ang dumating kay Alden—o Richard Faulkerson Jr. sa tunay na buhay.

"And then, eventually nga po, there was an audition for Alakdana," pagtukoy ni Alden sa afternoon soap na pinagbidahan ni Louise delos Reyes kunsaan isa siya sa naging leading men.

"Kumbaga, ang pumili po dun sa akin si Direk Mac Alejandre.

"So, parang ang laki-laki po talaga ng... very thankful po ako kay Direk Mac for giving me the opportunity to show what I’ve got.

"Parang he trusted in me. Parang he saw something that others don’t see before."

Hindi nga raw makapaniwala ni Alden na sa una niyang TV project ay leading man siya agad.

"Talagang ang sarap ng feeling!" sambit niya.

At pagkatapos ng Alakdana ay nagkasunud-sunod na raw ang "blessings" na dumarating sa kanya.

"Ito na nga po, Tween Academy, seeing myself on the big screen, parang it’s a wow!

"So, I owe it to my mom wherever she is right now. I’m sure she’s very proud," sabi pa ni Alden.

Pumanaw ang ina ng 18-year-old actor three years ago dahil sa sakit na pneumonia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ama naman ni Alden, who is half-American, ay kasama pa rin niya ngayon at nagtatrabaho raw sa Sta. Rosa, Laguna.

"Ayun, siyempre very proud dad din," sabi ni Alden tungkol sa kanyang ama.

"Kasi he never expected na magiging ganito ang treatment ng network sa akin, e.

"Na somehow parang they entrust a lot of projects and shows, na parang it’s very unusual sa isang baguhan ibigay."

Dagdag pa niya, "So, talagang I won’t let GMA down.

"Siyempre kung anumang project ang dumating, I will give all my efforts, all my time, and everything talaga."

SUNRISE AFTER TWO FAILURES. Did he expect na after all the disappointments and rejections ay makakapasok pa rin siya sa showbiz?

"Talagang dumating po ako talaga sa time na nag-give up," pag-amin ni Alden.

"Kasi, to think na pipila ka sa audition, tapos ang init, tapos at the end of the day, wala rin, hindi ka rin makukuha.

"Dumating ako sa point na ayoko na, kasi parang it’s just wasting my time.

"Ang dami ko pa pong puwedeng magawa.

"I can go back to school, finish schooling, get a master’s degree, be a professional..."

Business Administration ang kursong kinukuha noon ni Alden sa De La Salle Canlubang, Laguna.

"So, ’yon, talagang dumating sa point na umaayaw na.

"And then, parang out of the blue, one of mga contacts namin sa GMA called us for the [Alakdana] audition.

"Then, eto na po siya, tuluy-tuloy na."

Kung tutuusin nga, mas sikat pa ngayon si Alden sa karamihan ng nakapasok sa Season 5 sa StarStruck. Ano ang masasabi niya rito?

"Blessing in disguise po na parang after nung dalawang failures na ’yon, sunrise after that," sagot niya.

"So, very thankful... really, really grateful sa network.

"Sila talaga yung tumutulong sa akin sa lahat with regards sa shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So far, may mga upcoming endorsements na," banggit pa niya.

UPCOMING PROJECTS. Sa ngayon ay ang weekly stint niya kasama ang ibang tweens sa Party Pilipinas at promo ng Tween Academy ang pinagkakaabalahan ni Alden.

Pero may dalawang pelikula raw siyang ginagawa ngayon—ang Metro Manila Film Festival 2011 entry na Panday 2 at ang horror movie na The Road.

Sa Panday 2 ay si Alden ang pumalit sa role na dapat ay kay Aljur Abrenica. Kasama niya rito sina Sen. Bong Revilla, Iza Calzado, at Marian Rivera.

Pero between the two films, tila mas excited si Alden sa role niya sa horror film na The Road.

"Yung The Road talaga, I’ve done only one shooting, pero ang saya, e.

"Ang sarap po ng feeling na yung dream role mo, yun ang pinu-portray mo."

His role?

"Hindi ko pa po siya puwedeng i-reveal, pero ano siya, e... basta very depressing yung role ko somehow.

"Yun po, dream ko talaga.

"Yun po, very exciting talaga. Very exciting every [shooting] day.

"And ang ganda pa po nung feedback," saad niya.

KAPUSO LEADING MAN. Pang-leading man ang packaging kay Alden ng GMA-7. Ano ang masasabi niya rito?

"It’s really a big blessing, parang it’s a big responsibility at the same time.

"Kasi, talagang kung yun po talaga ang plano ng network, talagang paghihirapan ko po talaga lahat.

"I will prove to them na I am deserving of whatever projects and whatever shows they give me, talagang ibibigay ko po yung hundred percent.

"Talagang I would devote my time, my effort to fulfill their expectations to me po."

Naniniwala rin si Alden na kulang ngayon ng leading men sa bakuran ng Kapuso network.

"Kasi parang they need to find talaga talents to build up to be future leading men someday," sabi niya.

Kaugnay nito, naitanong ng PEP kay Alden kung ano ang reaksiyon niya sa paglipat ng co-star niya noon sa Alakdana na si Paulo Avelino sa ABS-CBN. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinasabi kasing isa sana si Paulo sa posibleng maging next leading men ng Kapuso network, pero pinili nitong lumipat sa karibal na network.

"I’ve read the article... Sabi naman ni Pau, parang he wants to explore more his field as an actor, parang he wants to experiment.

"So, siguro baka ma-fulfill ng other network yung needs niya, yung hunger niya for that change.

"So, siguro kaya siya lumipat.

"Medyo malungot din na lumipat siya sa kabila, pero wala po tayong magagawa.

"That’s his decision," sabi ni Alden.

Hindi naman daw parang nawalan ng isang kakumpitensiya si Alden sa bakuran ng GMA-7 sa paglipat ni Paulo sa ABS-CBN.

"Kasi, para sa akin po, yung fame, if it’s for you, it’s for you, e.

"Kumbaga, hindi mo kailangan ng competition, hindi mo kailangan ng kaaway para sumikat.

"So, para sa akin, kung talagang if you’re meant to be famous, then it will come.

"If not, then it’s not for you," saad niya.

Siya ba ay lilipat din ng network kung sakaling may offer sa kanya?

"Hindi po ako lilipat," deklara ni Alden.

"Para kasing yung trust ng isang network, isang big network, makuha mo, it’s so precious na napakahirap bitawan.

"So, for me, talagang I would stay loyal to GMA siguro for the rest of my career."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN