Sam Pinto says she can’t rate Elmo Magalona as a kisser only by their "fast" kissing scene

FHM Sexiest Woman Sam Pinto plays the leading lady of tween star Elmo Magalona in the movie Tween Academy: Class of 2012.


Ang FHM Sexiest Woman na si Sam Pinto ang gumaganap na leading lady ng tween star na si Elmo Magalona sa pelikulang Tween Academy: Class of 2012.

Sa pelikula ay may kissing scene ang dalawa, si Elmo bilang isang estudyante na in love sa kanyang teacher at si Sam sa papel nitong teacher.

Pero nilinaw ni Sam na hindi torrid ang kanilang kissing scene.

"Smack lang sa lips," sabi niya sa grand presscon ng pelikula ng GMA Films sa Grand Showroom ng SMDC sa Mall of Asia compound kahapon, August 18.

Ano ang feeling na bagets ang ka-kissing scene niya? Hindi ba natulala si Elmo?

"Hindi naman," nakangiting sagot ng sexy star.

Ninerbiyos ba si Elmo?

"Parang hindi rin naman."

Nagkailangan o naasiwa ba sila?

"It was very professional, parang... ang nasa isip kasi naming pareho, na trabaho ito, para gumanda yung pelikula. So, ’yon."

Hindi lang daw take one, take two, or take three ang kissing scene nila ni Elmo.

"Eight takes kami!" bulalas ni Sam.

Sinadya kaya ni Elmo na maka-walong takes ang naturang eksena?

Tumawa muna si Sam bago sinabing, "Feeling ko, hindi naman.

"Let me explain... Kasi mahaba po yung eksena, e.

"Like yung first part, may kissing scene. Tapos yung second part, nandun si Ms. Nadia [Montenegro].

"Iiyak pa siya [Elmo], so parang madaming emotions sa scene.

"Nagkakagulo nung nagte-take talaga kami, so parang nagkakasapawan, kaya eight takes siya."

Nagreklamo daw ang ibang male tween stars na kasali sa pelikula kung bakit sila ay walang kissing scene with her, samantalang sila ay wala.

Ang iba pang male stars sa pelikula ay sina Joshua Dionisio, Jhake Vargas, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio at Alden Richards.

Muling natawa si Sam bago sumagot.

"Baka sa next movie! Ano ba ’yan?"

Hindi naman makasagot si Sam kung kumusta si Elmo as a kisser.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It was fast!" at muling tumawa si Sam.

"Mabilis, sobrang bilis lang, pak! Ganun lang."

Kaya eight takes ba’y dahil iba-ibang anggulo kinunan?

"Hindi naman," sabi ni Sam.

"Like I said, nagkakasapawan yung mga lines namin. So, uulit na naman.

"So, parang ganun, mahaba talaga yung eksena."

Pero ang kissing scene nila ay maigsi lamang?

"Yung sobrang fast lang."

Kaya nga hindi raw niya mare-rate si Elmo bilang kisser.

"Hindi ko naman mare-rate ito kasi too fast, so wala na agad."

Hindi kaya pagselosan o kainisan siya ng female tween stars dahil crush siya ng male tween stars?

"Hindi naman, no reason," sagot ni Sam.

"In fact, mababait silang lahat, masarap sila lahat katrabaho."

Bagamat teen stars ang nagkakagusto kay Sam, ayon sa kanya, "I prefer older men."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN