Joseph Bitangcol to undergo surgery on fractured facial bones

"Siguro, may purpose pa talaga ako sa family ko, friends, sa mundong ito kung bakit ako binigyan ng second life. Saka siguro mas doble focus, doble hard work. Huwag muna magpa-disturb sa mga bagay-bagay diyan kung saan ka hatakin, ganun," says Joseph Bitangcol.


Muling dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Joseph Bitangcol noong August 17 sa Marikina Valley Hospital, kung saan siya naka-confine hanggang ngayon pagkatapos niyang maaksidente, kasama ang lima niyang kaibigan, noong August 10. (CLICK HERE to read related story.)

Bagamat namamaga pa rin ang mukha, may balot pang benda sa ulo, at hirap pa rin siyang magsalita, nagpaunlak pa rin si Joseph na makausap namin.

Kumusta na siya ngayon?

"Okay naman na ngayon, medyo stable na," sagot niya.

"Pero mag a-undergo pa rin ng surgery operation.

"Ngayon, medyo magaang na yung pakiramdam ko after one week na mangyari yung aksidente."

OPERATIONS. Binanggit din ni Joseph ang mga operasyong gagawin sa kanya.

"Etong linggo na ito, nagawa palang yung fracture sa kamay ko.

"Yung isang daliri ko, yung sa hintuturo ko, may nabaling buto at may nahiwang skin.

"Yun palang yung naayos ngayon, naoperahan na. Eto, medyo maga pa, pero pinagagaling ko na.

"Yung next operation, maybe this weekend, either Friday or Saturday, ang gagawa na ng surgery, yung sponsor ko, yung Faces and Curve.

"Sila na yung tutulong sa akin para ma-lessen yung gastos.

"Mas alam pati nila yung aayusin at proseso sa mga surgery ng fracture bones sa mukha ko. Kasi specialty nila talaga yung sa mukha.

"Kasi may fracture yung cheekbone ko, may fracture din sa may jaw ko, tapos may crack yung chin ko.

"Sabi naman nung doctor, maaayos naman daw.

"Siguro major operation yung mangyayari sa operation ng mukha ko, kasi idye-general anaesthesia nila ako.

"So, tulog ako habang ooperahan yung mukha ko."

THE TRUCK DRIVER. Kakasuhan ba nila yung driver ng truck na nakabangga sa kanila?

"Actually, bale anim kami na naaksidente, lahat sila nagpa-file na ng kaso.

"Tinatanong kami kung anong plano, nag-iisip pa kami ni Mommy kung anong magandang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa kami decided, pero baka papunta rin kami na susuportahan namin yung ibang nabiktima na mag-file ng kaso," saad ni Joseph.

Sumusuporta ba financially sa kanila yung driver ng truck?

"Hindi, wala talaga silang tulong na ibinibigay.

"Pero pinag-uusapan na yata sa munisipyo, may mga kanya-kanya na yata silang abugado na nag-uusap-usap."

Hanggang kailan siya mag-i-stay sa ospital?

"Sa ngayon, sisiguraduhin na lang nila muna yung safety ko, saka yung health ko, para i-check nila kung okay na akong ma-release, para maipasa na ako dun sa surgeon na gagawa ng final operation sa akin.

"I think hanggang this weekend nalang ako mag-stay dito sa Marikina Valley hospital.

"Then, hindi ko pa alam saan ako ililipat for my next operation."

PENDING PROJECTS. May pending projects ba siya before the accident?

"Buti na nga lang natapos na yung soap namin [Babaeng Hampaslupa] sa TV5 bago mangyari yung accident.

"Natira na lang ngayon na pending ko yung Lokomoko...

"Well, nandiyan naman sila [cast ng Lokomoko] at sumuporta naman sila sa akin dito sa ospital, bumisita sila sa akin dito.

"Ongoing naman yung show, e. Hindi naman siya soap na may istorya na dapat nandun ako palagi.

"Anytime pag gumaling ako, may babalikan naman akong show.

"Sa ngayon, yung mga iba kong mga na-cancel na show, yung mga out-of-town show ko at mga stage play.

"Sa ngayon, yun pa lang naman yung naudlot at na-cancel na projects ko."

FALSE RUMORS. Muli naming pinabulaanan ni Joseph ang kumalat na balitang lasing daw silang magkakaibigan nang maganap ang aksidente. Hindi rin daw totoong nakikipagkarerehan siya sa kalsada.

"Hindi talaga totoo yun," diin niya.

"Unang-una, hindi ako puwedeng malasing kasi 1 a.m. ako nanggaling sa taping, tapos 2 a.m. ako nanggaling dun sa pinuntahan naming venue.

"Mga 3 or 3:30 a.m. naganap yung aksidente. Paano pa kami makakainom nun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pangalawa, pasahero lang ako that time at hindi ako yung nagda-drive. Paano ako makikipagkarerahan?

"May iba akong purpose bakit ako napasama dun sa biyahe, hindi para mag-inom or mag-drive nang mabilis sa Antipolo.

"So, may iba talaga kaming purpose. Yung purpose ko dun ay may titingnan at may balak akong bilhin na iPad dun sa venue, yun lang."

SECOND LIFE. Ano ang mga realization niya pagkatapos ng nangyaring aksidente sa kanya?

"Thank you kay God kasi He gave me second life.

"Kasi nung nangyari yung accident, akala ko wala na talaga.

"Siguro, may purpose pa talaga ako sa family ko, friends, sa mundong ito kung bakit ako binigyan ng second life.

"Saka siguro mas doble focus, doble hard work. Huwag muna magpa-disturb sa mga bagay-bagay diyan kung saan ka hatakin, ganun."

Dagdag pa ni Joseph, "Gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga tumulong sa akin financially, emotionally at spiritually.

"Nakita ko talaga kung sino yung tunay kong mga kaibigan. Sa ngayon, marami sila para isa-isahin ko.

"Pero magkakaroon din ako ng chance na pasalamatan sila personally paggaling ko.

"Message ko sa mga bumabiyahe, ingat lang kayo palagi!" pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN